THIRD PERSON'S POV
"Narinig niyo na ba?"
"Oo!"
"Nakita ko siya kahapon sa Principal's Office!"
"Astig! Chiks na naman!"
Nagkagulo ang mga kaklase ni Aliyah dahil sa narinig nilang chismis mula sa mga guro ng faculty room. Kumalat na ang balita sa buong Saint Regina Academy na magkakaroon sina Aliyah ng bagong kaklase at galing raw ito sa isang kilalang pribado na paaralan.
Si Aliyah ay rinding-rindi na habang nakikinig sa kaniyang mga kaklase. Si Warren naman ay abalang nakiki-chismis sa kaniyang mga kaklase na lalaki habang si Macy ay nakabusangot lang ang mukha at katabi nito si Aliyah.
"Oh? Ano naman kung galing siya sa isang pribadong paaralan? Ignorance is your best friend lang?" sarkastikong sabi ni Macy.
"Pabayaan mo na sila, Macy. It's not everyday that you get to have a new classmate," paliwanag ni Aliyah sa kaniyang kaibigan.
"Gets ko naman, Aliyah. Ang sa'kin lang ay hindi naman nila kailangan na pag-usapan pa iyon. Jusko, pangalawang araw na ngayon simula ng lumabas ang balitang magkakaroo tayo ng bagong kaklase."—umayos ng pagkakaupo si Macy sa kaniyang upuan—"Tao lang naman ang lilipat dito at hindi 'endangered specie' na galing sa planetang Jupiter para gawin nilang trending topic for chismis."
Lalong hindi na mailarawan ang mukha ni Macy dahil sa inis at natawa si Aliyah dahil dito.
"Mga unggoy, guess what?" Malaki ang ngiti ni Warren nang umupo siya sa harapan nina Aliyah at Macy kaya tumaas naman ang isang kilay ni Macy dahil dito.
"Isang unggoy pa at magiging unggoy na talaga iyang pagmumukha mo kapag ako napuno na dahil sa'yo," inis na sabi ni Macy kay Warren.
"Anong huhulaan namin, Ren? Huhulaan ba namin kung kailan magiging puti ang balat mo?" inosenteng tanong ni Aliyah at bumagsak ang mga balikat ni Warren dahil sa tanong ng dalaga.
"Alam niyo naman siguro ang tungkol sa transferee diba?" nang-aasam na tanong ni Warren.
"Sinong hindi makakaalam kung halos lahat ng mga bunganga rito ay iyan ang bukambibig?" singit ni Macy.
"Pwede ba, Macy? Shut up perst," malumanay na sabi ni Warren at nagsimula ng magkuwento ang binata.
"Sabi ng source ko, galing daw itong transfer student sa isang kilalang pribadong paaralan tapos lumipat siya rito sa Saint Regina kasi gusto raw niyang maranasan kung paano maging isang malaya na babae—" Huminto si Warren dahil sa biglang pagsingit ni Macy.
"So dito siya lumipat sa Saint Regina kasi she likes to experience the feeling of being an independent woman? Kung manatili na lang kaya siya roon sa private school niya?! Bakit kailangan pa niyang lumipat dito sa Saint Regina ha? Ano'ng akala niya sa school natin? Paaralan ng mga malayang tao? Lalo lang tayong hindi magsisiksikan sa open field tuwing flag ceremony kasi dadagdag pa siya," inis na sabi ni Macy at padabog siyang sumandal sa kaniyang upuan. Napasukot si Warren habang si Aliyah naman ay umiling lang.
"Macy, tapatin mo nga kami. Kumain ka ba ng almusal?" seryosong tanong ni Aliyah sa dalaga.
"Hindi, bakit?!" bulyaw ni Macy at minasahe niya ang kaniyang sentido.
"Diyos mio marimar." Pasekretong nagdasal si Warren sa kaniyang upuan.
