Chapter 49: Concern

1331 Words

Jacquiline Villanueva “Salamat sa paghatid sa akin Mico.” Wika ko atsaka siya nginitian. Siya ang nagbantay sa akin sa hospital buong gabi at hinatid niya pa ako rito sa labas ng building kung nasaan ang condo ko.  “Wala ‘yon.” Sagot niya sabay tinapik ang balikat ko. “Sigurado ka bang dito nalang kita ihahatid? kaya mo na ba?” tanong niya. “Oo naman. ‘Wag kana mag-alala kaya ko na ang sarili ko. Salamat ulit ah.” Sambit ko. “Sige. Ingat ka. Ingatan mo si baby.” Labis ang pasasalamat ko kay Mico at sa kaniyang lolo na si Don Raphael. Bago kasi ako umalis sa hospital ay dinalaw ako ng lolo niya. Kinwentuhan nila ako ng kung ano-ano at maayos na ipinakilala ang mga sarili nila. Sobrang bait nila, sila na nga din ang nag bayad ng hospital bills ko. Pinipilit kong sabihin na utang nalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD