Chapter 4 : Study Buddies

4228 Words
ALIYAH'S POV "Okay guys, answer these equations in a one whole sheet of paper. Kapag nahuli ko kayo na nagpapakopya o tumitingin sa papel ng mga katabi ninyo ay awtomatikong minus fifty points kaagad." Napalunok ako dahil sa sinabi ni Ma'am. My god, masyadong malaki ang fifty points. Aish, kailangan kong takpan itong papel ko para hindi makita nina Warren at Macy. Nako, alam kong kahinaan nilang dalawa ang subject na ito kaya dapat lang na hindi ko ipapakita sa kanila ang papel ko. Sorry guys. "Psst! Aliyah!" Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Woy, Aliyah! Send tulong naman!" "Pwede ba? Tumahimik nga kayo. Madali lang naman iyang sagutan. Kaya niyo yan," mahina kong sigaw sa kanila. Teka? May mahinang sigaw ba? Nagsimula na ako sa pagsagot ng mga equations. Nang natapos ko na ang unang equation ay bigla akong tinawag ni Ma'am. "Aliyah." Mula sa aking papel ay itinaas ko ang aking tingin at nagtama ang mga mata namin ni Ma'am. Napansin ko naman ang tingin ng aking mga kaklase na sa amin lang ni Ma'am nakatutok. "Yes, Ma'am?" Napakurap ako ng paulit-ulit. "Iwan mo ang iyong papel diyan sa lamesa dahil may pag-uusapan tayo sa labas," sabi ni Ma'am. "Don't worry, exempted ka na sa test," dagdag ni Ma'am at lumabas na siya ng silid. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ma'am. Tumayo ako at maglalakad na sana paalis nang pinigilan ako nina Warren at Macy. Hinawakan nilang dalawa ang aking mga kamay kaya tiningnan ko sila. Parehas ko silang binigyan ng blankong mukha dahil sa kanilang ginawa. "Please?" Pagmamakaawa ni Macy sa'kin. "No." Iniwan ko na sila roon. Haist, ang dalawang iyon talaga. Hindi talaga sila matututo kung susubuan ko sila ng mga sagot. Nang nakalabas na ako ng silid ay nakita ko si Ma'am na naghihintay sa'kin sa isang sulok kaya nilapitan ko siya. "Mrs. Fernandez."—napalunok ako—"Gusto niyo po akong makausap?" "Oo iha, gusto kitang makausap tungkol kay Kobe Calisto—" "Po?!" Kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa lakas ng aking boses dulot ng pagkabigla. B-Bakit naman ako ang kakausapin ni Mrs. Fernandez tungkol kay Kobe? Diba dapat ang mga magulang ni Kobe ang dapat na niyang kausapin? Bakit ako? Hindi kami close! "Aliyah." "Ma'am!" Gulat akong tumingin kay Mrs. Fernandez. "As I was saying, I want you to be Kobe's tutor for my subject since your grades are high and you are an excellent student," malumanay na sabi ni Mrs. Fernandez ngunit itong utak ko ay hindi pa rin napo-proseso ang kaniyang mga sinabi kaya sa pangalawang pagkakataon ay sumigaw ulit ako. "Ano po?!" Nalaglag ang panga ko. Nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Fernandez at tiningnan niya ako na tila isa akong nilalang na galing sa pinakamalayong planeta. Pakingtep. "Pasensiya na po, Ma'am. Nabigla lang po ako." Umiwas na lang ako ng tingin kay Mrs. Fernandez. My god, baka iniisip na ni Mrs. Fernandez na may problema ako sa pag-iisip. "Inaasahan ko na magugulat ka talaga. Bumaba kasi ang mga marka ni Kobe dulot ng kaniyang pagliban sa klase dahil sa kaniyang mga practice. Please help him, Aliyah. Alam ko na matalinong bata si Calisto at madali lang siyang turuan," pakiusap ni Mrs. Fernandez sa'kin. Bigla kong naalala ang group activity naming dalawa sa Physics at hindi ko maiwasan ang bumuntong hinga. "Tch, ang dali nga niyang turuan. Grabe." "May sinabi ka, Aliyah? Pumapayag ka na ba?" masayang tanong ni Mrs. Fernandez sa'kin. Lumaki ang mga mata ko. "Po?! Ma'am! Hindi pa po ako pumapayag! Magpapaalam pa po ako sa mga magulang ko—" "Ay, huwag na. Nagpaalam na ako at ayos lang sa kanila kaya maraming salamat talaga, Aliyah, dahil pumayag ka," nakangiting sabi ni Mrs. Fernandez sa'kin. I think I am starting to doubt my respect for this teacher. "Don't worry, may plus points ka sa subject ko." Mrs. Fernandez winked at me. Ano raw? Points? Points?! "Nako Ma'am! Asahan niyo po na tataas ang marka ni Kobe!" Malaki ang ngiti ko habang sinasabi ko iyon kay Mrs. Fernandez. Hmmm...nangangamoy points! "Maraming salamat talaga, iha." "Walang anuman po! Basta may plus points po ako ha!" Ngumisi ako kay Mrs. Fernandez. Natawa na man si Mrs. Fernandez dahil sa'kin. "Okay, pwede ka ng bumalik sa loob." "Sige po." ***** "Ano?!" "Pwede ba?! Hinaan niyo nga ang mga boses niyo," bulyaw ko kina Warren at Macy. "Nakakagulat lang kasi dahil pumayag ka sa offer ni Mrs. Fernandez. Sa pagkakaalam ko ay hindi ka pumapayag na magturo sa ibang estudyante. Hindi ka nga pumayag na turuan ako," nakangusong sabi ni Macy. "Bakit? May pambayad ka ba? Kulang nga para sa'yo ang baon mo." Kinain ko na ang burger ko. "Aha, kaya ka pumayag sa kaniyang offer kasi babayaran ka ni ma'am," walang emosyon na sabi ni Warren. "Sus, kung ako ang tuturuan mo ay malamang ang mga hindi mo natitikman noon ay matitikman mo na ngayon." Humalakhak si Macy. "Pakialam ko riyan sa mga pagkain mo? Mas maganda pa ang offer ni Mrs. Fernandez sa'kin no!" Ako naman ngayon ang humalakhak. "Ano naman aber?" tanong ni Warren. "May extra points ako sa subject niya." Ngumisi ako sa kanila at nalaglag ang kanilang mga panga dahil sa gulat. "Nagjo-joke ka lang diba?" Napakurap si Warren. Umiling ako sa kaniya nang hindi nawawala ang aking malapad na ngiti. "Putahamnida... " Ginulo ni Macy ang kaniyang buhok dahil sa inis kaya natawa ako. Hindi kasi madali ang subject namin kay Mrs. Fernandez kasi masyado siyang mahigpit kaya marami sa amin ang nakakakuha ng mga mababang marka at extra points lang ang makakatulong sa amin sa subject niya. Guess today is my lucky day. "Sino nga ulit ang tuturuan mo?" tanong ni Warren sa'kin. Nilunok ko muna ang aking pagkain bago ko siya sinagot. "Si—" "Ako." Isang bola ang bumagsak sa lamesa namin at sabay kaming tatlo na tumingin sa taong bagong dumating. Inis kong inikot ang mga mata ko. Ang hilig niya talaga sa mga grand entrance, tss. "Ikaw?!" sabay na sabi ng dalawang baliw. "Ay bingi?" naiinis na tanong ni Kobe. "P-Pero paano?" Hindi makapaniwala si Macy. "Hahaha, baka nagbibiro lang kayo…" Napalunok si Warren. "Ako ang tuturuan niya." "Siya ang tuturuan