ALIYAH'S POV Tinignan ko lang ang aking pagkain na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinitikman. Bumuntong hinga ako saka tinulak ang aking tray palayo bago nilagay ang aking kamay sa ilalim ng baba ko. Hay, nakakawalang gana naman. "Ang lalim no'n," rinig kong sabi ni Macy. "May problema ba, Aliyah?" tanong ni Loreen. Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hinga ulit ako. Lagi na lang akong nagkakaganito. Nitong mga nakaraang araw ay nawawalan na ako ng gana sa aking buhay. Palagi na lang akong wala sa aking sarili at hindi na rin ako masyadong nakikinig sa klase. Lumingon ako kay Loreen na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin kaya binigyan ko ng isang ngiti si Loreen bago siya sinagot. "Ayos lang ako, Loreen. Wala akong problema—" "Says the girl who always sighs and then st