Magsasalita na sana si Aliyah nang biglang nag-kagulo ang kaniyang mga kaklase at nagsingbalikan na sila sa kanilang mga upuan. Pumasok ang kanilang homeroom teacher sa silid at nakita ni Aliyah may kasama itong isang babae.
"Ito na ba ang sinasabi nilang transferee? Wow sana all parang walis tingting ang buhok," kunot noong sabi ni Macy habang nakatingin sa harapan.
"Seriously, Macy?" Gusto man na tumawa ni Aliyah ngunit pinigilan na lang niya ang kaniyang sarili upang umiwas ng gulo.
Ang babae na nasa kanilang harapan ay may katamtamang tangkad at may katawan na iniiyakan ng bawat babae na naghahangad ng magandang katawan. Tila isang modelo ang dalaga na nasa harapan nilang lahat dahil sa tindig at pananamit nito.
Itim ang buhok ng dalaga at hanggang balikat niya ito. May mga singkit siyang mga mata na mapang akit, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Nakasuot ang dalaga ng pantalon na niyayakap ang kaniyang perpektong katawan at hanging blouse na bumagay sa suot nitong pantalon.
"Shet pare, chiks nga!"
"Pustahan tayo, magiging jowa ko na siya bukas."
"Wow ang hangin naman!"
"Mas maganda pa ako sa kaniya."
"Tama ka, Nikki!"
"Mas maganda naman talaga si Nikki kesa sa transferee na iyan," ani Macy habang nakatingin sa transferee.
"Subukan niyang maging pabida rito sa classroom natin dahil matitikman niya talaga ang galit ko."—tiningnan ni Nikki ng matalim ang transferee—"Magbibida-bidahan siya? Tingnan natin kung sino ang tatakbo pabalik sa kanila at magtatago sa ilalim ng saya ng nanay niya."
"Everyone, kasama ko nga pala ngayon ang transferee na magiging classmate niyo—"
"Ay hindi Ma'am, cardboard cut out lang po iyang kasama niyo," bulong ni Macy.
"Okay, Miss. Please introduce yourself," sabi ng guro.
Tumaas ang isang kilay ni Macy nang ngumiti ang transferee at mahinhin itong kumaway sa kanilang lahat.
"Hi, everyone. My name is Honey Torres and I am 18 years old. Please take care of me," pagpapakilala ni Honey at ngumiti siya sa kaniyang mga bagong kaklase.
"Thank you, Honey. I'm sure they will really take care of you and they will make your experience here unforgettable. You can take your seat on the vacant spaces at the back of the classroom—"
Huminto sa pag-sasalita ang guro nang biglang pumasok ng silid si Kobe. Pawis na pawis si Kobe at hinahabol pa niya ang kaniyang hininga. Nakasuot pa ng jersey ang binata at may tuwalya pa na nakasabit sa kaniyang leeg. Ang backpack ni Kobe ay nakasabit sa kaniyang balikat at magulo ang kaniyang basang buhok. Halatang kakatapos lang ng practice ni Kobe at nagmamadaling pumunta dito sa silid ang binata para pumasok sa susunod na klase.
Lumingon si Aliyah kay Kobe at ngumiti si Kobe nang nakita niya ang dalaga. Nahihiya namang ngumiti si Aliyah pabalik sa binata bago binalik ang kaniyang tingin sa harap.
"Mister Calisto, ano'ng ginagawa mo rito? Tapos na ba ang practice niyo?" tanong ng guro kay Kobe.
"Opo, Ma'am. Tapos na po ang morning practice namin at babalik pa po ako mamayang hapon," sagot ni Kobe at umupo na siya sa kaniyang upuan na nasa gilid ni Warren.
Tumaas ang isang kilay ni Macy nang napansin niyang nakatingin si Honey kay Kobe na ngayon ay kausap sina Aliyah at Warren. Nanatili lang mga tingin ni Honey kay Kobe kaya napailing si Macy at pinagtagpo ang kaniyang mga braso.
"Yikes," bulong ni Macy.
ALIYAH'S POV
"Anong sabi ni Loreen kanina?"
"Well, hindi muna makakasabay sa atin si Loreen kasi sasabay siya sa boyfriend niya," sagot ni Macy sa'kin.
"Oh? May boyfriend na pala si Loreen? Ngayon ko lang nalaman ito. Sana all," tumatawang sabi ni Kobe at nilagyan niya ng vegetable salad ang tray ko. Come on, really?
"Kunin mo ito, Kobe, kundi itatapon ko to sa pagmumukha mo," banta ko kay Kobe at binigyan ko siya ng isang nakamamatay na tingin. Ang dami na ng pagkain ko tapos dadagdagan pa niya? Saan ko nalang ilalagay ang mga ito? Sa bulsa ng palda ko?
"No, kainin mo iyan. You need to eat more vegetables, Ali," sabi niya kaya bumuntong hinga ako.
"Ah, ang ganda ng transferee no?" pakantang sabi ni Warren.
"Yeah, parang walis tingting ang buhok niya. She can be our human broom," sabi ni Macy na ikinagulat naming lahat.
"Hoy, Macy!" Lumaki ang mga mata ni Kobe habang nakatingin siya kay Macy at nakita ko kung paano niya pinigilan ang kaniyang mga tawa.
"What? It's true! Hindi niyo ba nakita na halos hindi na nga niya magawang ihawi ang buhok niya kasi ang tigas nito—" Biglang sinubuan ni Kobe ng isang kwek-kwek si Macy kaya ayon, tumahimik na.
Pffft. Paborito talaga ng babaeng ito ang kwek-kwek. Grabe.
"Tama na! Sumusobra ka na, Mace. Pa'no nalang kapag narinig ka niya? Di ka pa naman marunong makipag-away. Talo ka lagi sa mga hilaan ng buhok at sampalan kasi ang bilis mong umiyak," natatawang sabi ni Kobe.
Natawa rin ako kasi tama naman si Kobe. Hindi marunong makipag-away si Macy at lagi siyang talo rito pero ang talas naman ng dila niya. Napaka-straight forward at judgemental, jusko.
"Hoy! Excuse me, baka gusto niyang ipakita at ipamukha ko sa kaniya ang lahat ng mga masasamang—oops!" Tinakpan ni Macy ang kaniyang bibig at maya-maya ay nahihiya siyang ngumisi sa amin. Ano'ng pinagsasasabi ng babaeng ito?
Nakita ko na binigyan ni Kobe ng isang blankong tingin si Macy na hanggang ngayon ay may kakaibang ngiti pa rin sa kaniyang mukha. Okay? May hindi ba ako alam dito?
"Macy." Matalim na tiningnan ni Kobe si Macy.
"What? Don't look at me like that." Nakita ko kung paano umiwas ng tingin si Macy kay Kobe. Ano ba ang meron?
"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Warren.
"Oo nga. Please elaborate?" singit ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, promise.
"Please don't tell me you that you looked into the transferee's social accounts," pabulong na sabi ni Kobe at seryosong niyang tiningnan si Macy.
"Uh, I might have looked into her social accounts and stalked her?" inosenteng sabi ni Macy at ngumiti siya sa amin.
Napamasahe sa kaniyang sentido si Kobe at muling niyang tiningnan si Macy. "Sinasabi ko na nga ba."
"What the f**k?!" bulyaw ni Warren dahil sa gulat.
"Are you crazy?!" Napatakip ako sa aking bibig. Macy just stalked the transferee's social accounts?! This is so absurd!
"Macy naman! Alam mong pwede kang makulong dahil sa ginagawa mo. Stop stalking her. Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo," sabi ni Kobe kay Macy.
Ngumuso si Macy. "Kobe naman, naka-incognito naman ako tapos gumamit rin ako ng dummy account para hindi niya ako makilala—"
"Hey guys!"
Mabilis pa sa kidlat kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Napuno ng sindak ang aking mukha at ganoon rin sina Kobe at Warren maliban lamang kay Macy na walang emosyon ngayon habang nakatingin sa taong nasa aming harapan. Ano ba ang problema ni Macy? Nauntog ba ang ulo niya sa sahig kaninang umaga?
"Uh…H-Hi? Honey…diba?" nahihiyang tanong ni Warren.
"Oo, I'm Honey. Pwede bang umupo rito? Wala na kasing bakante at itong lamesa niyo na lang ang maluwang pa." Ngumiti si Honey sa amin. Wow, even her smile is something to die for.
Nakita ko na ngumiti si Kobe kay Honey. "Pwede naman—"
"Sorry, nakareserba na kasi itong isang upuan sa kaibigan namin. May mga upuan naman doon sa garden, pwede kang kumain doon," putol ni Macy kay Kobe at ngumiti siya ng matamis kay Honey. What in the world?
"No Honey, nagbibiro lang itong kaibigan namin. Take the seat." Pasaliwang tumawa si Kobe at pasekreto niyang binigyan ng isang matalim na tingin si Macy na ngayon ay nakatingin lang sa kaniyang mga daliri.
Ano'ng meron at bakit pakiramdam ko ay ayaw ni Macy kay Honey? Mabait naman si Honey at mukhang magkaka-vibes kami. Nasaan ang problema sa kaniya?
"Ali, ubusin mo na ang pagkain mo," rinig kong sabi ni Kobe kaya tumaas ang aking isang kilay.
"Nanay na pala kita ngayon, Kobe?" Ngumisi ako sa kaniya.
"Wow, porke't sinabi ko na ubusin mo na ang pagkain mo, nanay mo na ako? Hindi ba pwedeng malapit ng magsimula ang next subject natin?" kalmadong sabi niya ngunit halatang napipikon na siya kaya natawa ako ng mahina.
"Opo, nay." Pinigilan ko ang aking sarili na huwag ngumiti dahil sa hindi malaman na dahilan.
"Aish." Tinawanan ko lang si Kobe dahil sa napipikon niyang mukha.
"Umm...hey. I am Honey and you are?"
Tumigil ako sa pagkain nang inilahad ni Honey ang kaniyang kamay kay Kobe. Pati si Kobe ay tumigil rin dahil kay Honey at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong umawang ang bibig ni Warren dahil sa gulat.
"Kobe." Tumango si Kobe kay Honey ngunit hindi niya kinuha ang kamay ni Honey. Tumawa lang si Honey at nagpatuloy na sa kaniyang pagkain.
"So you guys are like... best friends?" tanong ni Honey kay Kobe saka tiningnan niya kaming lahat.
"Yeah," sagot ni Macy at ininom na niya ang kaniyang juice. Patuloy lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila.
"Since when?" tanong ni Honey at sasagutin na sana ni Kobe ang tanong ni Honey nang sumingit si Macy.
"Matagal na."—tumingin si Macy kay Honey—"Naging mag-kaibigan kami noong mga panahon na wala ka pa."
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Macy. Nako, hindi talaga maganda kapag isang hindi nakapag-almusal na Macy ang kasama mo. May sayad si Macy ngayon, sigurado ako.
"Ha?" Tumigil si Honey at tiningnan lang niya si Macy.
"Ah! Ang ibig niyang sabihin ay matagal na kaming magkaibigan. Simula noong Junior High ay mag-kaibigan na kami ni Macy. Si Warren naman ay magkaibigan na kami simula pagkabata. Si Aliyah naman ay bago lang sa grupo." Napakamot sa kaniyang batok si Kobe. Good Kobe, nice way to cover up things bago pa lumala.
"Correction, Aliyah is our friend since—hmp!" Sinubuan na naman ni Kobe ng kwek-kwek si Macy kaya tumahimik na naman siya.
Matalim na tiningnan ni Macy si Kobe at ganoon rin si Kobe sa kaniya. Nakikita ko na ang kuryente sa pagitan ng kanilang mga mata. Geez, I really can't understand these two sometimes.
"Aliyah's a good friend, that's what she was meaning to say," pagtatapos ni Kobe sa sinabi ni Macy.
Muntik ng magsimula ng away si Macy. Aish, mukhang ayaw talaga ni Macy kay Honey. Ano naman kaya ang nakita niyang pangit kay Honey? Para sa akin, Honey is nice and sweet at wala akong nakikitang masama sa kaniya. Ano kaya ang problema ni Macy kay Honey?
"The both of you are pretty close." Tumawa si Honey habang nakatingin kina Kobe at Macy.
"Oh, Parang kapatid na kasi ang turing namin sa isa't isa," ani Kobe.
Nilunok ni Macy ang sinubo sa kaniya ni Kobe na kwek-kwek. Binuksan niya ang kaniyang bibig para magsalita kaya kaagad akong kumilos at sinubuan ko ulit siya ng kwek-kwek. Baka kasi kung ano na naman ang sasabihin niya.
"Hmp!" Pinanlakihan ako ni Macy ng kaniyang mga mata kaya tiningnan ko siya ng matalim upang tumahimik na siya. She needs to eat, really.
"She's crazy—ow!" daing ni Warren nang binatukan siya ni Macy.
"Hahaha! Ang cool naman ng circle of friends niyo." Tumawa si Honey.
"Bwesh weyar amedshing! (B*tch we are amazing!)" sabi ni Macy sa gitna ng kaniyang pagnguya at nakaramdam kaagad ako ng pagkayamot.
"Macy, manners!" sita ko sa kaniya. Jusko, ewan ko nalang sa babaeng ito. My gosh, Macy and her sharp mouth. Baka ang pangit na ng first impression ni Honey sa amin.
"Macy!" bulyaw naman nina Warren at Kobe sa kaniya.
"Ahahaha! Tingnan niyo nga naman. Oras na pala para bumalik na tayo sa classroom. Let's go guys," sabi ko sa kanila at kinuha kaagad ang bag ko. Ang awkward!
"Hala, oo nga pala. Sabay na tayo guys." Tiningnan kami ni Honey.
"Oh no, mauna ka na may pupuntahan pa kasi kami—"
"Tara na," putol ni Warren sa sinabi ni Macy at ngumiti siya kay Honey ngunit palihim niyang binigyan ng matalim na tingin si Macy.
Bumuntong hinga nalang ako at nagsimula na kaming bumalik sa classroom.
MACY'S POV
"Salamat sa kwek-kwek, Kuya." Ngumiti ako kay Kuya na nagtitinda ng kwek-kwek.
"Walang anuman, iha. Suki na kita eh. Siya nga pala? Nasaan na ang mga kaibigan mo?"
Umasim ang mukha ko nang tinanong iyon ni Kuya na tindero ng kwek-kwek dito sa labas ng campus. Ngumiti na lang ako kay kuya at kumain na lang. Ayokong sabihin sa kaniya na tinatakasan ko ngayon sina Aliyah. Baka mamaya ay mag-aakala siya na may ninakaw ako mula sa kanila. Nako, hindi na ako bibigyan ni Kuya ng on the house kwek-kwek. My life is gray without kwek-kwek
Tumigas ako sa kinatatayuan ko nang biglang nagsalita si kuya tindero. "Oh, ito na pala sila eh."
Nakita kong kumaway si Kuya Tindero kaya kinuha ko na ang pagkakataon na ito para umalis. Waaaaah! Ayokong makita ang pagmumukha ng mga kaibigan ko huhuhuhu! Takbo ka na, Macy! Baka susugurin ka na nila ng mga matutulis na itak at kutsilyo dahil sa ginawa mo kanina kay Honey.
Tch! Ang plastic naman kasi ng babae na iyon kaya ganoon na lang ang mga kinikilos ko kanina. Honey's whole existence is screaming danger and warning. Nang nakita ko kasi ang mga posts ni Honey sa kaniyang mga social accounts, ang dami niyang posts na tingin ko ay may pinapatamaan siyang tao tapos ang mga comments naman ay halos lahat trash talk.
My god, muntik na akong mahawaan ng kademonyohan dahil sa mga tao roon. That girl is a walking Regina George! Parang isang anghel kung tingnan ngunit makamandag at masama ang ugali!
Nang nakita ko na papalapit na silang tatlo rito sa kinatatayuan ko ay halos mangunyapit ako sa pagtakbo ngunit may humawak na ng bag ko kaya umatras ako pabalik.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko na ang kapre pala ang may hawak ng bag ko. May nakakatakot siyang tingin kaya nagsimula na akong makaradam ng kaba. s**t naman. Ang creepy mo, Kobe!
"Not so fast, Macy," nakakatakot na sabi ng cute na chanak sa'kin at binigyan niya ako ng isang nakamamatay na tingin. Stop that, Aliyah! Hindi ka na cute dahil nasira na ang cute image mo!
"May dapat ka pang ipaliwanag sa amin." Nakataas ang isang kilay ng engkantong itim at pinagtagpo niya ang kaniyang mga braso. Gah! Not you too, Warren!
Juice colored! Bakit ba ako pinapalibutan ako ng mga nakakatakot na nilalang?! Kukunin na ba ako ng mga kampon ng kadiliman?!
Nalapunok ako bago ngumiti sa kanila. "Hehe, gusto niyo ba ng kwek-kwek?"
*****
"So, kaya hindi mo gusto si Honey ay dahil sa tingin mo plastic siya at masama ang ugali niya?" walang emosyon na tanong ni Aliyah sa'kin.
"Oo nga! Paulit ulit lang?! Tingnan niyo naubos na ang kwek-kwek ko dahil sa inyo!" maktol ko saka ngumuso.
"Learn to control yourself, Mace. Muntik ka ng mapaaway kanina," sabi sa'kin ni Kobe.
"Guys naman, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nainis kasi ako dahil ang galing niyang umarte." Tinapon ko sa basurahan ang basura ko.
"Come on, Mace. She looks fine to me. Wala namang mali sa kaniya," singit ni Warren at nagkibit-balikat siya.
"Of course, there's nothing wrong with her because that is your perspective! You can only see her dazzling and sparkly outer side! And because of how sparkly and dazzling she is outside, you were blinded and you failed to see how dark she is on the inside!" Tiningnan ko silang tatlo at umiwas ng tingin si Aliyah sa akin. Come on, huwag niyong sabihin na hindi niyo nakuha ang punto ko?
"You looked into her social accounts, judged her for who she is without knowing her personally and now you are descriminating her. Macy that is just so unlikely of you. You know more than being like this. Mali itong ginagawa mo ngayon—"
"I have my reasons, Kobe." I have my reason and that is to protect you guys from her.
"Kahit na. Kanina, paano na lang kung nalaman ni Honey ang lahat ng ginawa mo kanina? Siguro ngayon ay nasa Principal's Office ka na," sabi ni Aliyah sa'kin.
"But guys I swear, she was just acting. She's not the real Honey," I mumbled sadly. Why can't they see that I am just trying to protect our friendship?
"Hindi mo sana ginawa iyon, Mace," Warren mumbled, enough for us to hear him.
"Stop it, Macy. Stop judging Honey. She's not bad." Aliyah piped in.
I looked at my friends in disbelief. Wow, they are seriously siding with that girl and they didn't even saw my point.
"Sorry guys, promise hindi ko na uulitin yon." Tumingin ako sa kanilang tatlo.
"Ito na naman, drama na naman," biro ni Warren kaya natawa kaming apat.
"Uwi na nga tayo, hapon na. Baka hindi mo na maabutan ang bus mo, Mace." Aliyah smiled at me kaya ngumiti na rin ako pabalik.
"Awe, maaga pa naman, Aliyah, pero mas maganda kung uuwi ng tayo maaga kaya tara na guys," nakangiting sabi ni Warren.
"Tara na," sabi ni Kobe at inakbayan niya si Warren.
Ngumiti ako sa kanila. "Basta, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo."