THIRD PERSON'S POV
Pinagmasdan ni Aliyah ang tanawin mula sa kaniyang upuan. Nasa field siya ngayon kasama si Macy at pinagmasdan lang nilang dalawa ang mga estudyante na abala sa paghahanda para sa nalalapit na event ng kanilang paaralan at iyon ay ang Saint Regina Sports Intramurals.
Habang abala ang mga kaklase ni Aliyah sa paghahanda, tumakas si Aliyah kasama si Macy mula sa kanilang mga gawain. Gusto ni Aliyah na makita si Kobe na maglaro kaya nagpasama siya kay Macy.
"Walang hiya naman. Aliyah, nagugutom na ako," reklamo ni Macy habang hinihimas ang kanyang tiyan.
"Edi bumili ka ng pagkain doon sa cafeteria," sabi ni Aliyah ng hindi inaalis ang kaniyang tingin sa open field.
"Sinamahan kita rito kaya samahan mo rin ako."
"Mamaya na kapag tapos ng maglaro si Kobe." Ngumiti ng matamis si Aliyah.
"Juice miyo marimar," bulong ni Macy. Sumandal ang dalaga sa kanyang upuan at naglaro nalang sa cellphone niya.
Nakangiting pinagmasdan ni Aliyah ang binatang si Kobe habang naglalaro ito kasama ang buong soccer team ng Saint Regina Academy. Sa bawat pagkilos ng binata ay sinusundan ito ni Aliyah ng kaniyang tingin. Walang kaalam-alam si Kobe na tinitingnan pala siya ni Aliyah mula sa malayo dahil abala siya sa kanyang paglalaro.
Habang nakatingin si Aliyah sa field ay hindi niya alam na nasa kanyang likuran na pala si Warren. Dahan-dahan na naglakad si Warren palapit kay Aliyah. Ginulat ni Warren si Aliyah kaya sumigaw ng buong lakas ang dalaga.
"Kyaaaaah—"
"—s**t!" Sinalo kaagad ni Macy ang kaniyang cellphone na muntik ng mahulog mula sa kanyang mga kamay. Inis na tiningnan ni Macy ang lalaking nasa kaniyang likuran ngayon na halos mamatay na dahil sa kakatawa.
Hawak ni Warren ang kaniyang tiyan at halos maiyak na siya dahil sa walang tigil na pagtawa. Matalim na tiningnan ni Aliyah si Warren ngunit binaliwala lang siya ng binata at umupo ito sa kanyang tabi.
"Walang hiya ka, Warren!" Kinuha ni Aliyah ang kaniyang sapatos at hinampas ito sa hita ni Warren.
"Hahaha—aray! Aliyah naman!" daing ni Warren.
"Tch, tama lang sa'yo iyan. May pagulat-gulat pa kasing nalalaman, tch!" inis na sabi ni Aliyah.
"What's the use of 'The Element of Surprise' when you are not going to use it?" sagot ni Macy sa dalaga.
"Oh, I smell something burning," singit ni Warren habang nagpipigil ng kaniyang mga tawa.
"That was the smell of your burning skin, Warren," nakabusangot na sabi ni Aliyah at nawala ang ngiti ni Warren.
Tumayo si Macy mula sa kaniyang upuan niya dahil gustong-gusto na niya talagang pumunta sa cafeteria. Hindi kasi siya nakapag-almusal dahil sa pagmamadali niya kaninang umaga. Nakita nina Aliyah at Warren si Macy kaya tumayo na rin sila.
"Saan ka pupunta, Mace?" tanong ni Warren.
"Sa Cafeteria, kakain lang ako. Sama kayo?" tanong ni Macy at tumango ang dalawa.
Dahan-dahan na bumaba silang tatlo mula sa bleachers. Unang nakababa si Aliyah ngunit kaagad siyang huminto nang nakita niya si Honey. Bumangga sa likod ni Aliyah sina Warren at Macy ngunit hindi natinag si Aliyah kaya ang resulta ay bumagsak sa lupa ang dalawa ng nauuna ang mukha.
"Aray ouch!"
"Pwe! Ack! Ang dirty na ng precious lips ko!"
Nang nakita ni Aliyah si Honey ay naramdaman niya ang sakit mula sa kaniyang dibdib. Nakasuot si Honey ng uniporme para sa mga miyembro ng cheer squad at hawak ng dalaga ang kaniyang mga pompoms na tila mga flashlight dahil sa sobrang liwanag ng kulay nito. Nainis si Aliyah dahil sa mga pompoms at dahil rin kay Honey.
From where she was standing, Aliyah clearly saw that the two were having a scintillating conversation. Kobe seemed to be enjoying Honey's company and Aliyah couldn't sustain the sight any longer so she marched out of the open field.
"Woy, Aliyah! Hintayin mo naman ako!" sigaw ni Warren at tumakbo siya para maabutan si Aliyah.
Si Macy naman na nahihirapan pang tumayo mula sa kanyang pagkakabagsak sa lupa ay inis na bumulong sa hangin. "Ako ang gutom pero ako pa itong iniwan. Leche."
*****
Hindi maipaliwanag ni Aliyah ang kanyang inis na nadarama. Sa tuwing nakikita ni Aliyah ang mga ngiti na ibinibigay ni Kobe kay Honey ay gusto niyang manuntok ng tao. Umupo na lang si Aliyah sa kanyang kinagawian na upuan at sumunod naman sa kanya sina Macy at Warren.
"Hay, salamat naman at makakakain na rin ako—bakit nakabusangot ang pagmumukha mo?" tanong ni Macy kay Aliyah nang nakaupo na siya sa kaniyang upuan.
"Kumain ka nalang, Macy," malamig na sabi ni Aliyah sa dalaga.
Nagkatinginan sina Warren at Macy bago nagkibit-balikat. Nagpatuloy na lang ang dalawa sa kanilang ginagawa nang biglang nagkagulo sa loob ng cafeteria. Hinampas ni Aliyah ang lamesa dahil sa inis at lumingon si Macy upang tingnan kung sino ang pinagkaguluhan ng mga estudyante at nang nakita ni Macy kung sino ang pinagkakaguluhan ay nawalan ng emosyon ang kanyang mukha.
"Well, if it isn't the cheer squad and the soccer team. The popular gang, I see?" ani Macy bago kinain ang saging na hawak niya.
Nilibot ni Kobe ang kanyang tingin sa buong cafeteria. Hinahanap niya ang isang tao at nang nakita niya ang taong iyon ay wala siyang sinayang na oras at iniwan niya ang kanyang mga kasama saka nilapitan ang taong iyon.
"Hey guys," bati ni Kobe.
"What's up, tol." Tumango si Warren kay Kobe.
Tumabi si Kobe kay Aliyah na ngayon ay nakatingin sa kabilang dako ng cafeteria at hindi niya pinansin si Kobe na nakatingin ngayon sa kanya. Sinundot ni Kobe ang pisngi ni Aliyah at nang lumingon si Aliyah sa binata ay sumalubong sa kanyang pisngi ang daliri ni Kobe.
"What are you doing here?" iritadong tanong ni Aliyah kay Kobe.
"Whoa, ayos ka lang? Bakit ang lamig ng boses mo?" tanong ni Kobe.
"Wala kang pakialam. Umalis ka nga." Pagtataboy ni Aliyah sa binata.
Nagtaka naman si Kobe. "Kararating ko lang tapos pinapaalis mo na ako? Bakit ganyan ka?"
Hinarap ni Aliyah si Kobe. "Wala kaya doon ka na, tch."
Umusog palapit kay Aliyah si Kobe. "Aliyah, are you mad because of—"
"There you are, Kobe."
Huminto si Kobe dahil sa biglang pagdating ni Honey. Napalingon ang magkakaibigan kay Honey na ngayon ay nakangiti ng matamis kay Kobe. Napasukot si Macy habang nakatingin kay Honey at kumunot ang noo ni Aliyah dahil sa inis.
"Such a sickening smile." Iritadong bumuga ng hangin si Aliyah.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap kasi kakain na tayo—ah! Hello guys." Kumaway si Honey sa tatlo ngunit tanging si Warren lamang ang kumaway pabalik.
Hindi pinansin ni Macy si Honey dahil pokus lang siya sa kaniyang pagkain habang si Aliyah naman ay umiwas lang ng tingin.
"Tara na, Kobe. Hinihintay na nila tayo roon sa lamesa natin." Hinawakan ni Honey ang kamay ni Kobe at hinila niya ang binata paalis sa lamesa nina Aliyah.
"Warren, sama ka sa'min," dagdag ni Honey at tumingin siya kay Warren.
Bago pa makapagsalita si Warren ay hinigit na ni Honey ang kamay ng binata at saka dinala sa lamesa kung saan nakaupo ang buong soccer team at cheer squad ng Saint Regina. Hindi makapaniwala si Macy sa kanyang nakita at tumaas ang isang kilay ni Aliyah nang nakita niya kung paano ngumiti si Kobe na kausap ngayon si Honey.
