ABALA si Relle sa trabaho sa opisina niya sa kaniyang restaurant nang maramdaman niyang naduduwal siya kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo na nasa loob rin ng opisina niya. Dalawang minuto rin siyang nagsuka ng nagsuka pero laway lang naman ang inillabas niya. Nagmumog si Relle at tumingin sa salamin. "Anong nangyayari sa akin?" Nagtataka niyang tanong sa sarili. Hindi naman siya ganito dati. Hindi niya alam kung may nakain ba siya na kumontra sa tiyan o wala. Napabuntong-hininga siya at lumabas ng banyo. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at nasapo ang kaniyang ulo. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya. Nahihilo siya na inaantok. She yawned and get up from her seat. Mas maganda kung uuwi na lang siya. Wala si Felix dahil nasa Maynila ito. Pinuntaha

