Jacquiline Villanueva Nagtungo ako sa living room upang ipaalam kay Blake na bibili ako ng makakain sa labas. “Love, bibili ako ng snacks sa labas. May gusto ka bang ipabili?” Huminto ako sa paglalakad habang binibilang ang pera sa coin purse ko. Bigla kasi akong nagcrave sa ice cream. ‘Yung matcha flavor kaya gusto kong lumabas para bumili. Tinignan niya lang ako atsaka ningitian. “Anything love. Can I go with you?” He asked. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. “Diyan lang naman ako sa convenient store sa baba. Just stay here. Hindi naman ako luluwas ng ibang planeta, kaya dito ka nalang okay?” Pagbibiro ko. “Stop throwing jokes, love. It’s not funny.” Saad niya sabay dila sa’kin. Aba? Nang-aasar pa talaga siya ah. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko na siya

