ALIYAH'S POV
Today is another ordinary day for me or so I thought.
"Warren naman! Mango kasi!" giit ni Macy.
"No, Macy! Mango is so austere! Double Dutch dapat!" Tinuro ni Warren ang salitang 'Double Dutch' na nasa nakapaskil sa itaas ng counter.
Nandito kaming apat ngayon sa isang ice cream parlor na nakatayo sa labas ng campus. Matapos naming magkaroon ng libreng oras ay lumabas kaming apat at napagdesisyunan namin na bumili ng ice cream at ngayon heto na kami ngayon, kung saan nag-aaway na naman sina Warren at Macy kung alin ang mas masarap sa dalawang flavor ng ice cream. Ang Double Dutch o ang Mango?
"No, ayoko sa Double Dutch—huta? Ano'ng sinabi mo? Austere?!"—lumaki ang mga mata ni Macy—"Naks, big word! I-spell mo nga!"
Hinamon ni Macy si Warren kaya tumingala si Warren at nagsimula siyang magsulat sa ere.
"A...U—Leche ka, Macy! Masyadong plain iyang Mango ice cream mo! Plain na plain," inis na sabi ni Warren at tinawanan lang siya ni Macy. Hay, mga baliw talaga. Mga walang pag-asa sa buhay.
"Ano'ng gusto mo, Ali?" tanong ni Kobe na nakatayo lang sa tabi ko habang tumitingin sa mga flavor ng ice cream na nakapaskil sa taas ng counter.
"Ikaw…?" tinanong ko siya ngunit ibang reaksyon ang nakuha ko mula sa kanya. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Kobe at tila hindi niya inaasahan ang sagot ko.
"Gusto mo ako?" Tinuro ni Kobe ang kaniyang sarili.
"Ha?!" Umawang ang bibig ko.
"Tinanong kita kung ano gusto mo tapos sinagot mo ako ng 'ikaw'. Ako pala ang gusto mo. Ikaw Aliyah ha." Ngumisi si Kobe sa'kin at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. No! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!
"No, you idiot. What I mean is 'Ikaw? Ano'ng gusto mo?' Goodness, mahirap bang intindihin iyon?" Matalim ko siyang tiningnan ngunit tumawa lang siya.
"Feisty. Sige lang, Ali. Alam ko naman na sa kaloob-looban mo ay gusto mo ako." Tapos kumindat siya sa'kin. The heck?!
"In your dreams, Kobe."
"Ali, you're always in my dreams—"
"Hoy, kayong dalawa riyan!"
Nawala ang ngiti ni Kobe at inis siyang bumaling kay Macy na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. Umiwas naman ako ng tingin nang nakita ko kung paano ngumisi sa'kin si Warren. Syete, nakita pa talaga nila iyon.
"Bakit, Taba?" rinig kong tanong ni Kobe nang nakataas ang isang kilay at umusok ang ilong ni Macy dahil sa sinabi ni Kobe sa kanya. Oh dear, battle na this.
"Ano'ng sinabi mo?!" nagtitimping tanong ni Macy at nakita kong kinuha niya ang isang ice cream scoop mula sa counter. Patay na.
"O-Oy…M-Macy…" kinakabahan na sabi ni Warren.
"M-Miss, hindi po laruan ang hawak niyo na—"
"Alam ko! Kaya huwag mo akong pigilan na patayin ang lalaking ito!" bulyaw ni Macy sa tindero ng ice cream at tinuro niya si Kobe.
Nagtago ako sa likod ni Kobe at ibabato na sana ni Macy ang hawak niyang ice cream scoop ngunit mabilis na napigilan ng tindero si Macy at kinuha niya ang hawak ni Macy na scoop. Muntik na yon!
"Chill ka lang, Mace. Bibilhan na kita ng Mango ice cream, okay? Hindi na auster ang Mango ice cream mo. One of a kind na siya kaya kumalma ka na," ani Warren at tinawanan niya si Macy habang si Macy naman ay matalim na nakatingin sa kanya.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang at walang tao rito sa parlor at kami pa lang ang customers ngayon dahil kung hindi ay baka kanina na ako hinimatay dahil sa sobrang hiya. Diyos ko, bakit ko ba naging kaibigan ang mga baliw na'to?
