Manghang tinitigan ko ang isang kwarto na may dalawang bed at dalawang cabinet, ibig sabihin pala nito sa isang room dalawa ang gagamit. Mas inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang bukas na restroom, malinis iyon at tiles ang sahig nito habang glass door na makapal ang nagsisilbing pintuan dito, malawak ang restroom kaya naman wala akong masabi kundi, wow!
"Ikaw ba ang makakasama ko dito?"
Hinarap ko ang kararating lang na babae na mukhang makakasama ko sa room na ito. "Hi, ako pala si Esther-"
"Esther Reyes?" Pagtatapos niya sa pangalan ko.
"Pa-paano mo nalaman?"
She smirked at me. "Usap-usapan ka kaya ng mga nominees at balita ko instant ang pagsali mo sa grupong ito para bang walang kahirap-hirap nakatungtong ka dito, wow! Just wow, wait don’t get me wrong sila ang nagsabi niyan.”
Kinuyom ko ang aking kamay sa sobrang inis ko at nag papantig na ang tainga ko sa mga sinasabi niya masyadong sarkastik ang pagkakasabi niya, ah! Para bang sinasabi nilang plinano ko ang makulong sa restroom para lang bigyan ako ng pabor nang management? Seriously! Dapat pala hindi ko tinanggap ang gustong mangyari ni Joshua.
"Teka! Hindi ako humingi ng pabor sa kanila, hindi ko ni-request na makapasok agad! Kung plano ko ang mga iyon hindi ko sana hinayaang saktan ang sarili ko!" Ipinaglalaban ko talaga ang isyung lumalabas mula sa kanila.
She walked right by my side. "Calm down, wala naman akong pakialam kung naghirap ka o hindi, anyways, My name is Annaliza new member of Breakers P-pol Idol, and you?"
Kunot-noo akong sumagot. "Isa lang ang kulang diba? Bakit dalawa tayong kinuha?"
Nagkibit balikat siya at saka inilapat ang kanyang mga gamit sa malaking bed na ang kulay ng bed sheet ay pink. "I don't know, siguro may umalis na miyembro sa Breakers, malay natin, diba?” Ngumiti siya sabay sabi niyang. “ Dito pala ako sa pink na bed sheet, diyan ka sa kulay blue."
“O-okay no problem,” sabi ko tapos ay inayos na ang mga dala kong gamit pero hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya, pakiramdam ko tuloy usap-usapan ako na easy-easy lang ang pagsali ko sa grupong ito.
Oras na para kumain at pagkakaalam ko may tinatawag silang canteen at kung hindi ninyo naitatanong hindi ito basta canteen lang, ngayon nasa harapan ko na ang malaking canteen sobrang ganda at malawak mala-restaurant! Tapos hindi basta-basta ang mga pagkain natatakam na tuloy ako.
“Tingnan mo nga naman, Jelly, noh? Sana ikinulong ko na rin ang sarili ko para hindi ako nagpapakahirap kanina na sumayaw at kumanta sa harap ng mentor.”
Patay malisya akong dumaan sa isang grupo na alam kong tinitira na ako dahil wala naman silang ibang isyu kundi ang instant kong pagpasok sa miyembro ng Breakers group, ewan ko ba mga insecure yata pero hindi ko sila papatulan kasi mas maganda pa rin ako kahit tingnan man mula ulo hanggang paa, mga bruha sila! Sorry hindi ako marunong manghusga.
“Ganyan siguro talaga ang buhay artihan mo lang ang management pasok kana agad, sana pala ganoon ang ginawa natin.” Sumabat naman ang kausap nitong unang babae na nagparinig.
Pakiramdam ko hindi ako magtatagal dito kaya kailangan kong umalis bago ko pa sila patulan. Maglalakad na sana ako ng harangan ako nang grupong kanina pa ako pinaparinggan.
“Hey, pwede mo ba kami turuan paano sumipsip?”
“Wala akong panahon sa inyo,” walang emosyon kong saad.
