“Go ahead.” “Ang sabi niyo isa lang ang kulang sa Breaker’s group, bakit may kasama akong isa pa? At ang sabi niya miyembro rin daw siya-” “Umalis na si Janine.” Aniya na ang tinutukoy ay isang miyembro ng breakers at nakakabigla sapagkat sa lahat ng mga miyembro siya ang umaangat sa lahat. “Po!? Pero bakit? Siya pa naman ang paborito kong-” “Can you please shut up? May mahalaga akong ipapaliwanag sa’yo kaya pwede ba mag-focus ka.” Pagalit niyang saad bago umalis na hindi nagpapaliwanag sa kung ano ba ang gagawin ko basta iniwan lang niya ako sa tapat ng isang pinto. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumulaga ang dalawang babae at isang lalaki na may dala-dalang mga documents, pormal ang suot niya. “Ma-magandang umaga po.” Masagana kong bati sa kanilang lahat. “Esther Reye

