THIRD PERSON'S POV
"Wohoo! Ang daming tao!"
"Huwag kang mag-ingay diyan, Macy! Sumasakit na ang tenga ko dahil sa'yo!"
"Putahamnida, bulok ka ba? May bunganga ako kaya natural na mag-iingay talaga ako!"
Tumayo si Aliyah mula sa kanyang upuan at pumagitna siya kanyang dalawang kaibigan na kanina pa nag-aaway. Magsisimula na ang laro ni Kobe ngunit hindi pa rin tumitigil sina Warren at Macy sa kanilang away.
Kumain na lang si Aliyah ng kwek-kwek at hindi na pinansin ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Maya-maya ay nagsimula na ang laro at naghiyawan na ang lahat ng mga estudyante nang lumabas na ang mga manlalaro.
Unang lumabas ang mga manlalaro na nagmula sa ibang paaralan. Pinakilala na ng announcer ang bawat miyembro ng kalaban na koponan at naghiyawan ang mga estudyante, lalo na ang mga tagahanga ng mga manlalaro na mula sa ibang paaralan.
Nakabukas ang Saint Regina para sa mga estudyante na nagmula sa ibang paaralan upang manood ng laro. Sa campus ginawa ang laro ng soccer dahil sa malaking field ng paaralan habang ang ibang laro, kagaya ng basketball ay sa labas ng campus ginagawa. Pagkatapos ipakilala ng announcer ang lahat ng mga manlalaro mula sa kalaban na koponan ay sunod niyang pinakilala ang manlalaro mula sa Saint Regina.
Lumabas na ang mga manlalaro ng Saint Regina at naghiyawan ang mga tagahanga ng koponan. Ngumiti si Aliyah nang nakita niyang lumabas si Kobe at napansin niya na nakuha rin ng binata ang atensyon ng ibang tao.
Nakuha ni Kobe ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang angking tangkad at alindog. Si Kobe ang pinakamatangkad sa grupo at walang duda na makukuha niya talaga ang atensyon ng lahat.
"Oy! Ayon na crush mo oh! Ayieeee! matching sila ng t-shirt color! Blue na blue!" Hagalpak ang tawa Warren habang inaasar niya si Aliyah.
"Tumahimik ka nga, Warren!" bulyaw ni Aliyah at hinampas niya ng bote ang lalaki habang pilit na tinatago ang kaniyang namumulang mukha.
"Ito naman. Hindi na mabiro," daing ni Warren habang hinihimas ang parte ng kaniyang katawan na hinampas ni Aliyah.
"Now, let me introduce to you the players from Saint Regina Academy. The Blue Hydras!" sigaw ng announcer sa kaniyang mic.
Naghiyawan ang mga fans ng Saint Regina Blue Hydras at pinakilala ng announcer ang mga manlalaro ng koponan.
"Number two. The goalkeeper, Alvin Yuson!" sabi ng announcer at kumaway ang binatang si Alvin sa kanyang mga taga-suporta.
"He's young. Is he a first year student?" tanong ni Macy kay Warren.
"Yeah. Siya ang nag-iisang first year student na tinanggap ni Coach Larson sa team. Magaling sumalo ng bola eh," sabi ni Warren.
"Number sixteen! The behind striker, Troy Delgado!"
Ngumiti si Troy sa mga nanonood at naghiyawan ang karamihan sa mga kababaihan na nanonood.
"Diba behind striker ka rin noon? Si Troy pala ang pumalit sa'yo?" tanong ni Macy at tumango si Warren.
"The wide midfielder twins. Number eleven, Ethan Lee and number twelve, Gilbert Lee!"
Kumaway ang kambal na sina Ethan at Gilbert at pagkatapos ay binangga nila ang kanilang sarili sa isa't-isa.
"Ang kulit talaga ng kambal na iyon!" tawa ni Warren habang pinagmasdan ang kambal mula sa kanyang upuan.
"I agree. Rinig ko ang ganda raw ng teamwork nilang dalawa kaso iyon nga palagi rin silang nag-aaway," sabi naman ni Macy at tumango si Warren.
"Number four! The sweeper, Glen Sanchez!"
Naglakad si Glen patungo sa gitna ng field at mula sa kanyang likod ay inilabas niya ang isang pulang rosas saka niya ito hinagis patungo sa mga nanonood. Nagkagulo ang mga kababaihan dahil sa rosas na hinagis ng binata at natawa dahil dito si Glen.
"The full backs. Number six, Tristan Flores and number five, Daniel Reyes!"
Kumaway si Tristan at ngumiti habang si Daniel naman ay hindi kumibo mula sa kanyang puwesto. Malamig at seryoso ang tingin ni Daniel na naging dahilan upang matakot ng konti si Macy.
"Ang lamig naman ng Daniel na iyon. Ilang problema ba ang pasan niya? " tanong ni Macy kay Warren.
Nagkibit-balikat lang si Warren. "Ganiyan na talaga si Daniel."
"The central back. Number thirteen, Vince Garcia."
Kagaya ni Daniel ay nanatili lang din si Vince sa kanyang puwesto ngunit nakangiti ang binata at kumaway siya sa mga nanonood.
"Number seventeen. The central midfield, Paul Ventura," sabi ng announcer.
"Hi!" Ngumiti si Paul at kumaway siya sa lahat ng mga nanonood. Naghiyawan ang mga kababaihan nang nasilayan nila ang ngiti ni Paul. Tila isang anghel para sa kanila ang binata. Paul's dimples appeared and he was almost as tall as Kobe.
"Ang gwapo niya talaga!"
"Hoy! Akin lang siya!"
"Ano'ng sabi mo?! Halika rito, bruha! Mang-aagaw ka!"
"Anong ako?! Ikaw ang mang-aagaw! Malandi ka!"
Pinagmasdan ni Macy ang dalawang babae na nag-aaway ngayon sa kanyang harapan. Hinihila nila ang buhok ng isa't-isa nang biglang nawalan ng balanse ang dalawang babae at nahulog sila mula sa kanilang mga upuan. Tila walang pakialam ang ibang mga nanonood na nag-aaway ang dalawang babae dahil wala man lang tumulong sa kanila. Para kay Macy, gwapo si Paul ngunit hindi naman kailangan mag-aaway ang dalawang babae.
"Geez, die hard fangirls. Hindi naman sila kilala ng Paul na'yon." Kumain na lang si Macy ng popcorn at bumalik na sa panonood ng laro.
"And lastly, the player who brought home the trophy from the National Football Playoffs last year! The player wearing the jersey with the number eleven, the tallest of the team and the Captain Striker!" sigaw ng announcer at tumunog ang mga tambol na dala ng cheer sqaud.
Tumibok ang puso ni Aliyah kasabay ang mga tambol at hindi niya maalis ang kaniyang tingin mula sa binatang nakatayo ngayon sa sentro ng field. Seryoso ang mukha ng binata ngunit halatang nahihiya na ito dahil sa mga sinasabi ng announcer. Pinigilan ni Aliyah ang kanyang ngiti nang nakita niya kung paano nahihiyang kinamot ng binata ang kanyang batok at natuwa siya dahil dito.
Huminto sa pagtunog ang mga tambol at kinuha ng announcer ang kanyang microphone bago sumigaw gamit ng buong lakas
"The Captain Striker, Kobe Calisto!"
Nagkagulo ang buong field at tila yumanig ang buong lugar dahil sa mga sigawan at palapakan ng mga taong nanonood lalo na ang mga estudyante ng Saint Regina Academy nang narinig nila ang pangalan ni Kobe.
Sumigaw ng malakas habang nagwawala sa kanilang mga upuan sina Macy at Warren habang si Aliyah naman ay tumigas at nahulog sa katahimikan dahil sa kanyang narinig.
"Kobe brought home the trophy from the National Football Playoffs last year? What the heck? Bakit wala akong alam tungkol dito?!" Hindi makapaniwala si Aliyah dahil sa kanyang nasaksihan.
"Oh my god." Tinakpan ni Aliyah ang kaniyang bibig. Hindi makapaniwala si Aliyah na si Kobe ang Captain ng Saint Regina Blue Hydras at na si Kobe rin ang nag-uwi ng tropeo mula sa National Playoffs.
Para kay Aliyah, isang ordinaryong manlalaro lang si Kobe at hindi inakala ni Aliyah na isa palang National Player ang binata. Lumingon si Aliyah kay Warren na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa field at kay Macy na tumatawa habang tinuturo ang mga kalaban. Sabay na hinila ni Aliyah ang mga tenga nina Warren at Macy kaya gulat na tumingin ang dalawa sa kanya.
"What?" sabay na tanong nilang dalawa kay Aliyah.
