Jacquiline Villanueva Nagmamadaling inistart ni Spade ang sasakyan at pinaharurot ito papunta sa sinasabi niyang hospital. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lubos na pag-aalala at takot dahil sa natanggap niyang tawag sa telepono kanina. Hindi rin naman ako makaimik dahil hindi ko alam ang mga nangyayari. Hindi na ako nagtanong pa dahil ayokong dumagdag sa pag-aalala ni Spade. Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating kami agad sa hospital na sinasabi niya.Dali-daling bumaba si Spade sa sasakyan at agad ko siyang sinundan. Matulin kaming naglakad sa pasilyo papuntang information section upang mag tanong. “Saang room naka admit si Ms. Tiffany A. Suarez?” tanong niya sa nurse na nakadistino sa information. So si Tiffany ang naospital? Pero bakit? May masamang nangyari ba sa kanya?