Pagkatapos naming makuha ang aming mga order ay lumabas na kami at naglakad na pabalik ng campus. Tahimik lang akong kumakain nang biglang tumabi si Kobe sakin habang dala ang kaniyang vanilla flavored ice cream.
"Kamusta ang lasa ng Mocha ice cream?" tanong niya sa'kin.
"Ayos lang, Mocha pa rin ang lasa."
"Mocha ko, gwapo." Tumawa si Kobe.
"Seryoso?" Ngumiwi ako sa kanya.
"Nakalimutan ko na mahina pala ang internet connection ng utak mo kaya hindi mo na-gets ang sinabi ko, kawawa." Nakangising nagkibit-balikat sa'kin si Kobe.
Inikot ko ang aking mga mata at iniwan ko na siya roon. Tumabi na lang ako kay Macy na ngayon ay lutang na kumakain ng kaniyang ice cream. Mukhang hindi niya ako napansin.
"Hey, Mace. How's your brain damage going?" tanong ko kay Macy na kumakain parin ng ice cream kahit wala ng laman ang cup niya. Mukhang critically damaged na ang utak niya.
"Kulang ang ice cream ko. Tch, babalik talaga ako mamayang uwian tapos bibili ako ng dalawang mega cup," sagot niya.
"I can't blame you. Paborito mo eh." Tinapik ko ang kaniyang balikat.
"Magaling na ba ang sprain mo? Baka mamaya ay iniinda mo lang ang sakit." Nag-aalalang tanong ni Macy.
"Ayos na ako. Effective kasi ang mga sinabi mo, Doctor Macy." Parehas kaming natawa ni Macy.
"Napansin ko nitong mga nakaraang araw. Ang close niyo ng dalawa ha." Bigla akong binangga ni Macy sa balikat.
"Ano'ng pinagsasasabi mo?" nagtataka kong tanong.
"Kunwari ay wala raw siyang alam. Come on, Aliyah, you're a smart kid kaya huwag kang magkunwari na parang hindi kayo close ni Kobe," diretsong sabi ni Macy kaya na nabulunan ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Macy!"
Tinawanan lang ako ni Macy bago niya hinimas ang aking likod. Bakit niya sinabi iyon? Paano na lang kung narinig iyon ni Kobe? Nakakahiya.
"Noong isang araw ay hininga ni Kobe sa'kin ang number mo kasi tatawagan ka raw niya upang kamustahin ang kalagayan mo. Awe, sana all," nakangising sabi ni Macy.
"We're friends, Mace. Of course, magiging close talaga kami—tayong apat. Close tayong apat" Kinagat ko ang aking mga labi.
"Kaibigan? O Ka-ibigan? Hmmm?" Kanta ni Macy at nauna siyang maglakad sa akin. Naiwan ako rito sa aking kinatatayuan habang pinagmasdan si Macy na kumakanta habang naglalakad.
"Anong pinag-uusapan niyong dalawa—"
"Ay itim na kalabaw!" Napahawak ako sa aking dibdib at gulat akong tumingin sa taong tumabi sa'kin.
"Kobe naman!" Hinampas ko siya sa balikat dahil sa inis.
"So?" tanong niya.
"Wala ka na roon." Umiwas ako ng tingin sa kanya ngunit matigas ang ulo ni Kobe. Hinawakan niya ang aking mga balikat saka pinahinto niya ako sa paglalakad.
"Siguradong wala nga ba?" Tiningnan ako ni Kobe sa aking mga mata at tila sasabog na ang puso ko dahil sa kaniyang ginawa. Those eyes. Those deep brown eyes that made my heart beat so fast.
"W-Wala nga sabi! B-Bakit ba ang chismoso mo!" Tinulak ko si Kobe papalayo sa'kin.
Nitong mga nakaraang araw ay naging paborito na ng puso ko si Kobe. Sa tuwing lalapit siya sa akin ay nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Nakakaapekto kasi ito sa mga ipinundar ko para sa aking sarili. Gusto kong kalimutan itong mga nararamdaman ko ngunit itong puso ko ay ayaw talagang makinig sa'kin. Tila nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking puso dahil gusto niya na siya ang sundin ko. Hahay.
"Ang lalim naman ng iniisip natin." Tumingala ako at nakita ko na si Warren na pala ang kasabay ko ngayon sa paglalakad.
"Huhulaan ko. Naguguluhan ka sa mga nararamdaman mo no?" Nabigla naman ako dahil sa sinabi ni Warren.
"H-Hindi no." Yumuko ako para itago ang namumula kong mukha. Hindi ako naguguluhan sa mga nararamdaman ko, sigurado ako.
"It's okay to be confused, Aliyah, kasi ibig sabihin niyan ay binabalanse mo ang mga nangyayari at iniiwasan mo ang dapat mong iwasan." Ngumiti si Warren sa'kin.
"Ikaw ba talaga si Warren? Anong nangyari sa'yo?"
"Sabihin na lang natin na naranasan ko na rin iyang nararanasan mo ngayon," sabi ni Warren at mabilis niyang ginulo ang buhok ko. Aish!
"Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa klase natin," dagdag ni Warren kaya sumunod na lang ako sa kanya.
*****
"Class dismissed!"
"Goodbye, Ma'am."
Inayos ko ang aking mga gamit at pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko. Salamat naman at natapos na rin ang huling klase namin ngayong hapon.
"Uuwi ka na ba, Aliyah?" Lumingon ako kay Macy at tumango ako ng bahagya.
"Baka nakakalimutan mo na may tutoring pa kayo ngayon ni Kobe," paalala ni Macy habang sinusuot ang bag niya. Oo nga pala.
"Mace, naman. Bakit mo pa pinaalala sa'kin?" Ginulo ko ang buhok ko. Ang sarap ng umuwi.
"Sus, sige sa susunod ay hindi na kita pagsasabihan para wala ka ng points sa subject ni Mrs. Fernandez."
"Ikaw naman, Mace. Hindi ka naman mabiro. Tara na nga sa field." Hinawakan ko ang kamay ni Macy at lumabas na kami ng classroom.
"Pang ilang tutoring niyo na nga ito ngayon?" tanong ni Macy sa'kin.
Tumingala ako at nag-isip. "Pang anim na yata?"
"Any improvements?"
"Maraming improvements. Kobe really sticked to his motto na fast learner daw siya." Natawa ako habang inaalala ang mga kalokohan na ginawa ni Kobe.
"Uy…ibang klase ang ngiti na iyan ah," asar ni Macy at nataranta kaagad ako.
"A-Anong p-pinagsasabi mo diyan, Macy?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinago ko ang aking pulang mukha. Aish, madaldal pa naman ang babaeng to.
"Huwag mo ng itago sa'kin ang nararamdaman mo, Aliyah. Crystal clear na para sa akin ang lahat," aniya at sa unang pagkakataon ay hindi ako umimik dahil sa sinabi ni Macy.
Tiningnan ko lang si Macy habang siya naman ay nakangiti lang sa'kin. Para kaming mga tanga rito sa gitna ng hallway. Nakatayo lang at hindi nag-uusap.
"You can hide it from the others but you can't hide it from me." Nilagay ni Macy ang kaniyang isang kamay sa aking balikat.
"When I saw you looking at Kobe the other day, I know you have developed feelings for him." Kumindat siya sa'kin. Ah, mukhang hindi ko na maitago mula kay Macy ang nararamdaman ko.
"Am I really that obvious?" nahihiya kong tanong sa kanya.
Macy shrugged, "Hindi naman para sa iba pero para sa'kin? Halatang-halata." Tumawa siya saka hinawakan ang kamay ko.
"Tara na nga. Naghihintay na ang lover boy mo." Lalo akong namula dahil sa sinabi ni Macy.
"How did you know that I have a crush on Kobe?" mahina kong tanong kay Macy. Nakakapagtaka lang kasi dahil nalaman kaagad iyon ni Macy kahit wala akong sinasabi sa kanya.
"Your eyes says it all, Aliyah. Sa tuwing magkasama kayong dalawa ni Kobe o titingin ka kay Kobe, you always give him those goo-goo-eyes of yours na tila isa siyang masarap na pagkain na gusto mong kainin," ani Macy na lalong ikinapula ng mukha ko. What the? Did I really look at Kobe like that?!
"Ngayon ka pa talaga nahiya? Diyos ko naman, Aliyah." Umiling si Macy sa'kin.
"Kasi naman eh!" Tinakpan ko ang mukha ko. Ang init ng mukha ko. I must be blushing like crazy right now.
"Hahaha—Oh! Ayon na si Kobe oh!" Mabilis pa sa kidlat akong lumingon sa lugar na itinuro ni Macy at tama nga siya.
Nakita ko si Kobe at kausap niya ang kaniyang mga kagrupo habang may hawak na isang bote ng tubig. Tinitingnan ko lang siya ay naramdaman ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang mga nakakakiliting bagay sa loob ng tiyan ko.
"...and again, there you are with your goo-goo-eyes."
"Ha?"—lumingon ako ay Macy—"Anong tingin?"
"Iyang tingin mo kay Kobe na tila isa siyang napakasarap na pagkain. Na tila isa siyang masarap na kwek-kwek—premium quality na kwek-kwek." Ngumisi si Macy.
"Kobe!"
Sabay kaming lumingon ni Macy sa pinanggalingan ng boses. Sino iyon?
"Oh dear. Houston, we have a problem." Pinagkurus ni Macy ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa senaryo na nasa aming harapan.
Nilapitan ni Honey si Kobe at nakita ko na may dala siyang isang tubig at tuwalya tapos sa bulsa ng kaniyang shorts ay nakaipit ang isang pares ng pompoms.
"Okay? I wasn't informed that Honey joined the bitches club—I mean the cheer squad." Tumikhim si Macy kaya siniko ko siya bago umiling sa kanya. Alam ko na naiinis si Macy kay Honey pero hindi naman niya kailangan na umasta ng ganon.
"Look at those shorts. Those aren't school prescribed shorts. Wew, ang ikli at ang sakit sa mata." Nahihiyang sumipol si Macy.
"Macy, can you stop judging Honey? Wala siyang ginawang masama sa'yo. I thought you are not going to do what you did before? You promised." Nalungkot ako. Nangako siya na pabayaan si Honey ngunit hindi niya ito ginawa.
"Argh! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Sa ngayon ay wala pang ginagawa si Honey, Aliyah. We're not witches here na kayang manghula at magbasa ng isip. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Honey. It's better to be safe than sorry." Bumuntong hinga si Macy.
Lumingon ako sa gawi ni Kobe at nakita ko na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila ni Honey at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng konting inis. Ang suot kasi ni Honey ngayon—tama nga si Macy, ang sakit nga sa mata.
Honey had her hair in a ponytail and she was wearing a white body fit top that revealed a bit of her flat belly. She paired it with a black work out shorts and Macy's right again. Honey's wearing clothes that aren't prescribed by the school.
"Well, tingnan mo si Lover Boy. Mukhang nag-eenjoy siya kasama si Honey. Tsk!" Nag-aalalang tumingin sa'kin si Macy.
Hindi ko pinansin si Macy dahil nakatingin lang ako kina Honey at Kobe. Ewan ko ba kung bakit ayaw umiwas ng tingin nitong mga mata ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na umiwas ako ng tingin sa kanila pero ito ako, nakapako pa rin ang mga mata sa kanila.
I felt my chest tighten for no specific reason and it's strange because I am not even sick and my chest hurts like a knife had stabbed me.
"Tsk, that leech," rinig kong sabi ni Macy. Namalayan ko na lang na hinahatak na pala ako ni Macy papunta kina Kobe at Honey.
"W-Wait, Macy! Teka lang!" Ngunit walang silbi ang mga pagpupumiglas ko kasi ang higpit ng pagkakahawak ni Macy sa aking kamay.
"Come on, Sis. May tutor session pa kayo ni Kobe sa library kaya tapusin niyo na o wala kang points na makukuha," determinadong sabi ni Macy habang hinihila ako.
Huminto kami sa gitna ng field at sakto rin na tumingin sa aming dalawa ni Macy sina Kobe at Honey. Ngumiti si Kobe sa'kin nang nakita niya ako at lumuwag ang pagkakahawak ni Macy sa'kin. Pinagtagpo ni Macy ang kaniyang mga braso habang si Honey naman ay nakatingin sa aming dalawa na tila hindi niya inaasahan na pupunta kami rito.
"May tutoring nga pala tayo ngayon no? Aish, nakalimutan ko," rinig kong sabi ni Kobe.
"Ulyanin ka na pala," tumatawang sabi ni Macy.
"Tutoring?" Palipat-lipat ang tingin ni Honey sa aming dalawa ni Kobe.
"Yeah, tutoring session." Nagkibit-balikat si Macy and I swear I saw her smirk at Honey. Ikaw talaga Macy.
"A-Ano kasi, tingin ko pagod ka na kaya ipagpaliban na lang muna natin ang tutoring at magpahinga ka na lang." Hindi ko tiningnan si Kobe. I can't hold myself if I meet his eyes or even just take a look at him. These feelings are so hard to control.
"No, Ali. Hindi ako pagod. We should go to the library now. Baka gabihin pa tayo." Nagsimulang bumalik si Kobe sa bench kung nasaan ang mga gamit niya.
"It's fine, Kobe. Magpahinga ka na lang. I'm not in the mood today, actually." Sa pagkakataon na ito ay nagawa kong tingnan si Kobe ng walang emosyon sa aking mukha.
"Ayos ka lang ba, Ali? Nilalagnat ka ba? You seem a bit off." Nagsimula ng mag-alala si Kobe.
"Ayos lang ako. Macy, let's go." Without another word, I grabbed Macy's hand at umalis na.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nakakaganito ngayon. Hindi naman ako ganito noon. Ngayon lang ito nangyari sa akin. I never felt these tingling feelings, the sudden tightening of my chest, the abnormal pumping of my heart—everything! Wala akong ideya kung bakit ako nagkakaganito.
"That's because of your feelings."
Huminto ako. Lumingon ako kay Macy na nakatayo lang sa kaniyang puwesto. Naguguluhan akong tumingin sa kanya at ngumiti lang siya sa'kin.
"Nagiging ganiyan ka dahil sa mga nararamdaman mo," panimula ni Macy.
"I've seen that look before, Aliyah. It's the same case as Warren's. He used to be just like you too noong nagkaroon siya ng babaeng nagustuhan. Remember Addie? Ang kinuwento niya sa atin na nakilala niya noong naglaro sila sa ibang school for the Junior Championships?" tanong ni Macy at tumango ako.
Addie, of course I know her. She was the girl that Warren fell in love at first sight with noong naglaro siya sa St. Louise High last year for the Junior Sports Meet. How can I even forget her when she's the girl that Warren fell head over heels with?
"Warren also felt what you're feeling right now. You know? lost and confused," ani Macy. I'm speechless, again.
"Just a heads up lang, Sis. You can't stop the feelings that you have for someone and you also can't lie to yourself about that because your heart knows who it is beating for." Ngumiti sa akin si Macy.
Napakurap ako ng paulit-ulit. Si Macy pa ba itong kausap ko? Pakiramdam ko ibang tao na eh.
"Wow, look at the time. Alis na ako, Aliyah. Mukhang maiiwan na ako ng bus ko eh. Babush!" paalam ni Macy at kumaripas siya paalis habang tumatakbo na parang si Naruto.
"Bakit ganoon tumakbo ang isang iyon? Natatae ba iyon?"
Mabilis akong lumingon sa aking tabi at naabutan ko si Kobe na nakatayo sa gilid ko habang bitbit ang kanyang mga gamit. Humarap si Kobe sa'kin at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.
Marahan akong lumunok nang naalala ko ang lahat ng mga sinabi ni Macy sa akin. Lahat ng mga alaala ko tungkol ay Kobe at bumabalik na ngayon sa isipan ko. Mula noong umiyak ako sa rooftop hanggang sa mga nangyari sa aming dalawa ngayon at naalala ko ang unang beses tumibok na tumibok ang puso ko dahil kay Kobe.
"You can't stop the feelings that you have for someone and you also can't lie to yourself about that because your heart knows who it is beating for."
I looked at Kobe and everything became crystal clear to me. I am falling for this annoying boy standing in front of me.