Chapter 6 : I Got You

2578 Words
ALIYAH'S POV Pinunasan ko ang mga pawis ko gamit ang aking panyo. Grabe ang init naman dito sa open field. Kahit nasa ilalim ako ng puno ay mainit pa rin, jusko! Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang libro na hawak ko habang tinitingnan si Kobe na naglalaro ngayon sa ilalim ng araw. Sabi ko sa kanya kanina bago siya mag-laro ay hihintayin ko na lang siya sa library ngunit pinilit talaga ako ni Kobe na sabay kaming pumunta roon. Sarap upakan ng kapre na'to. Kapag ako umitim ay patay talaga siya sa'kin. Pinagmasdan ko si Kobe habang naglalaro kasama ang mga kagrupo niya. Kakatapos lang ng huling klase namin at bakanteng oras na namin ngayon hanggang uwian. Sinipa ni Kobe paitaas ang bola at sinalo niya ito gamit ang kaniyang ulo saka niya ito pinasa sa isang lalaki na hindi ko kilala ngunit kasali siya sa grupo ni Kobe. Nakita ko kung paano ngumiti si Kobe habang naglalaro at tila isa siyang bata na binigyan ng regalo sa kaniyang kaarawan. Ginulo ni Kobe ang kaniyang buhok bago tumakbo upang habulin ang bola at humalakhak siya matapos niyang sinipa ang bola at pumasok ito sa loob ng goal—teka, bakit ko ba siya tinitingnan? Umiling ako at niyakap na lang ang libro na hawak ko. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko matapos kong mapagtanto na kanina ko pa tinitingnan si Kobe. Ayos pa ba ako sa lagay kong ito? Ang bilis talagang tumibok ng puso ko sa tuwing nakikita o iniisip ko si Kobe. Oras na kaya para magpatingin ako sa doktor? Bumuntong hinga ako saka tinawag si Kobe. Kailangan na naming mag-aral. "Kobe!" "Maghintay ka lang diyan, Ali! Malapit na kaming matapos dito!" sigaw niya at hindi ko maiwasan ang mainis. Argh, ang init kaya rito. "Aish, papatayin niya yata ako sa kakahintay dito." Inis akong naglakad paalis. Bahala siya dahil doon ko na siya hihintayin sa library. Mabuti pa roon hindi mainit at air-conditioned pa. "Oy, Ali! Teka lang!" rinig kong tawag ni Kobe sa'kin. "Bahala ka riyan!" Binilisan ko na ang aking paglalakad at hindi na lumingon pa. "Pandak!" Manigas ka riyan, Kobe. "Duwende!" Hindi. Huwag kang lumingon, Aliyah. "Bite size!" Bite size?! Aba—no. Kobe is just distracting you, Aliyah. Tama, Kobe is just distracting me kaya hindi dapat ako titingin sa kanya. "Aliyah!" Awtomatiko akong lumingon nang tinawag ako ni Kobe sa aking pangalan kahit anong pigil ko sa aking sarili. Kusa na lang sumunod ang katawan ko nang sinabi ni Kobe ang pangalan ko. Paglingon ko ay bigla akong bumangga sa isang bagay at dahil sa sobrang gulat ay umatras ako ngunit may natapakan ako na siyang naging dahilan upang mawalan ako ng balanse. Nabitawan ko ang aking mga gamit at ang sunod na nangyari ay mabilis na tumakbo si Kobe papalapit sa akin. Maya-maya ay naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na pumulupot sa aking bewang upang mapigilan ako bago pa bumagsak ang katawan ko sa lupa. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko nang nakita ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Pinigilan ko ang aking paghinga habang tinitingnan ko ang mga mata ni Kobe. "Easy there, Ali."—ngumiti si Kobe sa akin—"I got you." Hinahabol pa ni Kobe ang kaniyang mga hininga at nakita ko kung paano tumaas at bumaba ang kaniyang dibdib. Tinulungan ako ni Kobe at dahan-dahan niya akong inalalayan sa pagtayo. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin ay pinaupo niya ako sa pinakamalapit na bench dito sa amin. "A-Ayos lang ako." Umiwas akong tingin sa kanya. Bakit ba ang tanga ko? Paano na lang kung walang sumalo sa'kin? Siguradong tatama talaga ang ulo ko sa bato. Haist, Aliyah. "Ang katangahan ay dapat iniiwan iyan at hindi dinadala kung saan-saan," rinig kong sabi ni Kobe kaya lumingon ako sa kanya. "Aksidente ang nangyari kaya huwag kang feeling Mister Perfect diyan," sabi ko bago inikot ang aking mga mata. "Tsk. Sinagip na nga kita bago pa tumama ang ulo mo sa bato, nagawa mo pa akong tarayan? Ibang klase ka rin." Umupo si Kobe sa tabi ko. "Kung hindi mo lang sana ako pinapunta rito ay wala sanang aksidente na mangyayari." "Hindi ko kasalanan ang nangyari sa'yo, Aliyah. Kasalanan mo ito dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Inis ko siyang tiningnan. "Alam mo? Mabuti pa ay huwag na nating ituloy itong tutoring natin. Uuwi na ako, bahala ka riyan!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at kinuha na ang aking mga gamit. Bwisit, ako pa talaga ang may sala sa aming dalawa? Aksidente nga ang nangyari kanina! Gosh. "Oy, teka—" "Aray!" Tumayo si Kobe at hinawakan niya kaagad ang kamay ko nang muntik na naman akong matumba. Pumikit ako dahil sa biglang pagsakit ng paa ko. Aish, speaking of bad luck. "Masakit ba ang paa mo?" tanong ni Kobe at nagitla ako nang lumuhod siya sa aking harapan. "Hoy, ano'ng ginagawa mo?! Kobe, tumayo ka nga riyan!" "Ali, akin na ang paa mo," seryosong sabi ni Kobe at inilahad niya ang kaniyang kamay. Ha?! "Kobe, tumayo ka—teka! Hoy! Kobe, bitawan mo ang paa ko!" Ngunit matigas ang ulo ni Kobe. Pirmi ang kaniyang pagkakahawak sa aking paa at pakiramdam ko ay wala talaga siyang balak na bitawan ito. Uminit ang aking mga pisngi nang tinanggal ni Kobe ang sapatos na suot ko. Sunod niyang tinanggal ang aking medyas at mahina akong dumaing nang marahan na hinaplos ni Kobe ang aking namamagang paa. Tumingala si Kobe sa'kin. "Looks like you just sprained your ankle." "Do I need to see a doctor?" tanong ko sa kanya. "Do you need to see a doctor? No, silly. Lagyan mo lang ng yelo itong paa mo para mawala ang pamamaga nito." Hinawakan ulit ni Kobe ang paa ko at isinuot na niya ang aking medyas at sapatos. "Mukhang kailangan nga nating itigil ang tutoring natin ngayon," sabi ni Kobe at kinuha niya ang mga gamit ko. Laking gulat ko nang hinawakan ni Kobe ang kamay ko at tinulungan niya akong tumayo. Marahan na nilagay ni Kobe ang kaniyang kamay sa aking bewan at huminga ako nang malalim nang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa kuryente na nagkalat sa aking buong katawan dulot ng paghawak ng kamay ni Kobe sa aking bewang. "Dahan-dahan lang tayo sa paglalakad patungo sa classroom, ayos ba?" Awtomatiko akong tumango sa sinabi niya. Damn you, Kobe. Pwede ba lumayo ka ng konti? Nakakailang na talaga eh, sobra. Nagsimula na kaming maglakad ni Kobe at tinahak namin ang shortcut patungo sa classroom. Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami at nang nakapasok na kami ng silid ay bumungad kaagad sa akin si Macy na tumatakbo patungo rito sa'kin. "What happened to her, Kobe?" tanong ni Macy at pinaupo ako ni Kobe sa aking upuan. "Inatake ng katangahan," rinig kong sagot ni Kobe kay Macy kaya matalim ko siyang tiningnan ngunit tinawanan lang niya ako. "I was just kidding. Nadulas si Aliyah at nagka-sprain siya ngunit magiging maayos din ang lagay niya," sabi ni Kobe kay Macy. "Hindi niyo ba siya dadalhin sa ospital?" Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Honey na nag-aalalang tumingin sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay nakatakip sa kaniyang bibig at gulat siyang nakatingin sa paa ko. "Nagka-sprain lang si Aliyah, Honey. Ice lang ang gamot diyan. Hindi inatake sa puso si Aliyah para dalhin sa ospital," sabi ni Loreen na abalang nagsusuklay ng kaniyang buhok. "Oh." Tumahimik na lang si Honey. "Besides, there's no need to worry because there's a doctor in the room," rinig kong sabi ni Warren. "Aliyah, ice the area as soon as possible okay? Ice it for 15 to 20 minutes and four to eight times a day for the first 48 hours or until swelling improves. Be careful not to use the ice for too long, this could cause tissue damage. Understand?" Paulit-ulit akong kumurap dahil sa sinabi ni Macy at maya-maya ay tumango ako sa kanya bilang sagot. Geez, si Macy pa ba itong nasa harapan ko? Sa pagkakaalam ko ay tanga rin si Macy at nakakapagtaka na ganito siya ngayon. No offense though. "See? Sabi ko sa'yo diba." Siniko ni Warren si Honey habang nakangiti. "Pffft. You heard the doctor, Aliyah," tumatawang sabi ni Kobe kaya natawa na lang din ako. Unbelievable. Grabe naman itong si Macy kung mag-alala. Daig pa niya ang nanay ko. "Anyways, tawagan ko na lang ang Daddy mo para masundo ka niya. Sounds good?" tanong niya at tumango ako kay Macy. Tumabi si Kobe sa'kin at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Masakit pa rin ba?" Marahan akong ngumiti. "Medyo." "Do you want me to kiss the pain away?" Ngumisi si Kobe sa'kin saka kumindat kaya hinampas ko siya ng libro sa mukha. "Gross!" Umiinit na naman ang mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. What a cheeky bastard. Darn you, Kobe. Tinawanan ako ni Kobe. "Biro lang naman." ***** "Ito pa anak oh. Lagyan mo pa ng maraming yelo para mawala na kaagad ang namamagang parte ng paa mo." Nilagay ni Mom ang isang plato ng yelo sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng kama ko. "Mag-ingat ka sa susunod ha? Baka tuluyan ka ng mawalan ng paa—" "Mom naman. Grabe kayo." Ngumuso ako at tumawa lang si Mommy. "Tawagin na lang kita kapag kakain na, okay?" Tumango ako kay Mom at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Abala ako sa paglalagay ng yelo sa aking paa nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito saka binuksan at bumungad sa akin ang isang unregistered number. Sino naman kaya ito? Sinagot ko ang tawag at nilagay ko sa aking tenga ang cellphone ko. "Hello? "How's your ankle?" tanong ng isang malalim na boses mula sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang tanong. "Who's this?" Narinig kong tumawa ang may-ari ng boses na tumatawag sa akin. "Hindi mo ako kilala?" "I'm ending this call—" "It’s Kobe! Geez…" mabilis na sabi ng boses at nagulat ako. "Kobe? Saan mo nakuha ang number ko?!" Hindi ko maiwasan ang kabahan ng konti. Baka mamaya ay stalker ko talaga ang lalaking ito. "Kay Macy. Anyway, that's not the reason why I called you. How's your ankle?" tanong niya ulit. "Medyo okay na," sagot ko. "That's great. By the way, Ali. Kumain ka na ba?" tanong niya at nakarinig ako ng mga kaluskos sa kabilang linya. "Hindi pa. Hinihintay ko na lang ang tawag ni Mom na kakain na kami. Ikaw?" Humiga ako sa aking kama at narinig kong tumikhim si Kobe. "Kakatapos lang—" "Anak! Kain na tayo!" rinig kong sigaw ni Mom mula sa baba kaya binalikan ko si Kobe. "Tinawag na ako ni Mom, bye. Thanks for checking my ankle, I guess." Umupo ako sa aking kama. "Anytime, Ali." Pinatay ni Kobe ang tawag at inalis ko mula sa aking tenga ang cellphone ko. Nilagay ko sa lamesa ang cellphone ko at dahan-dahan akong bumaba mula sa aking kama saka lumabas na ng kwarto. Nang nakarating na ako sa baba ay bumungad sa'kin sina Mom at Dad na hinihintay ako. Umupo ako sa gitna nilang dalawa at kinuha ko na ang mga kubyertos na nasa gilid ng plato. "Masakit pa rin ba ang paa mo, anak?" tanong ni Dad. "Hindi na po masyado." Ngumiti ako. "That's good. Kumain ka na." At kumain na kaming tatlo. "Tumawag si Arlene kanina—" "Arlene? Who's she? " tanong ko kay Mom pero tiningnan lang niya ako kaya tumahimik kaagad ako. Manners, Aliyah. "Huwag kang