Tiffany Alonzo Suarez Ilang buwan na ang nakalipas. Marami nang nangyari. Ngayon, magkasama na kaming naninirahan sa iisang bubong ni Blake. Ito kasi ang isa sa napagkasunduan ng parents namin bago ang kasal. Ako ang lumipat sa condo niya dahil ‘yon ang gusto ni Mom. Noong una ayoko sanang pumayag dahil alam kong ayaw ni Blake pero wala akong magawa dahil pag sinabi ni Mom. Sinabi niya. Hindi umiimik si Blake noong pag-usapan namin ang pagtira ko rito. Wala siyang sinabing kahit ano, pero base sa kinilos niya ay wala siyang pakielam at hinayaan niya si Mom sa gusto niyang mangyari. Hindi ko siya maintindihan. I can’t read him. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Hindi ko alam kung ano ang balak niya o kung may pinaplano ba siya. Ilang araw ko na ring hindi siya nakakausap n

