ALIYAH'S POV Nagising ako dahil sa mga ingay na nagmumula sa gilid ng aking kama. Bumuntong hinga ako at dahan-dahan akong tumingin sa aking gilid at nakita ko ang mga kaibigan ko na nag-uusap ng masinsinan sa isang sulok ng kwarto. Kanina pa ba sila rito? Nakita ko na kumpleto silang lahat. Pati ang matangkad na lalaki na sinabi ni Macy sa'kin noong isang araw ay nandito rin. Sabi ni Macy ay kaibigan ko rin daw siya ngunit bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko siya kilala? And the weird thing is that I have these feelings inside of me na nagsasabi sa'kin na kilalang-kilala ko siya. Pinagmasdan ko ang lalaki na masaya nakikipag-usap kina Macy at Paul. Warren and Daniel even laughed with him too. What was his name again? Bakit ang pamilyar niya sa'kin kahit wala akong maalala tungkol