"Bakit hindi niyo sinabi sa'kin ang tungkol dito?!" inis na sigaw ni Aliyah at tinuro niya si Kobe na nakatayo pa rin ngayon sa gitna ng open field.
"Uh-oh," sabay na sabi nina Macy at Warren.
ALIYAH'S POV
"Now, explain!" Hinampas ko ang lamesa at binaliwala ko ang ibang mga estudyante dito sa cafeteria na nakatingin ngayon sa amin. Tiningnan ko si Macy at nagkibit-balikat lang siya sa'kin.
"What? Hindi ka naman nag tanong sa'kin tungkol doon—"
"Macy!" Matalim ko siyang tiningnan.
"Mas matanda pa ako sa'yo kaya huwag mo akong pagtaasan ng boses." Ngumisi si Macy sa'kin kaya nilipat ko ang aking tingin kay Warren.
"Um, surprise? Hehehe—oops! Huwag mo akong pagtaasan ng boses kasi mas matanda pa ako sa'yo." Ngumisi rin si Warren sa'kin kagaya ni Macy. Argh! I swear, I am going to beat the hell out of these two.
"Alam niyo ba na nagmumukha akong tanga kanina nang nalaman ko ang tungkol sa pagiging Captain at National Player ni Kobe? Bakit ba kasi hindi niyo sinabi sa'kin?!" Ibinaon ko sa lamesa ang aking mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Crap, this is bad.
"Kasi pinagsabihan ko sila na huwag sabihin ang tungkol doon kahit kanino."
Itinaas ako ang aking ulo at nakita ko si 'National Player' na suot pa rin ang kanyang jersey at nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Nakita ko na ang atensyon ng iba ay nasa kanya kaya nahiya ulit ako dahil hindi ayoko talaga sa atensyon.
Tumabi si Kobe sa'kin kaya umusog ako. Lumapit ulit siya kaya umusog na naman ako ngunit mabilis niyang pinulupot ang kaniyang kamay sa aking bewang at inilapit niya ako sa kanya. Kaagad kong inalis ang kamay ni Kobe na nasa bewang ko at nilingon ko siya kung saan ay naabutan ko siyang nakatingin sa'kin. What's with him?
"Yo, Captain Striker—pffft..." Pinigilan ni Macy ang kanyang mga tawa at binigyan naman siya ni Kobe ng isang matalim na tingin.
"Sabi ko sa kanila na huwag nilang sabihin ang tungkol sa pagiging National Player ko pero ginawa pa rin nila." Ginulo ni Kobe ang buhok niya dahil sa inis. Napansin ko na namumula ang kanyang mga tenga kaya hindi ko naiwasan ang ngumiti. Cute.
"Kobe, you did something great for the school kaya kahit anong pagpipilit mo sa kanila ay ipapakilala ka pa rin nila sa Saint Regina," nakangiting sabi ni Warren.
Tumingin si Kobe sa'kin kaya tumaas ang isang kilay ko at pinagtawanan lang niya ako. Ginulo niya ang buhok ko kaya inalis ko ang kanyang kamay. How dare him ruin my hair!
Ngumuso si Kobe "Aray naman. Ganiyan ka na ba mag 'I miss you' sa'kin?"
Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. I…I-I miss you?!
Narinig kong tumawa sina Macy at Warren habang nakatingin sa amin ni Kobe. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. Tama ba ang narinig ko? I miss you? Putek, ayoko na!
"Okay, silence means 'I miss you too'," nakangising niyang sabi at mabilis na uminit an mga pisngi ko.
"Kobe, kung alam mo lang," nang-aasar na sabi ni Warren.
"Warren at Kobe, order naman kayo ng lunch natin. Gutom na baby ko."
Bumalik ako sa realidad at gulat akong tumingin kay Macy na hinihimas ngayon ang kaniyang tiyan. B-Baby?
"You mean alaga mo sa tiyan. Tingnan mo, Mace. Nagulat na lang tuloy si Ali dahil sa'yo," sabi ni Kobe at pagkatapos ay kumindat siya sa'kin saka tumayo mula sa kaniyang upuan. Shemay!
Nang nakaalis na sina Kobe at Warren ay lumapit sa'kin si Macy. Hinampas niya ako sa braso at dumaing ako saka binigyan ko siya ng isang nakamamatay na tingin ngunit tumili lang si Macy at ngumisi siya sa'kin.
"Ikaw ha! Kinikilig na talaga ako sa inyong dalawa," sabi ni Macy at namula na naman ako.
"Halos maghugis puso na ang mga mata mo nang tiningnan mo si Kobe kanina, ayieeeee!" Hinampas niya ulit ako.
"Aray, Macy!" daing ko at tumawa lang siya.
"Ayan na sila. Yieeeee, balik na ako sa upuan ko." Tumawa si Macy at bumalik na sa kanyang upuan. Lumingon naman ako at tama nga siya dahil naglalakad na papunta rito sina Warren at Kobe.
"Ano'ng pinag-uusapan niyong dalawa ni Macy? Inatake ka na naman ba ng kabaliwan niya?" tanong ni Kobe sa'kin at nilapag niya ang aking pagkain sa harapan ko.
"Wala. Pinagtatawanan lang niya ako kasi ako lang ang walang kaalam-alam tungkol sa pagiging National Player mo." Hindi ko na napigilan ang mairita. Totoo naman kasi. Ako lang ang walang kaalam-alam samantalang ang dalawa ay pinagtatawanan lang ako kanina.
"Sorry," ani Kobe at nilagyan niya ng vegetable salad ang plato ko. Vegetable salad na naman?! Wala bang kwek-kwek?
"Ayoko niyan, ibalik mo iyan sa plato mo." Pinigilan ko ang kamay ni Kobe bago pa niya ilagay ang ibang mga gulay sa aking plato.
"No, you need to eat this para maging malusog ka. Namumutla ka na naman oh." Tinuro niya ang mukha ko.
"Aish, hindi mo ako madadala sa mga salita mong iyan. Sa'yo na iyan!" Kinuha ko ang salad at nilagay ko ito sa plato niya.
"Huwag mo ng ibalik sa'kin iyan kasi ayoko ng gulay. Tigas ng bungo mo—hmp!" I blinked. W-What the…d-did Kobe just shut me off by feeding me with some vegetable salad?!
Ngumisi si Kobe at kinuha niya ang kanyang kutsara na nasa bibig ko. The taste of the sour mayonaise and the bitterness coming from the vegetables collided with my taste buds. Gusto ko ng masuka dahil sa lasa ng pinakain ni Kobe sa'kin. I could feel the food rising up from my esophagus kaya tinakpan ko kaagad ang aking bibig.
"Huwag mong ilabas. Lunukin mo," seryosong sabi ni Kobe habang nakatingin sa'kin.
Inis kong tinabig ang kamay ni Kobe at ininom ang tubig na binigay niya sa'kin. Nilunok ko na ang pagkain at pumikit ako dahil sa pait. Kobe, kung hindi lang kita gusto ay baka inilabas ko na itong mga kinain ko sa pagmumukha mo.
"See? Masarap diba? " Ngumiti si Kobe sa'kin habang kumakain.
Sumimangot ako. "Ang sarap nga. Ang sarap sukahan ng pagmumukha mo, tss."
Tapos na kaming lahat kumain at binigay ko na ang bayad ko kay Warren dahil siya naman ang bumili ng lunch namin. Pati si Macy ay nagbayad na rin. Tinanggap ni Warren ang bayad ni Macy ngunit hindi niya tinanggap ang sa'kin. Tumaas ang isang kilay ko at tinanong ko si Warren kung bakit hindi niya tinaggap ang pera ko.
"Si Kobe ang bumili ng lunch mo kaya sa kanya mo ibigay ang bayad mo," ani Warren ng may nakakalokong ngiti. E-Eh?
Nilingon ko si Kobe at naabutan ko siyang umiinom ng tubig. Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay tinanong niya ako.
"What?"
Aish, curse you Warren.
"B-Bayad ko." Binigay ko kay Kobe ang aking bayad ngunit ibinalik lang niya sa'kin ang pero ko.
"Huwag na, libre ko na iyon." Uminom ulit siya ng tubig.
"Tanggapin mo na kasi," giit ko.
"Warren, bakit hindi libre sa'kin?" rinig kong tanong ni Macy kay Warren.
"Tumahimik ka na lang, Biik. Sinisira mo ang plano eh."
"Plano? Anong plano ba iyang pinagsasabi mo, Uling?"
"Basta tumahimik ko nalang!"
Anong plano ba ang pinagsasabi nila?
"Kobe..." Seryoso kong tiningnan si Kobe.
"You know, if you really want to pay me back for the meal then here's the deal." Kobe leaned closer to my ear and whispered something that made my heartbeat stop.
"Cheer for me."