Chapter 10 : Cheer For Me

2882 Words
ALIYAH'S POV "Cheer for me..." Pumikit ako dahil sa inis. That jerk! Ang kapal ng mukha niya para utusan ako. I can't even withstand when other people have their attention on me and now he wants me to cheer for him? In front of the whole crowd?! No way. I'd rather write a thousand word essay than do what he wants me to do. Pero ayokong magkautang sa kanya. Baka mamaya ay sasabihin pa ni Kobe na ang laki ng utang ko sa kanya. Ayokong mangyari yon no. Hindi ako tinuruan ng mga magulang ko para mangutang sa kapwa ko. Bumuntong hinga ako saka binaon ang mukha ko sa aking mga kamay. Mukhang wala na akong ibang pagpipilian kundi ang gawin ang gustong mangyari ni Kobe. Umupo kami sa bleachers malapit sa field. Sinabi kasi ni Kobe kanina na may pinareserba siyang mga upuan para sa amin. "Wow, ang ganda ng view dito. Makakasigaw ka talaga ng maayos, Aliyah." Kumindat si Macy sa'kin at nairita naman ako. "Ready na ba ang vocal cords mo, Aliyah?" natatawang tanong ni Warren at inirapan ko lang siya. Kainis, isa pa siya. Sarap pag-untugin ng dalawang to at itapon sa gitna ng field. Narinig namin ang tunog ng pito at nagsimula na ang laro. Si Kobe ang unang nakakuha ng bola at mabilis niya itong ipinasa ka Paul. Nag-dribol si Paul gamit ang kanyang mga paa at pagkatapos ay tumakbo na siya papunta sa kabila ng field. Pinasa ni Paul ang bola kay Ethan at pinasa naman ito ni Ethan sa kanyang kapatid na si Gilbert. Matapos ang ilang takbo ay ibinalik ni Gilbert ang bola kay Kobe. Gosh, tingin ko ay iikot ang paningin ko dahil sa bilis ng mga galaw nilang lahat. I think I am going to lose my vision today—just kidding. "—and Saint Regina's Blue Hydras scores with their first goal by yours truly, Kobe Calisto!" The announcer was doing a great job by exaggerating his voice to give the crowd the suspense, thrill and excitement of the game. Lumingon si Kobe sa gawi namin at nang nagtama ang mga mata naming dalawa ay mabilis siyang kumindat sa'kin bago tumakbo papunta sa gitna ng field. Gusto kong magtago ngunit nainis ako dahil sa mga babae na nakaupo sa harapan ko. Ang tinis kasi ng mga boses nila at sumasakit na ang tenga ko dahil kanina pa sila tili nang tili. Sarap tahiin ng mga bunganga nila. "Iiik! Tumingin si Kobe sa'kin! " "No! Sa akin kaya siya tumingin! Ilusyunada ka rin no!" "Anong sabi mo, b***h?! Ikaw ang ilusyunada rito!" Geez, die hard fan girls. Hay, gusto ko ng umuwi pero pinipigilan ako ng konsensiya ko. May utang pa akong babayaran kay Kobe. Sa kabilang parte naman ng field ay nakita ko si Honey na kasama ang kaniyang kapwa cheerleaders at abala sila sa pagsisigaw at pagsasayaw. Tumunog ang pito at huminto muna ang laro. Nakita kong nag-ayos si Honey dahil oras na nila para humataw sa gitna ng field. Habang naglalakad si Kobe papunta rito sa amin ay nakita ko na nilapitan siya ni Honey. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking hawak na bote ng tubig nang lumapit si Honey at may binulong siya sa tenga ni Kobe na naging dahilan upang tumawa si Kobe. Malaki ang ngiti ni Honey nang rumampa na siya patungo sa field at ito ang naging dahilan upang magwala ang mga nanonood, lalo na ang mga kalalakihan. Sumigaw si Warren ngunit kaagad rin siyang tumigil nang tiningnan siya ni Macy ng masama. Nakita kong kinuha ni Honey ang pito niya na nakasabit sa kanyang leeg. Si Honey pala ang Captain ng mga cheer squad? Hindi ko alam ito ah. Pagkatapos patunugin ni Honey ang kanyang pito ay nagsimula ng sumayaw at sumigaw ang kanyang mga kasama habang itinataas ang kanilang mga pompoms na tila mga bituin na umaapoy. Please note my sarcasm. Pinagmasdan ko ang si Honey habang gumagawa siya ng mga backflip at iba pang mga stunts. Tumalon si Honey sa likod ng isang babae at itinaas niya ang kaniyang mga pompoms kasabay ang pagtaas ng kaniyang makinis na binti. Wow, shiny. Nakakasilaw at tingin ko ay nabulag na ako. "Go, Blue Hydras!" buong lakas na sigaw ni Honey at syempre nagtapos sa isang back flip presentasyon ng cheer squad. "How lovely," sabi ni Macy at siniko naman siya ni Warren. "What? I was just complementing their performance. Ikaw talaga, ang malisyoso mo," kontra ni Macy habang tinuturo si Warren. Nagsimula na ang ikalawang parte ng laro at nangunguna ng isang puntos ang Blue Hydras habang ang Lorton Terrors, ang kalaban, ay wala pang puntos. Nag-dribol si Paul at pagkatapos ay ipinasa niya ang bola kay Kobe at naghiyawan ang mga estudyante ng Saint Regina nang si Kobe na ang may hawak ng bola. Well, I can't blame them. Kobe looks so good while dribbling the ball with his feet. Pinasan ni Kobe ang bola patungo kay Tristan at sinalo kaagad ito ni Tristan. Tumakbo na si Tristan habang iniiwasan ang lahat ng mga kalaban na nakakasalubong niya. Pinasa ni Tristan ang bola kay Troy na siyang pinakamalapit so goal. Sinipa ni Troy papasok sa goal ang bola at muling naghiyawan ang mga taga-suporta ng Blue Hydras. "Yes! Ganiyan dapat, Troy! Own the field baby!" sigaw ng isang babae na nasa likod ko. Nabasag ang boses niya at para tuloy siyang kambing na nanganganak ng sampung barko. Humihip ng halik si Troy at nagsigawan ang mga kababaihan dahil dito. Lalo na itong babae na nasa likod ko. "Kyaaaaah! Akin ka na lang, Troy! Buntisin mo na ako!" Nang narinig ko iyon ay nagkatinginan kami nina Warren at Macy saka humagalpak ng tawa. Natawa pa kaming tatlo dahil sa sigaw ng mga baliw na fangirls ng Blue Hydras. Ang kulit nila grabe. "Waaaaah! Gilbert! Ngayong gabi sa likod ng sementeryo ah! "Ethan wampipiti! Kyaaaaah!" "Daniel! Baby ko! Isang smile naman diyan! Dali na!" "Glen my loves! Dalhin mo na ako sa langit ngayon din! Ugh!" "Paul ang gwapo mo! Ako nga pala ang future wife mo!" "Alvin! Akin ka na lang bebe ko!" Halos mamatay na ako dahil sa kakatawa at ganoon rin sina Warren at Macy ngunit tumigil kami ni Macy nang nakita namin si Warren na ngumiti habang nakatingin sa field. Kahit maingay ang paligid ay narinig ko pa rin na bumuntong hinga si Warren. Tinapik ni Macy ang likod ni Warren at tinanong ko naman si Warren kung ayos lang ba siya. "Ayos lang ako. Na-miss ko lang ang maglaro kasama ang buong team." Malungkot na ngumiti si Warren sa amin. "Awe, kung wala ka lang sanang injury at health problems tapos papayagan ka ng Principal na bumalik na sa team ay makakalaro ka pa. But hey, we always go through that stage cause we are growing kids and that's natural," sabi ni Macy at tumango ako. "Smile ka na, Ren." Ginulo ko ang buhok ni Warren at tumawa lang siya. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakakita ng isang totoong laro. Noong nasa Junior High pa kasi ako ay hindi ako masyadong lumalabas ng silid dahil abala ako sa pagbabasa at pagrereview. Hindi ako nanonood ng mga ganitong laro at iba pang mga events. Ito ang pinakaunang beses na nakapanood ako ng isang laro kasama ang mga kaibigan ko. "Sus, kayo talaga." Mahina akong sinuntok ni Warren sa balikat at ganoon rin si Macy. "—and again, folks! Saint Regina's Blue Hydras has scored again! Back to back!" "Oh my god! Naka-score na naman tayo!" masayang sigaw ni Macy at inalog niya si Warren ng tila wala ng bukas. "Go, Calisto!" sabay na sigaw nina Warren at Macy habang nakangiti. "Cheer for me." Tumingin ako sa field at nakita ko si Kobe abala sa pagpasa ng bola sa kaniyang mga kasama. Si Tristan ang may hawak ng bola at pinasan naman ni Tristan ang bola kay Gilbert. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Ipapasa na sana ni Gilbert ang bola kay Ethan ngunit mabilis itong nakuha ng kalaban. Naghiyawan ang mga supporters ng kabilang team at tumahimik ang buong Saint Regina. That move was just unexpected. Ang manlalaro na nakakuha ng bola ay mabilis na tumakbo papunta sa gola ng Saint Regina at nagtataka na ako tao pa ba siya o si The Flash. Nakita ko kung paano nagulat si Alvin na siyang nagbabantay ngayon ng goal at tumahimik ang mga taga-suporta ng Blue Hydras. Sinubukan ni Glen na bawiin ang bola mula sa kalaban ngunit hindi siya nagwagi dahil tinulak lang siya ng kalaban palayo. Nakatakas ang kalaban at pinasa ang bola sa kanyang kasama na nakatayo malapit sa goal ng Blue Hydras. Sinipa ng kalaban ang bola at hindi ito nasalo ni Alvin dahil mabilis itong pumasok ng goal. "Lorton High's Lorton Terrors takes the lead of the game! Score of the first half is 1-2!" "Tsk, kailangan kaagad nating makabawi," seryosong sabi ni Warren. "The first team who gets three points will win the first half of the game," sabi naman ni Macy. "Alam niyo, hindi ko gets," pag-aamin ko sa kanila. "Don't worry, Aliyah. What we we're saying is that our team is losing." Ngumiti si Macy at nagulat ako. Say what? We're losing?! "Paano nangyari iyon?!" Umawang ang bibig ko. "I hate to say this but Lorton High played a dirty game today," ani Warren. "Napansin mo rin?" manghang tanong ni Macy. "Oo naman, Macy. Dati akong kasali sa Blue Hydras kaya mapapansin ko kaagad ang maduming laro ng Lorton Terrors. Ano ka ba." Pinitik ni Warren ang noo ni Macy. "Aray ko. Oo na, tch!" Matalim na tiningnan ni Macy si Warren. "Let's just pray na mananalo sina Kobe laban sa maruming laro na binibigay ng Lorton High dahil kung hindi ay talo talaga tayo. Big time," sabi ni Warren at uminom siya ng tubig. Kung matatalo ang Saint Regina laban sa Lorton High ay mawawala na ang win streak ng school namin for the past years. This will be the first time in fifteen years na matatalo ang Saint Regina Academy sa larong soccer. Big time na big time nga. Kinuyom ko ang aking mga kamao at tumayo ako mula sa aking upuan ko bago sumigaw ng buong lakas kahit nagkakagulo na ang lahat dito sa field. "Go Kobe!" THIRD PERSON'S POV "Go Kobe!" Mabilis pa sa kidlat na lumingon si Kobe sa pinanggalingan ng boses. Nakita ni Kobe si Aliyah na nakatingin sa kanya kaya ngumiti ang binata at kumindat si Kobe kay Aliyah bago bumalik sa kaniyang puwesto. Namula naman ang dalaga dahil sa ginawa ni Kobe at bumalik na siya sa kanyang upuan. "Oy, ano iyon? Nakita ko iyon," asar ni Warren kay Aliyah. "Pwede ba, Warren? Tumahimik ka nga dahil kung hindi ay isasaksak ko itong bote ng tubig sa bunganga mo," inis na sabi ni Aliyah kay Warren. Sinalo ni Kobe ang bola gamit ang kaniyang mga paa at tumakbo siya papunta sa goal ng Lorton High. Nag-dribol si Kobe at pinasa niya ang bola kay Ethan. Sinalo ni Ethan ang bola at tumakbo na siya patungo kay Glen na nakabantay hindi malayo mula sa binata. Sinipa ni Ethan ang bola patungo kay Glen ngunit bigla siyang tinulak ng isang kalaban at naging dahilan ito upang bumagsak si Ethan sa lupa. "s**t!" mura ni Warren nang nakita niyang bumagsak si Ethan. "Ethan, tumayo ka!" natatarantang sigaw ni Kobe habang tumatakbo "Yes, Captain!" Tumayo si Ethan at kaagad siyang bumalik sa kaliwa ng midfield. "Paul!" tawag ni Kobe kay Paul na ngayon ay abala sa pagharang ng mga kalaban. "Yes, Captain?!" tanong ni Paul habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa kalaban. "Tulungan mo si Ethan!" utos ni Kobe kay Paul at tumango ang binata. Tumakbo si Paul patungo sa kalaban na may hawak ngayon ng bola. Ngumisi si Paul at sa isang iglap ay siya na ang may hawak ng bola. Naghiyawan ang buong Saint Regina dahil sa ginawa ni Paul at tumakbo na ang binata patungo sa kanan ng midfield. "Hey, Gilbert! Catch!" tawag ni Paul at sinipa niya ang bola patungo kay Gilbert. "Got it!" sigaw ni Gilbert nang nasalo niya ang bola gamit ang kanyang dibdib. Tumakbo si Gilbert at pinasa niya ang bola kay Vince na siyang nakapuwesto malapit sa kanya. Sinalo ni Vince ang bola at mabilis niya itong sinipa patungo kay Kobe. Tumakbo si Kobe patungo sa gitna ng field at sinalo ang bola na galing kay Vince. "Nice catch, Captain!" puri ni Vince at tumawa si Kobe saka siya tumakbo. "Sweeper! Give me some way!" tawag ni Kobe sa sweeper na si Glen. "Walang problema, Captain!" nakangiting sabi ni Glen. "Avengers, assemble!" tinawag ni Glen ang dalawang full backs na sina Tristan at Daniel. "Walang hiya ka, Glen!" sigaw ni Tristan kay Glen habang hinaharangan ang isang manlalaro mula sa Lorton High. "Why Avengers though? Tatlo lang naman tayo," walang ganang sabi ni Daniel kay Glen. "Pwede ba, Daniel? Kanina ka pa reklamo nang reklamo kaya shatap na!" ani Glen. Hinarangan na ng Avengers—este nina Glen, Tristan at Daniel ang mga kalaban para makadaan si Kobe. Pinigilan ng tatlo ang mga kalaban bago pa nila makuha ang bola mula kay Kobe. Alam ni Kobe ang tungkol sa maduming laro ng Lorton High kaya ayaw niyang manalo ang kalaban dahil sa paraan ng kanilang paglalaro. Tinawag ni Tristan si Vince. "Hoy, Vince! Suportahan mo nga si Captain! Sundan mo siya!" "Yes, Boss!" Tumakbo si Vince papunta kay Kobe at sinigurado niya na hindi niya hinaharangan ang daan ni Kobe habang binabantayan ang mga kalaban. "Ako lang ba o naglalaro na sila ng patintero riyan sa baba?" tanong ni Macy kay Warren habang kumakain ng chips. "Soccer is like patintero and patintero is like—hoy! Pahingi nga ng chips!" Kumuha si Warren ng chips mula kay Macy. "Warren, bakit parang dehado ang team natin?" Lumingon si Aliyah kay Warren. "Hindi sila dehado. Nag-iisip pa lang ng plano si Captain Kobe kaya ganiyan ang laro nila."—inagaw ni Warren ang pagkain mula sa kamay ni Macy at binigay niya ito kay Aliyah—"Want some chips?" Nagliwanag ang mukha ni Aliyah at kumuha siya ng chips mula kay Warren. "Thank you." Napuno ng pagkadismaya ang buong Saint Regina nang nakuha ng Lorton Terrors ang bola mula sa Blue Hydras at ngumiwi si Warren dahil dito. Nagwawala na ngayon ang mga estudyante ng Lorton High dahil naka-puntos na naman sila. "Lorton Terrors scores again! What a beautiful goal!" "Mag-focus kayo…mag-focus kayo…." Kinagat ni Warren ang kaniyang mga daliri. Kanina pa siya nanggigigil na sumigaw mula sa kanyang upuan ngunit natatakot siya dahil baka mawala sa focus ang buong team ng Saint Regina kapag sisigaw siya. "Tch, kung nandito lang sana si Warren…" sabi ni Kobe sa kanyang sarili habang pinupunasan ang kanyang pawis. "Captain! Your orders?!" sigaw ni Vince mula sa malayo. Abala ito sa pagharang ng mga kalaban at pinoprotektahan niya si Troy na siyang may hawak ngayon ng bola. "Aish—Ethan! Gilbert! Assist niyo sina Troy at Vince!" tawag ni Kobe sa kambal at nang lumingon ang kambal sa kanya ay tinuro ni Kobe si Vince. Kaagad sumugod ang kambal na sina Ethan at Gilbert patungo sa kinaroroonan ni Vince. Nahihirapan na si Troy na ilayo ang bola mula sa mga kalaban dahil para sa kanya ay masyadong malakas ang mga manlalaro ng Lorton High. Tingin ni Troy ay mga estudyante mula sa Senior High ang mga kalaban na kaharap niya ngayon at pakiramdam ni Troy ay wala siyang kalaban-laban sa kanila bilang isang estudyante mula sa Juinor High. Napamura na lamang si Troy nang napagtanto niya na hindi pala madali ang trabaho ng isang behind striker. "s**t!" mura ni Troy nang nakuha ng isang player mula sa Lorton High ang bola. "Nice try, kid!" asar ng lalaking kumuha ng bola mula kay Troy. Nawala ang mga kalaban na humaharang kay Troy at sumunod na ito sa lalaking nagmula sa Lorton High na siyang may hawak ngayon ng bola. Nang nakita ito ni Kobe ay nakaramdam kaagad siya ng kaba. "Guys, come on! Think!" Hindi na mapalagay sa kanyang upuan si Warren. "Gusto mo ng tubig, Warren? Para kasing hihimatayin ka na riyan sa upuan mo. Gusto mo lagyan na rin kita ng oxygen tank at dextrose para complete package na?" singit ni Macy kay Warren at lumingon ang binata kay Macy. "Nahihirapan na ang buong team," nag-aalalang sabi ni Warren sa dalaga. "I know. Kobe and the whole team is used to your presence on the field when you used to play with them. Baka nakalimutan mo na ikaw ang partner ni Kobe noon sa mga laro niyo. But because of your injury and health problems ay tinanggal ka ni Coach Larson sa team para magpahinga," wika ni Macy. Ngumiti si Warren. "Hindi ko iyon nakakalimutan, Mace." Nagsigawan ang mga tagahanga ng Lorton High nang pumasok ang bola sa goal ng Saint Regina. Nagkagulo sa gitna ng field ang mga manlalaro ng Lorton High ngunit may napansin ang mga tao sa gilid ng field. "Lorton Terrors wins the first half of the game—oh! What is this? What happened to Blue Hydra's behind striker?!" "s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD