Chapter 1 The Prophecy
Sa gitna ng kabukidan ay may isang maliit na kubo kung na kasya na ang isang pamilya na may tatlong myembro.
May isang batang babae na naglalakad patungo sa kubo na nasa gitna ng bukiran.
Mayroon syang malasinulid na itim na buhok na nalalaglag sa kanyang likuran at ang malabituwin nyang kulay kayumangging mga mata. Ito si Talya Bloodborn.
Sa kanyang likuran naman ay may isang babaeng nakasuot ng isang hat na gawa sa isang kawayan na pumipigal sa araw na humaplos sa malagtas nitong balat. Para itong pinatandang si talya.
Naksuot din sya ng isang pulang long sleeve na damit at itim na pantalon na puno ng putik sa bandang paanan na malapit na sa tuhod. Sya ay si Emilya Bloodborn ang ina ni talya Bloodborn.
Hindi rin nagtagal ang paglalakad ng mag ina makalipas ang ilang minuti ay nakarating na din sa kanilang bakuran.
"Talya anak kunin mo na yung pagkain nadadalhin natin sa tatay mo" sabi ni Emilya. Pumunta sya sa isang puno na pinag tatalian ng isang kalabaw na dadalin ni sa palayan upang mag araro.
Habang kinakalas naman ni emilya yung lubid na nakatali sa puna na nakakabit naman sa leeg ng kalabaw.
"Ahhhhhh Nay!! Nay!!"
Hindi nya pa natatapos kalasin ang lubid narinig nya na sumisigaw si talya mula sa kubo. Lumuhod si emilya at maykinuha na isang kakaibang bagay na may hugis na patalim.
Agad tumakbo si emilya papunta sa kubo. Pumasok ito at bumungad sa kanya ang isang napaka laking lobo na may laking 5 metro. Mayroong itong kulay light brown na balahibo na nahahaluan ng puti sa ibang parte ng katawan. Kulay dilaw na na parang araw naman ang mga mata nito namay itim sa loob naparang may nagaganap na solar eclipse.
Tumingin ang lobo sa mga mata ni emilya na tila may sinasabi ito.
Tumingin naman si emilya sa gilid ng lubo at nakita nya si talya na nakaupo sa sahig na imbes na manginig sa takot ay tila nagniningning pa ang mga mata nito habang nakatingin sa lobo.
Mukang hindi naman na gulit si emilya nung makita nya ang lobo at agad na pumunta kay talya ng mahinahon na parang walang limang metrong halimaw sa loob ng kubo nila.
Itinayo ni Emilya si talya at pinagpagan nya ang damit nito. Lumuhod sya at hinawakan sa dalawang balikat si talya.
"Talya anak pwedo mo bakong tulangan" sabi ni emilya. Ngumiti ito sa kanyang anak.
"Opo nay!" sagot ni talya sa tanong ng nanay nya.
"Pwede mo ba akong tulunga, ikaw nalang ang maghanda sa kalabaw at ako na ang maghahanda ng pagkain ng tatay mo" sabi ni emilya sabay lingon sa lobo.
Kamangha mangha dahil sa tagal nilang naguusap ay pinagmamasdan lang ng lobo ang mag ina at tila walang balak umataki.
Nung naramdaman ng lobo ang titig ni emilya ay iniwas nya ang mga mata nito at nagpapangap na tumitingin sa bintana.
"Uhmm nay pwede ba natin alagan yung malaking asong yun, muka kasing nagugutom na sya tignan mo nay tumutulo yung laway nya." sabi ni talya habanh itinuturo ang mga patak at papatak palang na laway sa sahig galing sa bunganga ng lobo.
"Sige na anak mamaya nalang tayo mag usa." tumayo si emilya at pinagmasdan ang kanyang anak na naglalakad palabas ng bahay. Pero kahit palabas na ito ay hindi parin mawala ang mga mata nito sa lobo.
Nung nakalabas na si talya sa kubo tumingin si emilya sa lobo.
"Anduon ang kwarto" sabi ni emilya habang itinuturo ang isang kwarto namay kurtina na nagsisilbing pinto sa kwarto.
Tumango naman ang lobo na tila ay naiintinsihan nya ito.
Pumasok ang lobo sa kwarto at wala pang ilang saglit ang may lumabas na isang lalaki sa kwarto namay nakataling kumot sa pang ibaba nitong katawan.
May buhok ito na kulay dark shade brown na nakatayo may mga mata naman ito na kulay itim na tila isang napaka liwanag na buwan. Mayroon din itong katawan na matatawag na sexy or hot.
Sa kabila ng kagandahan ng katawan ng lalaking ito, hindi manlang nakadampi ng titig kay emilya at hinawakan nya ang likod ng batok nito.
Hinatak ni emilya ang lalaki sa isa pang pinto palabas ng kubo. Binato nya ang lalaki sa isang damuhan.
"aray!! Aray!! Grabe ka naman emilya ganto kaba tumanggap ng bisita"
"Anong ginahawa mo dito? Nagpakita ka patalaga sa anak ko ng ganyan ang anyo mo"
.
.
.
(Emilya Pov)
Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Pumunta dito si rigur dahil may ibabalita daw syang mahalaga kaya pinatuloy ko muna sya sa bahay at tinawag ko yung asawa ko.
Ngayon kasama ko yung asawa ko sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa kama namin sa loob ng kwarto at nasa harapan naman namin si rigur.
"Ano ba talaga yung balita mo rigor?" tinanung ko sya imposibleng simpleng pag bisita lang to. Alam nila na lumalayo na kami sa nakaraan at kung andito lang sila para kaawaan kami mabuti pang kalimutan na nila ang lahat.
"Oo nga rigur… alam mong lumalayo na kami sa mundung yun. Normal na tao nalang kami ngayon! Ano pang gusto ng konseho?" sabi ng asawa ko. Mukang galit parin sya sa pangyayaring yun.
Hindi ko naman sya masisi dahil ako den galit na galit sa mga ginawa nila.
"Pinababalik na kayo ng konseho, dahil na nganganib ang buhay nyo." sabi ni rigur ng mahinahon. Lumapit sa kanya ang asawa ko at himawakan sya sa kanyang dalawang balikat.
"Anong pinagsasabi nyo, delikado? Delikado saan? Wala na yung ama ko at pati yung mga alalay nya. Baket kami magiging delikado!!" sabi ng asawa ko.
Nilapitan ko sila at hinatak yung asawa ko para kumalma. Pinaupo ko ulit sa kama.
Humingi ako ng paumanhin sa kinikilos ng asawa ko kay rigur.
"Ano ba talaga ang nangyayari rigur? Bakit kami nanganganib. Ipaliwanag mo ng mabuti at gusto ko lahat at walang kulang." sabi ko at tumango sya sa akin.
"Nagsimula ito noong kaarawan ng isa sa mga konseho…..
(Rigur Pov)
Naglalakad ako sa gilid ng pool at pinapanood ang mga babaeng lobo habang nakasuot ng swimsuit.
"Hayss ang sarap ng buhay!!"kumuha ako ng alak sa lamesa malapit sa kinauupuan ko. Nakita ko yung kaibigan kong si alex, lumapit ako at inakbayan.
Sakto sa pagakbay ko! Biglang bumagsak ang katawan ni alex. Habang nasa sahig bigna nalang nanginig at pumuti ang katawan nya.
"Tulong!!! Tulong!!" maylumapit sakin dalawang lalaki at magsi dagsaan narin ang mga tao.
"Bilisan nyo tingnan nyo ang kalagayan nya." sigaw ng isa sa mga konseho na nasalikod ko.
May isang lalaki na lumapit at inilagay ang palad nya sa dibdin ni alex. Biglang nagliwanag ang yung dibdib ni alex.
"Wala naman pong problema sa kanya."Sabi nung lalaking na isa palang babaylan.
"Wala siyang sakit." may narinig akong boses na pamilyar. Lumingon ako sa likod ko at nagulat.
"PINUNO" lumuhod ang lahat ng tao sa paligid ko at nag bigay pugay sa pinuno.
"Ano po ang nangyayari sa kanya pinuno?" tanong ko dahil kung may sakit at may mangyari sa kanya baka kainin ako ng konsensya ko.
"Yan ang kapangyarihan ng mga Salvador" sabi ng pinuno. Nagulat ang mga tao sa paligid at pati narin ako.
Dahil kung totoo ang sinasabi nya may bago na namang propesiya ang isisilang.
"Kung ganon pinuno, ngayon gabi ay magbibigay sya ng propesiya?"
"Tama! At hindi maganda ang pakiramdam ko sa propesiyang ito" sabi ng pinuno ng may nag aalalang expression.
Ang pagkakaalam ko sa mga Salvador ay may dalawang klase ng propesiya ang magandang propesiya katulad ng pagsilang ng tagapagligtas o kapag may bagong konsehong i hahalal.
At ang pangalawa ay ang masama katulad ng isang sakuna, pagsilang ng kadililiman at ang pagkaubus ng lahi.
Lahat ng propesiya ay natutupad at hindi napipigilan pero may isang himala na naganap dahil noon ay may propesiya na nagsasaad ang pagkaubos ng lahing lobo.
Pero binali yun ng isang lobo at bampira. Noon may lobong prinsesa na umibig sa isang bampira at ang bampira nayun ang isinasaad ng propesiya na uubos sa lahing lobo.
Pero napatunayan nila na wala nang masalakas pa sa kapangyarihan ng pagmamahal.
Binali nila ang propesiya sa pag sakripisyo ng kanilang kapangyarihan at nanirahan sa isang taggong lugar.
'Ayun lang ang alam ko, ano kaya ang propesiyang ibibigay ni alex. Mabuti kaya ito o magbibigay ng kadiliman sa mundo?' naisip ko. Pinanood ko at inobserbahan ang mga nagyayari kay alex at mga ilang minuto ay lumiwanag ang kanyang mga mata at nagsimula mag salita.
-Bumalik ma ang kadiliman, mula sa kabilugan ng buwan pagtatagpuin ang dalawang itinakda. Nilalamon ng kadiliman ang liwanag ng mundo at unti unti nitong ginagamit ang liwanag upang lumakas.
-Mula sa lahi ng dilim at liwanag ang kanilang supling ang katangi tanging magbabalik ng ningning ng mundo at kapayapaan.
-Mula sa lahi ng dilim sya ang pupuksa sa liwanag ng mundo at sa pangyayaring iyon ang buwan ay kukulayan ng dugo at ang mundo ay hindi na muli pang makakasilaw sa liwanag.
Bawat salitang lumalabas sa bibig ni alex ay parang isang pabigat sa mga tenga ng mga nakakarinig.