Jacquiline Villanueva Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis. Nakasu9ot ako ngayon ng isang color peach na dress at pares ng doll shoes. Inipitan ko rin ang mahaba kong buhok para sa ikakaayos nito. Actually nakasuot talaga ako ng pantalon kanina pero pinagpalit ako ni Spade ng dress. Tinanong ko siya kung bakit kailangan ko pang mag-suot ng gano’n and he just keeps on answering me, “BASTA.” Weird niya ‘di ba? “Spade,” tawag ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch habang nanonood ng tv. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. Nakasuot siya ngayon ng puting polo at itim na pantalon. He looks so formal on his shirt. Nabaling ang atensiyon ko kay Spade nang mapansin kong tulala siyang nakatitig sa akin. “Spade?” tawag ko ngunit nanatili pa