"Geez, so silang dalawa lang ang inimbitahan ni Honey at hindi tayo kasali? What does that make us here? Invisible? Design lang?" sarkastikong tanong ni Macy at tiningnan niya si Aliyah na ngayon ay nakatingin kay Kobe.
Nakaramdam na naman si Aliyah ng paninikip ng kaniyang dibdib nang nakita niya na hindi manlang umayaw si Kobe sa imbitasyon ni Honey. Bumuntong hinga si Aliyah at pinaglaruan na lang niya ang kaniyang mga kamay.
"Bakit ba ako nagkakaganito?" tanong ni Aliyah sa kanyang sarili.
ALIYAH'S POV
Pinaglaruan ko ang mga pahina ng aking libro. Nitong mga nakaraang araw ay hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Palagi na lang akong wala sa aking sarili, hindi ako nakakatulog ng maayos at lutang ang aking isip. Goodness, what is happening to me? Hindi naman siguro ito mga sintomas ng isang sakit diba?
Ibinaon ko sa aking mga braso ang mukha ko bago pumikit. All I see is dark but in the midst of it, the face of Kobe popped inside my head. Ugh! Isa pa ito! Kahit anong gawin ko upang hindi ko maalala si Kobe ay papasok talaga siya sa isipan ko. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ng lalaking iyon kasi sa tuwing naaalala ko siya ay lagi na lang may nangyayaring hindi maganda.
"So, Calisto and Torres are the only students that are excused, Alison?"
Si Kobe na lang palagi. Siya nalang ang tanging laman ng utak ko! Nakakainis! Nababaliw na ako—
"Alison!" sigaw ni Ma'am na ikinagulat ko ng husto. Dahil sa pagkagulat ko ay mabilis akong tumayo mula sa aking upuan.
"Yes, Ma'am!" Napalunok ako nang bumaon sa akin ang mga mata ni Ma'am. Aish, ito na nga ba ang sinasabi ko. Malas talaga iyang pagmumukha mo, Kobe.
"Ayos ka lang ba, Alison? Bakit ang pula ng mukha mo? Gusto mo ba na dalhin kita sa clinic?" tanong ni Ma'am sa akin at kaagad akong umiling sa kanya. I heard Macy snicker behind me. Tch. Sige lang, Macy.
"Okay, so balik na tayo sa tanong ko. Sina Calisto at Torres lang ba ang excused ngayon?" tanong ulit ni Ma'am at natigilan ako. Magkasama nga pala silang dalawa.
"Y-Yes, Ma'am. Silang dalawa lang po." Tumango si Ma'am sa akin kaya umupo na ako sa aking upuan.
Naalala ko ulit sina Kobe at Honey. Sa tuwing naaalala ko na magkasama silang dalawa at sumisikip ng paulit-ulit ang dibdib ko. Pakiramdam ko ang hirap huminga tapos ang sarap umiyak. Ang sakit sa pakiramdam.
"Class dismissed."
Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay ko na ito sa loob ng aking bag. Tumayo ako at sinuot ko ang aking bag nang nilapitan ako ni Macy kaya lumingon ako sa kanya.
"Aliyah, ice cream?" Ngumiti si Macy sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya at umalis na kami ng classroom.
*****
"So? Care to tell me what's going on inside that powerful brain of yours?" tanong ni Macy bago kumain ng ice cream.
Tinulak ko palayo ang aking baso bago huminga ng malalim. Hindi ko na alam kung pang-ilan ko ng hinga iyon ngayon araw. Wala ako sa mood ngayon na pag-usapan ang nararamdaman ko at kung sasabihin ko ito kay Macy ay alam ko na hindi siya maniniwala sa'kin. Mahina man si Macy sa math pero matulis ang observation skills niya pagdating sa ibang bagay. Muling sumubo ng ice cream si Macy kaya sinabi ko na lang sa kanya ang problema ko.
"I can't get him out of my mind," diretsong sabi ko Macy.
"Who? Jungkook?" Binaba ni Macy ang kanyang baso sa lamesa at pinaikot ko ang aking mga mata.
"K-Kobe..." bulong ko at uminit ang aking mga pisngi.
"Ha?!" Nabitawan ni Macy ang kanyang kutsara.
"I can't stop thinking about Kobe, Mace. Ilang araw na siyang tumatakbo sa isip ko at naiinis na ako kasi kahit anong pigil ko ay hindi ko talaga siya matanggal sa utak ko!" I want to punch myself.
"Whoa, Aliyah. Just chill, okay? I think that's pretty normal kasi may gusto ka sa kanya—"
"You think this is normal, Mace? Sa lahat ng mga lalaking nagustuhan ko ay si Kobe lang ang nagparamdam sa akin ng mga emosyon na ngayon ko lang naramdaman at pakiramdam ko ay nababaliw na ako dahil sa kakaisip sa kanya. He's different, Macy."
Nakita ko kung paano nanliit si Macy sa kanyang upuan at dito ko napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao rito sa loob ng ice cream parlour. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Everytime I mention Kobe's name, something bad will really happen. Hay, bakit ba nagkakaganito ang buhay ko? Gusto ko ng bumalik ang lahat sa normal.
"Aliyah, sa mga naging crush mo. Ano'ng nakita mo sa kanila na naging rason upang magustuhan mo sila?" tanong ni Macy sa akin.
"Well, they were outstanding in class tapos mabait sila at tinutulungan nila ako," sagot ko habang pinaglaruan ang plastic spoon na hawak ko.
Huminga ng malalim si Macy. "Okay, ano'ng nakita mo kay Kobe na naging dahilan para magustuhan mo siya?"
Lumunok ako. Tumingin ako kay Macy at binigyan lang niya ako ng ngiti. Kinagat ko ang aking mga labi at sinubukan kong alalahanin ang lahat ng mga alaala ko kasama si Kobe.
"Well?" tanong ni Macy.
"Kobe comforted me. He called me names but I did not even feel an ounce of serious anger when he calls me those kind of names. He surprises me every time, he makes me nervous, anxious, happy, and sad. When we had our tutoring, he always listens to me and keeps himself interested..."—natigilan ako—"Macy ang dami. Hindi ko na maalala ang iba."
Natuwa si Macy dahil sa sinabi ko. "Hindi mo ba napansin ang sarili mo habang sinabi mo ang lahat ng iyon sa'kin?"
Kumurap ako. "B-Bakit?"
Ngumiti si Macy. "Aliyah, you smiled the moment you started talking about Kobe. Nang kinuwento mo sa'kin ang tungkol sa mga past crush mo ay wala akong nakikitang emosyon mula sa'yo pero pagdating kay Kobe? Ang laki ng ngiti mo. Abot tenga pa nga."
"Plus, you mentioned only a few things from your past crush but when it came to Kobe, you mentioned tons of things to the point that you forgot about the others!" dagdag ni Macy habang nakangiti. D-Did I? Ngumiti talaga ako? Seryoso?!
"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito? Aliyah you don't like your past crushes, paghanga lang iyon dahil sa mga nagawa nila o ginawa nila sa'yo. Kobe is a different case because you really fell for him—you love him! Hindi paghanga at lalong hindi dahil sa magaling siya sa soccer. You love Kobe as the opposite s*x! You love him romantically!" kinikilig na sabi ni Macy at natigilan ako.
Pumasok ang lahat ng mga sinabi ni Macy sa aking isip. Maliwanag na sa akin ang lahat at kaya pala ako naninibago sa mga nararamdaman ko dahil ngayon lang ako nagmahal ng isang tao. Gosh, why do I have to be so slow?
"Kung ako sa'yo, umamin ka na sa nararamdaman mo kasi baka maunahan ka pa ng linta!" Hindi ko maipaliwanag ang mukha ngayon ni Macy.
"Macy, it's not that easy. Kobe doesn't even see me the way I see him," kontra ko. I don't want to get hurt, so I better be cautious.
"Kaya nga aamin para malaman kung may gusto nga ba siya sayo o wala." Pinaikot ni Macy ang kanyang mga mata.
"Macy, natatakot ako. Ayokong masaktan," pagtatapat ko at lumambot ang ekspresyon ni Macy saka hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Ako rin naman, Aliyah. Ayokong masaktan ka, pero sa totoo lang? Rejection only hurts for a short period of time but seeing him belong to another woman's arms? I swear, its going to hurt longer than expected and you'd wish to die just to end the pain," seryosong sabi ni Macy.
Niyakap ko na lang si Macy at niyakap naman niya ako pabalik. Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan ko ng yakap ngayon.
"Malapit na ang susunod na klase natin. Balik na tayo sa campus," sabi ni Macy.
"Tara."