ko." Sandali kaming nagkatinginan ni Kobe nang sabay kaming magsalita. Muntik ng mawalan ng kaluluwa sina Warren at Macy dahil sa kanilang nalaman. Binagsak ni Macy ang kaniyang mga kamay sa lamesa. "Aliyah naman..." Ngumiwi si Warren. "Bakit siya pa?!" Tinaasan ko silang dalawa ng kilay at nakita ko kung paano sabay nilang tinuro si Kobe. "Tuturuan mo pa rin si Kobe kahit magaling na siya sa Math?!" sigaw nila. "Hoy! Kayo riyan sa sulok! Hinaan niyo ang mga boses niyo kung ayaw niyong palayasin ko kayo rito!" Tumigas ako sa aking upuan nang narinig kong sumigaw ang babae na nasa counter ng cafeteria. Aish, itong dalawang to talaga. Ang ingay! "Ewan ko ba kay Aliyah kung bakit pumayag siya." Napansin kong may halong inis ang boses ni Kobe. Ayaw ba niya na tulungan ko siya? Tch, masuwerte nga siya kasi nag-aalala si Mrs. Fernandez sa pag-aaral niya at kinuha pa talaga ang isang katulad ko para turuan siya. "Kasi naman po, nag-aalala ang guro natin sa'yo kaya sinabihan niya ako na turuan kita. Tss, dami mong arte." Inikot ko ang aking mga mata. "Kaya mo tinanggap ang offer ni Mrs. Fernandez ay dahil sa extra points. Kilala kita at alam kong desperada kang makakuha ng mataas na marka." Tumayo si Kobe at kinuha niya ang bola na nasa ibabaw na lamesa. A-Ako? Desperada? Aba, ginagalit talaga ako ng lalaking ito ah! "Hoy, Calisto! Ikaw na nga itong tinutulungan ng libre ikaw pa itong may ayaw!" inis kong sabi sa kaniya at binigyan ko siya ng isang nakamamatay na tingin. Nakakainis na siya. Alam ba niya na wala ng libre sa panahon natin ngayon?! "Humingi ba ako ng tulong? Sinabi ko ba na tulungan mo ko sa pag-aarala ko? Sinabi ko ba na turuan mo ako? Hindi naman diba? Ikaw lang ang pumayag sa offer, Aliyah," malamig na sagot ni Kobe sa'kin. "Sinasayang mo lang ang oras mo, Aliyah," dagdag ni Kobe habang nilalaro ang bola na hawak niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan ko na lang ang aking sarili na sumiklab dahil sa matinding galit. "Bakit ba mas inuuna mo ang practice kesa sa pag-aaral mo?! Mas importante pa ba ang bola kesa sa grades mo?!" Lumapit si Macy sa'kin at hinawakan niya ang kamay ko. Doon ko napagtanto kung ano ang mga nasabi ko kay Kobe. Kung ako ay nagulat dahil sa mga nasabi ko ay mas nagulat pa si Kobe kesa sa sa'kin Nakatitig si Kobe sa akin at halata sa kaniyang mukha na hindi niya inasahan na sasabihin ko sa kaniyang ang mga salitang iyon. Napansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante kaya mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo ako palabas ng cafeteria. Aliyah, you’re such a living embarassment. THIRD PERSON'S POV "Sinasayang mo lang ang oras mo, Aliyah." "Bakit ba mas inuuna mo ang practice kesa sa pag aaral mo?! Mas importante pa ba ang bola kesa sa grades mo?!" Natigilan si Aliyah nang napansin niyang nakatingin nakatingin sa kaniyang ang mga estudyante na nasa loob ng cafeteria. Uminit ang mukha ni Aliyah at mabilis niyang kinuha ang kaniyang mga gamit saka tumakbo paalis. "Aliyah, ano na naman ba ang pumasok sa isip mo?" Nag-aalalang umiling si Warren habang nakatingin sa tumatakbong pigura ng dalaga. "Aish." Ginulo ni Kobe ang kaniyang buhok dahil sa inis. Umupo siya sa kaniyang upuan at tumingin sa kawalan kaya tumabi sina Macy at Warren sa kaniya. Pinagitnaan siya ng kaniyang mga kaibigan at nabigla si Kobe nang sinuntok siya ni Macy sa kaniyang braso. "Aray!" daing ni Kobe at tumingin siya kay Macy. "Grabe ka. Alam mo naman na sensitive si Aliyah kapag studies na ang pinag-uusapan." Umiling si Macy kay Kobe. "Super sensitive siya, Kobe." Tumawa si Warren at sinapak naman siya ni Macy. "Ayoko naman talaga na magpaturo sa kaniya. Siya lang itong tinutulak ako na mag-aral," ani Kobe bago bumuntong hinga. "Hay nako, Kobe. Kung ako sa'yo ay hanapin mo na si Aliyah at mag-sorry ka sa kaniya." Tinapik ni Macy ang braso ni Kobe. "Teka, bakit ako ang hihingi ng sorry sa kaniya? It's her fault in the first place," pagmamatigas ni Kobe. "Kobe naman, gentleman ka diba? Ikaw na ang unang mag-sorry," sabi ni Warren. "Kobe, huwag mong isipin iyang pride mo. Isipin mo ang nararamdaman ni Aliyah ngayon." Inalog ni Macy si Kobe na tila wala ng bukas. "Aish! Macy, nahihilo na ako," reklamo ni Kobe at tumigil naman si Macy. "Tol, nag-aalala lang naman kasi si Aliyah sa kinabukasan mo. Alam mo naman na mahirap na ang buhay ngayon. Ang isang bote nga ng alak ay hindi na nga natin mabili kasi mahal na," naiiyak na sabi ni Warren habang inaalala ang kaniyang dinanas noong bumili siya ng isang bote ng alak. "Nag-aalala? Tch, ang sabihin niyo tinanggap ni Aliyah ang offer ni ma'am dahil sa extra points," sabi ni Kobe na ikinatigil ng dalawa. "A-Ano…" Napakamot si Macy sa kaniyang batok. "Ganito kasi iyan, bahagyang totoo ang sinasabi mo at may parte rin na nag-aalala si Aliyah sa marka mo," paliwanag ni Warren kay Kobe "Kung ganon, siya na lang ang pumalit sa'kin sa klase. Tss," inis na sabi ni Kobe. Dahil hindi na napigilan ni Macy ang kaniyang sarili ay kinuha niya ang bola na hawak ni Kobe at tinapon niya ito sa mukha ng binata. Umiwas kaagad si Warren ngunit sa kaniyang dibdib tumama ang bola matapos itong tumalbog mula sa mukha ni Kobe. "Hoy, Kapre! May dumating ng mga blessings sa buhay mo kaya share this to one hundred people—este huwag mo ng iwasan ito. Grab the opportunity na," ani Macy kay Kobe. "Alam mo ba na labag rin ito sa kagustuhan ni Aliyah? Masuwerte ka dahil pumayag si Aliyah na tulungan ka. Malay mo kapag mataas na ulit ang mga grades mo ay magiging scholar ka na sa mga ibang schools." Nagkibit-balikat si Macy bago niya pinagtagpo ang kaniyang mga kamay. Ayaw man na umamin ni Kobe ngunit tama ang kaniyang mga kaibigan. Tumayo na si Kobe at gumuhit naman ang isang malaking ngiti sa mga labi ni Warren at tumango lang si Macy sa binata. "Fine. I'm going to apologize to her," ani Kobe at umalis na ng cafeteria si Kobe. ***** "Bwisit siya." Sinarado ni Aliyah ang kaniyang locker. Dala ang kaniyang mga libro na gagamitin para sa susunod niyang klase ay nagsimula ng maglakad si Aliyah patungo sa kaniyang silid. Sa pagkakataon na ito ay muli na naman siyang pinatahimik ni Kobe at naiinis na si Aliyah dahil ayaw niya sa kaniyang nararamdaman tuwing nangyayari ito. Pumikit na lang si Aliyah at pinakalma na niya ang kaniyang sarili. "Aliyah?" Napamulat kaagad si Aliyah at nakita niya si Mrs. Fernandez. Nakatayo ang guro sa kaniyang harapan at napansin niya ang hawak nito. Tumaas ang isang kilay ni Aliyah dahil sa pagtataka pero ngumiti lang sa kaniya ang si Mrs. Fernandez at binigay niya sa dalaga ang hawak nito. "Have a good day, Aliyah." Matapos iyong sabihin ni Mrs. Fernandez ay umalis na siya at naiwan si Aliyah na nakatayo sa gitna ng tahimik na pasilyo. Tiningnan ni Aliyah ang bagay na hawak niya. Isang chocolate bar ang binigay ni Mrs. Fernandez sa kaniya at may sticky note pa na nakalagay dito. Muling tumaas ang isang kilay ni Aliyah nang nakita niya ang nakasulat sa maliit na papel. "Ano ba naman to? Ang panget ng pagkakasulat. Di ko na tuloy maintindihan," bulong ni Aliyah habang pilit na binabasa ang mga salitang nakasulat sa papel. 'Library, Table 3 @ 3:30 pm' Paulit-ulit na napakurap si Aliyah dahil sa mensahe na nakasulat sa maliit na papel. Dahil gustong malaman ni Aliyah kung ano ang pakay ni Mrs. Fernandez sa kaniya ay naisipan niyang sundin ang nakasulat sa papel. Nilagay ni Aliyah sa kaniyang libro ang papel habang ibinulsa naman niya ang chocolate bar at naglakad na siya patungo sa kaniyang klase. Nang dumating na ang alas tres at lumabas na si Aliyah mula sa kaniyang silid at pumunta na ng silid aklatan. Hawak ni Aliyah ang papel na binigay sa kaniya ni Mrs. Fernandez at nang nakarating na siya ng silid aklatan ay huminga ng malalim si Aliyah bago pumasok. Nadatnan ni Aliyah na walang tao masyado sa loob ng silid kaya tahimik siyang nagpasalamat. "Kalma ka lang, Aliyah. Hindi ka pa kakainin ni Mrs. Fernandez. Kakausapin ka lang niya rito sa library," paalala ni Aliyah sa kaniyang sarili. Hinanap ni Aliyah ang ikatlong lamesa at nang nakita na niya ito ay bumungad sa kaniya ang isang tao na hindi niya aakalain na makikita niya sa loob ng silid aklatan. "Hey," mahina niyang bati sa dalaga. "A-Anong ginagawa mo rito,"—tumaas ang isang kilay ni Aliyah—"Kobe?" Mahinang tumawa si Kobe na siyang naging dahilan upang magtaka lalo si Aliyah. Ngumiti si Kobe sa dalaga at sumandal siya sa kaniyang upuan. "Natanggap mo ba ang chocolate bar?" "What?" "Well, I guess Mrs. Fernandez didn't tell you about it." Nagkibit-balikat si Kobe. "You—wait, you were the one who wrote the note? Sa'yo galing ang chocolate bar na iyon?" Tumango si Kobe sa tanong ng dalaga. "What in the world?" Napahawak sa kaniyang ulo si Aliyah. "Look, Aliyah. I am sorry about—well, you know what I mean." Kobe messed up his hair in embarrassment and Aliyah scoffed in disbelief. "I can't believe you." "I know."—bumuntong hinga si Kobe—"So, please be my tutor." Matapos niyang marinig ang mga salitang iyon mula kay Kobe ay bumilis ang pagtibok ng puso ni Aliyah. Huminto ang pag-ikot ng kaniyang mundo at nanatili lang ang tingin ng dalaga sa binatang nasa kaniyang harapan. Mahinang tumango si Aliyah at mabilis siyang umiwas ng tingin kay Kobe. "S-Sure." ***** "Mali na naman." "Ano? Tangna naman ito, ayoko na." "Kobe bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos!" "Ayoko na, Aliyah, Susuko na ako." "Kobe, I am warning you." "Bye." "Kobe—" "Shhh! Ano ba, nasa library kayo! Hinaan niyo ang mga boses niyo!" Nanliit sa kaniyang upuan si Aliyah at mabilis siyang yumuko upang itago ang kaniyang mga namumulang pisngi habang si Kobe naman ay nagtago sa likod ng isang istante at tinakapn niya ang kaniyang bibig upang maiwasan ang gumawa ng ingay. Wala ng nagawa si Kobe kaya bumalik na lang siya sa lamesa kung nasaan si Aliyah na ngayon naghihintay sa kaniya. "Tch, ikaw naman kasi, ang ingay mo." Tumaas ang isang kilay ni Aliyah dahil sa sinabi ng binata. "Anong ako?! Ikaw ang arte mo! Ang dali lang kaya ng mga ipinagawa ko sa'yo." Inikot ni Aliyah ang kaniyang mga mata dahil sa inis. "Alam mo naman na lumiban ako sa klase diba? Paano ko masasagutan ito?"—kinuha ni Kobe ang papel at pinakita niya ito sa dalaga— "Kung ito lahat ay hindi mo pa itinuro sa'kin?" "Shhh! Ano ba, hindi ba kayo nakakaintindi?! Sinabing huwag gumawa ng ingay!" Mabilis na umiwas ng tingin sina Kobe at Aliyah mula sa isa't-isa. Kinagat ni Aliyah ang kaniyang mga labi habang si Kobe naman ay pinaglalaruan ang kaniyang hawak na ballpen. "Bakit ba kasi hindi mo sinabi sa'kin? Shunga ka talaga," Aliyah hissed in annoyance. Nabigla naman si Kobe at maya-maya ay inikot niya ang kaniyang mga mata saka niya blankong tiningnan si Aliyah. "Tch, wala ng patutunguhan itong away na'to. Turuan mo na nga kasi ako, baka mamaya ay palalayasin pa tayo rito." Pinagtagpo ni Kobe ang kaniyang mga braso. "Fine, geez." Binuksan ni Aliyah ang kaniyang libro at pinakita niya kay Kobe ang isang pahina kung saan nandoon nakasulat ang mga paraan kung paano masasagutan ang mga equation. "Nakuha mo na kung paano iyan gagawin?" bagot na tanong ni Aliyah bago humikab. "Akala ko ba tuturuan mo ako? Tutor kita diba?" Tumaas ang isang kilay ni Aliyah dahil sa sinabi ni Kobe. "I thought you're a fast learner?" Aliyah looked at her nails, unfazed by the fact that Kobe is now glaring at her. "Gaya ng sinabi ko kanina, wala ako noong tinuro ito ni Mrs. Fernandez. Tch, pandak," inis na sabi ni Kobe. "Ganito kasi iyan, Kobe. Makinig ka ng mabuti dahil ihahampas ko talaga itong five hundred-fifty pages na libro sa ulo mo para makuha mo kaagad ang equation," banta ni Aliyah at kinuha niya ang kaniyang papel at ballpen. Nakinig naman si Kobe nang nagsimula ng magpaliwanag ang dalaga. Pinagmasdan lang ni Kobe si Aliyah habang nagpapaliwanag ito sa kaniya. Nang natapos na ay hindi naiwasan ni Kobe ang ngumiti dahil sa wakas ay nakuha na niya kung paano niya sasagutin ang mga equations na binigay ni Aliyah. "Ano? Kuha mo na?" tanong ni Aliyah at padabog niyang tinulak ang libro patungo kay Kobe. "Yes, master. Thanks," masayang sabi ni Kobe at nagsimula na siya sa pagsagot ng kaniyang activity sheet. Nilagay ni Aliyah ang kaniyang mga braso sa lamesa at ipinatong niya rito ang kaniyang ulo. Inaantok na talaga ang dalaga at gustong-gusto na niyang umuwi dahil sumasakit na rin ang ulo niya. "Matulog ka muna riyan. Alam kong inaantok ka." Mabilis na umupo si Aliyah at gulat siyang tumingin kay Kobe na abala ngayon sa kaniyang ginagawa. "H-Ha? Anong inaantok? Hindi ah," depensa ni Aliyah. Ayaw ni Aliyah na makita ni Kobe ang kaniyang mukha habang natutulog. "Baka kunan pa niya ako ng litrato habang natutulog at gamitin pa niya iyon laban sa'kin…." Ngumiwi si Aliyah dahil sa kaniyang naisip. "Stop acting, Aliyah. Hindi makakalusot sa'kin ang pag-iinarte mo," ani Kobe habang nakatutok pa rin sa sinasagutan niyang papel. "Focus on your paper Kobe and stop looking at me—" "Aliyah, paano ko aalisin ang tingin ko sa'yo kung nakaupo ka sa harapan ko? You're in my sight, that's why I can't take my eyes off of you." Mula sa kaniyang papel ay tiningnan ni Kobe si Aliyah at naramdaman ng dalaga ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. "E-Ewan ko sayo." Tinalikuran ni Aliyah si Kobe at nagbasa nalang siya ng libro. Binigyan lang ni Kobe ng isang tingin si Aliyah. Kahit nakatalikod ang dalaga mula sa kaniya ay hindi parin napigilan ni Kobe na tumawa ng mahina. "Pikon…" bulong ni Kobe sa kaniyang sarili habang tumatawa ng mahina. "Can you stop laughing at me?!" singhal ni Aliyah habang nagbabasa. "Pinagsasasabi mo riyan? Hindi ako tumatawa no." Bumalik na si Kobe sa pagsasagot ng kaniyang activity sheet. "Tch, hindi raw tumatawa. Huwag ako, Calisto," inis na bulong ni Aliyah at binalik niya ang kaniyang libro na binabasa sa lamesa. "Cute…so damn cute." Kinagat ni Kobe ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang kaniyang ngiti. Tumikhim si Kobe bago ibinigay kay Aliyah ang kaniyang trabaho. "Oh ayan, tapos na," sabi ni Kobe at saka nag-inat. Kinuha ni Aliyah ang papel ni Kobe at tiningnan niya ito. Tumaas ang isang kilay ni Aliyah dahil nakita niya na may tatlong mali si Kobe. "Not bad," Aliyah thought. "Three mistakes. Ayan." Binalik na ni Aliyah ang papel ni Kobe. "Talaga? Astig." Nakangiti si Kobe habang tinitingnan ang kaniyang papel ngunit nawala rin ang ngiti ni Kobe at napalitan ito ng pagtataka nang nakita niya si Aliyah na nag-aayos ng kaniyang mga gamit. Tumayo ang dalaga kaya tumayo na rin si Kobe. "Teka, aalis ka na?" tanong ni Kobe kay Aliyah. "Oo, aalis na ako tutal tapos na naman ang oras natin." Humikab si Aliyah. "Teka lang saglit," sabi ni Kobe sa dalaga at nagsimula na rin siyang magligpit ng kaniyang mga gamit. Nang natapos ng magligpit si Kobe ay inilagay niya ang kaniyang bag sa balikat niya bago tumingin kay Aliyah na ngayon ay nakatingin rin sa kaniya. "Alam ko na gwapo ako kaya tara na, alis na tayo." Ngumisi si Kobe kay Aliyah at kinuha niya ang kamay ng dalaga saka niya ito hinawakan. Lumabas na ang dalawa ng silid aklatan at halos kaladkarin ni Kobe si Aliyah habang naglalakad sila sa pasilyo ng gusali. Kinuha ni Aliyah ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Kobe kaya huminto sa paglalakad ang binata. "Bakit ka tumigil?" tanong ni Kobe kay Aliyah. "Ikaw? B-Bakit ka tumigil?" nauutal na tanong ni Aliyah. "Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Aliyah." Naglakad papalapit si Kobe kay Aliyah. "Kasi ano…" "Ano?" Tumingala si Aliyah at yumuko naman si Kobe upang tingnan ang dalaga. Nakaramdamn ng hiya si Aliyah nang napagtanto niyang ang liit niya kapag nasa tabi niya si Kobe. Sa tangkad ni Kobe ay nagmumukha na siyang duwende habang si Kobe naman ay nagmumukhang kapre kapag katabi niya si Aliyah. Bumuntong hinga si Aliyah at saka niya sinagot si Kobe. "Kasi Kobe, masakit ang pagkakahawak mo sa kamay ko. Tingnan mo, namumula na." Pinakita ni Aliyah ang kaniyang namumulang kamay at natawa ng mahina ang binata. "Sus, maliit lang iyan. Malayo pa iyan sa bituka mo," sagot ni Kobe sa dalaga. "Easy for you to say. Your skin is practically made up of hard materials that's why you're numb as heck," sarkastikong sabi ni Aliyah at nagsimula na siyang maglakad. "Edi wow." Tumawa ng mahina si Kobe habang sinusundan si Aliyah. "Mga friendships! Hello!" Sabay na tinakpan nina Aliyah at Kobe ang kanilang mga tenga nang nakarinig sila ng isang matinis na sigaw mula sa kabilang dako ng pasilyo. Sabay silang lumingon at nakita nila sina Warren at Macy na tumatakbo patungo sa kanilang dalawa. "Anong oras na?" tanong ni Aliyah kay Kobe. "4:30 na ng hapon, bakit?" "Kaya pala parang mga kabayong nakawala sa rantso ang dalawang ito," walang ganang sabi ni Aliyah habang nakatingin kina Warren at Macy. "So? Kamusta ang inyong tutoring session?" bati ni Macy habang nakangiti sa kaniyang mga kaibigan. "Great." Ngumiti si Kobe. "Tiring." Ngumiwi si Aliyah. "Oh." Umasim ang mukha ni Warren dahil sa sagot ng dalawa. "Anyways, since tapos na kayo. Tara?" nakangiting tanong ni Macy. "Saan?" tanong ni Kobe. Nawala ang malaking ngiti ni Macy at napalitan ito ng isang blankong mukha. "Anong araw ba ngayon?" tanong ni Macy. "Friday," walang emosyon na sagot ni Aliyah. "Oh tapos? Ano ang meron tuwing tanginang Biyernes? Hindi naman Friday the thirteenth ngayon," naguguluhan na tanong ni Warren. "Sige. Dahil nakalimutan niyo, ako nalang ang kakain ng mag-isa. Bahala kayo riyan. Wala kayong libre mula sa'kin dahil nakalimutan niyo na Biyernes ngayon!" bulyaw ni Macy sa kanila at umalis na. "Hoy! Hala, walang hiya! Macy, hintayin mo ko!" sigaw ni Warren at hinabol niya ang dalaga na ngayon ay malayong-malayo na sa kaniya. "Putspa, ngayon ko lang naalala–hoy, baboy! Hintayin mo kami!" sigaw naman ni Kobe at tumakbo na. Kahit nasa malayo ay narinig parin ni Macy ang sigaw ni Kobe. "Hoy Kobe! Wala kang kwek-kwek galing sa'kin! Hindi ako baboy, putek ka!" "Macy, wait for me!" habol ni Aliyah at tinawanan lang siya ni Warren nang nakita niya kung paano nahirapan na tumakbo ang dalaga. "Hoy, mag-kaibigan tayo! Ilibre mo na kami! The best ka kaya!" "Ilibre mo na kami, Macy!" "Tumahimik kayo! Hindi niyo ako madadaan sa mga ganiyan!" "Ano ba ang ingay niyo!" "Sorry po, Kuya Guard!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD