ALIYAH'S POV Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas ako ng ospital at nandito ako ngayon sa bahay, tumatambay. Mag-isa lang ako ngayon dito dahil nasa trabaho pa sina Mom at Dad. Gusto ko sanang tawagan si Macy kaso hindi ko na lang tinuloy kasi baka may klase pa sila ngayon. Sinabi sa akin nina Mom at Dad ang tungkol sa kondisyon ko at ngayon ay unti-unit ng bumabalik ang aking mga ala-ala. Kahit malabo ay mabuti na ito kesa sa wala talaga akong maaalala. Ngunit nagtataka talaga ako dahil sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa ospital noong nakaraang linggo ay may kung anong pagbabago ang nangyayari sa katawan ko. Sa tuwing naalala ko kung paano ako kinausap ni Kobe ay bigla na lang bumibilis ang t***k ng puso ko. "Hay, sinasabi ko na nga ba. Mababaliw lang ako rito sa bahay

