THIRD PERSON'S POV "Lorton Terrors wins the first half of the game—oh! What is this? What happened to Blue Hydra's behind striker?!" "s**t!" Gulat na tumayo si Warren mula sa kanyang upuan. "Argh! Ang sakit!" Mabilis na tumakbo si Kobe papalapit sa binata na namimilipit ngayon sa sakit habang nakahiga sa lupa at tinulungan niya itong tumayo. "Tangna—Troy, kumapit ka lang. Tumawag na sila ng medic," nag-aalalang sabi ni Kobe kay Troy. Hawak ngayon ni Troy ang kanyang paa na tinadyakan ng isang manlalaro mula sa Lorton Terrors kanina. Sumigaw dahil sa sakit si Troy at pumikit ang binata nang itinayo siya ni Kobe. Pakiramdam ni Troy ay nabali ang kaniyang buto sa paa dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. "Konting tiis nalang, Troy. Malapit na tayo sa labas ng field," sabi ni Kobe