Sabay-sabay silang tumawa nang sarkastik. “Come on, Esther Reyes, wala kang maitatago kasi mismong si Jessica na ang nagsabi, inutusan mo daw siya para gawin ‘yon at nangyari na nga, sinunod ka niya kaya once na sumikat ka ano ang kasunod? Si Jessica naman?”
They just keep staring and smiling at me, wala na tuloy akong gana kumain dahil sa mga bullshit na ‘to. “Wala akong pakialam kung anong iniisip ninyo, pwede na ba akong dumaan?”
“Hindi, kailangan mong aminin ang lahat sa amin.” Pamimilit nitong naka-crop top na babae, madumi naman ang pusod, tsk!
“Wala akong panahon sa mga isyu ninyo, pwede ba padaanin ninyo ako.”
“Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?”
“Childish, wala akong pakialam sa inyong lahat. Pag-inggit, pikit.”
“Anong sabi mo!” Tumaas na ang boses nitong kaharap kong babae.
“Lyra, baka madis-qualify tayo pag nalaman na may kaaway tayo..” Bulong ang kasama nito na todo pigil kay ate girl na nanggigil sa akin. Nagpaparinig pikon naman pala halatang insecure lang.
“Gago kasi ‘to-”
“What the hell is happening here!?” Mula kay mentor Joshua ang boses na iyon.
“Me-mentor Joshua..” Bulong ng mga babaeng laglag na ang panga.
Buti naman at dumating na ang prince charming ko, oras na para magsumbong na inaaway ako ng mga bruhang ‘to piling maganda, bwisit!
“Mentor, Joshua, tamang-tama nandito ka. Gusto sana namin itanong kung bakit mo nirecommend ang babaeng ‘yan bilang miyembro ng Breakers group? Wala naman siya ‘nung nag perform kami sa stage.” Masama ang loob na tanong nito kay Joshua, nakasimangot pa siya akala niya ba bagay sa kanya?
“Stop arguing, nag-usap kaming magpeperfom siya sa stage mag-isa pero she needs time to practice. Is it okay?”
Tumigil ang lahat at saka sumiring sa hangin ang babaeng nagngangalang Lyra at kung hindi ako nagkakamali ay siniringan rin niya si Mentor Joshua.
“Lyra, right?” Dagdag ni Joshua nang akmang aalis ang grupo nitong si Lyra.
“Yes, why?”
Masyadong seryoso ang aura niya kulang na lang patayin niya sa tingin ang mga ito, “I'm sorry but I need to say to you that you’re not good enough and I don’t like your attitude, you're not an idol.” He means what he says.
Kitang-kita ko kung paano magalit ang babaeng kanina lang ay maingay, ngayon naman na tahimik siya dahil sa sinabi ni Mentor Joshua.
“Let’s go, girls!” Pagalit na umalis si Lyra at iniwan akong nakatayo lang.
“Sa-salamat, po.”
He looked at me, the way he stares at me, parang may ibig sabihin iyon pero hindi na ako mag-assume sadyang itinigil lang niya ang pagdadaldal nitong si Lyra na mukhang malaki ang galit sa akin.
“Esther?”
“Ye-yes po?”
Speechless
Bakit ba kasi ang gwapo niya! Tapos halos kausapin ako ng mga mata niya tapos para akong niyayaya ng mga labi niya, luh! Ano ba nangyari sa akin? Paghanga lang naman ‘to pero mukhang minanyak ko na siya, ah! Ikalma mo self bata ka pa ‘wag masyadong open minded.
“Hey, woman, are you deaf?”
Bumalik lang sa ulirat ang pag-iisip ko nang magsalita siya. “Ah-ah, ano po ‘yun? Hindi ko narinig-”
“Let’s talk, may ipapaliwanag ako sa’yo.” He commanded.
Nahihiyang yumuko ako. “O-okay po, mentor Joshua.”
Ano naman kaya ang sasabihin niya? Kami lang ba dalawa ang mag uusap? Sa isipan na iyon kinikilig na ako! Paano pa kaya kung totoo, baka magpakamatay na ako! Wahhh!
Pumasok na kami at walang tumatakbo sa utak ko kundi imagination, ni hindi ko nga napansing may isa pa palang tao na pormal ang suot.
“Watson pwede bang ikaw ang magpaliwanag sa kanya ng mga rules and regulations para sa Breakers group.” Seryosong utos nitong si Joshua.
“Magkaiba pala ang rules and regulations na ipinaliwanag sa amin sa meeting room? Sa breakers group?” Hindi makapaniwala na sabi ko.
“Yes, yes, korek ka diyan!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na magsalita si Watson, sandali nga lang isa ba siyang bakla? Pero bakit tindig lalaki siya kanina? Nakakaloka naman ‘to akala ko pa naman lalaki siya dahil tinawag siyang Watson, nabudol ako ‘dun, ah.
“Ba-bakla ka?” Pipikit-pikit ang mata ko kasabay ‘nun ang matipid kong ngiti.
Tumaas ang kaliwang kilay niya bago namewang at lumakad patungo sa aking pwesto. “Hindi ba halata kanina? Kinabahan ako, buti na lang magaling ako.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Mas lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko. “Hindi nila alam na bakla ako at walang kahit na isang nakakaalam..”
“E, bakit mo sinabi sa akin?”
Hinampas niya ako sa balikat na parang piling close. “Ewan ko ba, feeling ko ay hindi mo ako ilalaglag, mukha ka kasing mabait hindi tulad ng mga alaga ko dito ilang years na akong nagtitiis sa mga ugali nila.”
Tumango-tango ako na akala mo’y alam ko ang sinasabi niya. “E, ano ba ang trabaho mo dito?”
“Makeup artist at ako rin ang katuwang ni mentor Joshua sa mga miyembro ng breakers group.”
“Ow, sige hindi ko ipakakalat na bakla ka.” Sabi ko kasabay nang pagtaas ng kamay ko bilang panunumpa na hindi ko sasabihin ang sekreto niya.
“Promise?” Naninigurado niyang tanong.
“Promise!”
“Good, maayos ka pa lang kausap, ate girl.”
“Teka, bakit ka nga pala nagpapanggap na lalaki? Bawal ba ang bakla dito? O sadyang trip mo lang?” Hindi ko mapigilan ang sarili kong ma-patanong.
Lumapit siyang muli sa tainga ako at saka bumulong. “Kasi nga may-”
“What are you doing, Watson?”
Pareho kaming natigilan nitong si bakla sabay distansya ko sa kanya, baka kasi kung anong isipin niya, e.
“Me-mentor Joshua!” Parang nagulat pa siya kaya natawa ako sa reaksyon niya na agad ko rin naman pinawi dahil masama ang tingin ni mentor Joshua sa akin.
“Why are you laughing?” Naiirita na tanong ni mentor Joshua sa akin.
Lumunok ako bago tumayo ng diretso. “Wa-wala po! May naalala lang ako..”
Salubong ang kilay niya at nakakatakot ang papalit-palit niyang tingin sa amin ni Watson, wala naman kaming ginawang masama pero mukhang naghihinala siya kasi ang ekspresyon ng mukha niya ay kakaiba. Ewan basta ang sarap niya lang titigan habang nakatingin siya sa amin, nagkaroon pa tuloy ako ng paraan upang pantasyahin siya, huhu.
“Woman? Are you still listening?”
“Po?” Nagising lang ako mula sa pagpapantasya sa kanya nang iharap niya ang kanyang kamay sa mukha ko sabay pitik ng dalawang niyang daliri dahilan kaya bumalik ako sa pagiging normal na tao, kanina kasi abnormal ako.
“Ang sabi ko sumunod ka sa akin.” Aniya sabay lakad paalis kaya sumenyas ako kay bakla na sisibat na ako.
Habang naglalakad naisip kong magtanong sa kanya. “Mentor Joshua, pwede magtanong?”