sumingit kung nagsasalita ako, Aliyah. Si Arlene ay kakilala namin ng Daddy mo dahil minsan na siyang pumunta sa kompanya na pinapasukan namin. Tumawag siya kanina at nagtanong tungkol sa kalagayan mo," sabi ni Mom. What's with the people and my ankle today? "Sinabi ko sa kanya na ayos ka na at tinanong ko kung bakit siya napatawag at sabi niya sa akin ay dahil nag-aalala raw ang anak niya sa kalagayan mo. Magkaklase raw kayo ng anak niya. Kombe? Korby? Nakalimutan ko ang pangalan ng anak ni Arlene," dagdag ni Mom at kumain na. Kombe? Korby? May kaklase ba ako na may ganoong pangalan? "I think it's Kobe, Mom," sabi ko bago kumain. Maya-maya ay tuluyan ng naiproseso ng utak ko ang sinabi ni Mom. "Say what?" "Aliyah Alison! Where are your manners?" sita ni Dad kaya pinakalma ko kaagad ang aking sarili ngunit sa loob ay nagwawala na ang buong sistema ko. Magkakilala si Mom at ang nanay ni Kobe? Is this some kind of a dream or a nightmare? Or is this a joke? Kailangan kong makausap si Kobe tungkol dito. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at nang natapos na ako ay dumiretso ako sa kwarto at hindi na pinansin ang kakaibang tingin ng mga magulang ko. Nang nakarating na ako sa aking kwarto ay dinampot ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan si Kobe. Matapos ang ilang segundo ay sinagot na niya ang tawag. "Yo, what's up—" "Why didn't you tell me?" putol ko sa sinabi niya. Sandaling katahimikan namayani sa kabilang linya at maya-maya ay nagsalita na si Kobe. "Ha?" tanong niya. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkakilala pala ang mga magulang natin?!" Ginulo ko ang buhok ko. "What's the big deal about that? Bakit kailangan mo pang sumigaw?" tanong niya. "Hindi mo sinabi sa'kin." Hindi ko namalayan na nakanguso na pala ako. "…at nagtatampo ka kasi hindi ko sinabi sa'yo?" Sa palagay ko ay nakangisi ngayon si Kobe sa'kin. Walang hiya. "U-Um…" Ano'ng sasabihin ko? "What now, Ali? Cat's got your tongue?" Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa mula sa kabilang linya. Bakit ang ganda pakinggan ng boses ni Kobe—hindi ko inisip iyon! Hindi! "H-Hindi ah! In your dreams! Nagulat lang ako no!" Kinagat ko ang aking mga labi nang nagsimula ng uminit ang aking mga pisngi. Kainis naman. "Kung nakita ko lang ang mukha mo nang nalaman mo ang tungkol dito ay baka namatay na ako dahil sa kakatawa," natatawang sabi ni Kobe. "At kung namatay ka na ngayon, ako naman ang tatawa dahil sa'yo," sarkastiko kong sabi at tumahimik naman si Kobe. "Haha. Ang ganda ng joke mo, grabe." "Paano nalaman ng nanay mo ang tungkol sa paa ko?" Humiga ako sa kama. "Well…" Nakarinig ako ng ilang mga kaluskos bago sumagot si Kobe. "Actually, aksidente kong nasabi sa kanya ang nangyari kanina." Narinig kong huminga ng malalim si Kobe. "Oh." "You know? Malalim na ang gabi at kailangan ko ng ibaba ang tawag." "Oh, yeah sure. Tama, may gagawin pa rin kasi ako." Umupo ako sa kama. "Yeah, huwag masyadong magpapagabi ah." Mahinang tumawa si Kobe. "Opo. Ikaw rin, matulog ka na. I know you're tired because of your practice." Nakita ko nalang ang aking sarili na ngumingiti ng walang dahilan. "Yep, will do. Goodnight, Ali." "Good night, Kobe." The call ended at nilagay ko ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa. I just had a phone call with Kobe and my heart skipped a beat. Can somebody please explain to me why am I feeling so excited? I can’t tear off this stupid smile off my face. "Great, I'm starting to turn into a freaking lunatic," bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko na lang ang mga libro at notebooks ko. "Hay, makapag-assignment na nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD