Mas lumapit siya sa akin at dahil nga nakaupo ako tumingala ako habang siya ay nakayuko dahil nakatayo siya sa tapat ko, “Kung ano ang iniisip mo, tandaan mo kung ano ang sinabi ko ginagawa ko.”
Kumakain habang naghihintay ako ng imbestigasyon tungkol sa nag lock ng pinto sa restroom. Tiningnan ko ang kabuuan ng clinic at napaka tahimik dahil ako lang ang tao tapos ang fresh tingnan ng paligid kasi puro halaman ang nasa bintana. Gustong gusto ko na talagang lumabas at alamin ang nangyayari magagawa ko namn patawarin ko ang may gawa nun sa akin basta umamin lang siya at sabihin ang motibo niya.
“Ow, gosh! Friend, are you okay?” Napanguso ako nang makita ko si Agatha at kitang-kita ang pag aalala sa boses niya.
“Teka, paano mo nalaman? ‘Wag mo sabihin sa akin na alam din ni Mama-”
“Don’t worry, walang nakakaalam kundi ako lang. May kapit kaya ako dito sa loob kaya malalaman ko ang nangyayari sa’yo dito!”
Uminom ako ng tubig sabay ligpit ng mga pinagkainan ko at tinulungan naman ako ni Agatha, “Gusto kong malaman kung sino ang may gawa nito sa akin, kung bakit niya nagawa na sirain ang pangarap ko. Paano na lang ang binitawan kong salita kay Mama?”
“Shh.. Malalaman din nila kung sino ang may pakana niyan, isipin mo kung ano ang susunod mong gagawin. Once na sinabi nila kung ano ang gusto mo bilang bayad sa danyos na nangyari sa’yo,” niligpit muna niya lahat bago nilapag ang mga kalat sa side table bago tinuloy ang sasabihin, “Ang isasagot mo, gusto kong maging bahagi nang Breakers Group.”
“Huh!? Ayoko nga!” Mariin kong pagtanggi.
“Ayaw mo nang instant?”
“Ayokong manloko, ayokong pagsamantalahan ang Entertainment.”
Isang malakas na batok ang natamo ko mula sa kamay na bakal ni Agatha kaya masamang tingin ko siyang binalingan, “Ano na naman ba problema mo?”
“Ikaw, ikaw ang problema ko. Ayaw mo pakinggan ang advice ko-”
“Advice mo? Ayoko talaga pakinggan minsan ang mga advie mo kasi iba ang utak mo, hindi ko makuha ang logic kaya mas okay na ako sa utak ko ngayon.”
She rolled her eyes, “Okay fine, Santa ka masyado, noh?”
Humiga ako at saka naka talukbong, hinayaan ko siyang ligpitin ang mga kalat tutal ganyan ang pinapakita niya sa akin, sino ba ang nasaktan ako, di ba? Tsk, ewan ko ba sa kanya.
“Aalis na ako,” pagpapaalam niya subalit hindi ko siya pinansin. May tumunog at alam kong lumabas na siya kaya tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko, pero mali ako dahil nakaupo siya sa couch at malayo ang tingin.
“Ehem,” pilit kong kinukuha ang atensyon niya at mukhang effective naman dahil tumingin siya sa akin pero agad din umiwas na parang masama ang loob. “Sorry, hindi ko sinasadyang sabihin ang mga salitang ‘yon.”
“Okay lang, I know your personality, ayaw mo gumawa ng mga bagay na masama ang kalalabasan kasi nga mabilis pa ang karma sa pag asenso mo,” sabay kami sa pagbigkas ng salita sa dulo. Alam na alam niya talaga ang prensipyo ko sa buhay.
“Yehey! Bati na tayo?”
“Okay fine, basta next time puro kabutihan na lang ang advice ko sa’yo.”
“That’s good, Agatha. Love talaga kita!” Nakangiwii siya ng sabihin ko ‘yon.
At habang nag uusap kaming dalawa ni Agatha sabay kaming napalingon mula sa pinto dahil bumukas ‘yon, bumungad si Joshua Smith kaya napatingin sa akin si Agatha at hindi ko maiwasang kiligin kasi alam kong inaasikaso niya ang mga nangyari sa akin.
“Can we talk, Miss?”
“Esther Reyes,” pagtuloy ko dahil mukhang nakalimutan niya ang name ko.
Tumingin ako kay agatha at tiningnan din niya ako nang mariin sabay kindat na ikinakilig ko dahil isiping mag uusap kaming dalawa ni Joshua Smith! A dream came true for me and alam na alam ni Agatha kung paano ako maging fangirl.
“Fighting..” bulong niya sa akin kaya pinalitan ko ‘yon nang pagngiti sabay labas dahil baka mainip ang babe’s ko. Paglabas ko umupo siya sa waiting area at naupo naman ako sa katabing upuan niya.
“May problema-”
“Jessica Llaneta, she confessed to us and she admits na siya ang gumawa sa’yo para hindi ka makalabas at makapag perform,” he said directly.
“But why?”
“Maybe, nakita niyang magaling ka.”
Gusto kong matawa ngayon sa harapan niya, sinong mag aakala na may isang tao pa palang natatakot sa talent ko? Putcha! Pilit na talent lang meron ako tapos kinatatakutan pa? Pero ang kailangan kong malaman ay kung pwede ba ako ulit mag perform upang ipakita ang talent ko hindi naman pwedeng tanggalin agad ako kasi sayang ang pagpunta ko dito sa Entertainment.
“Tatanggalin na ba ako?” I asked him.
He looked at my eyes, “Magaling ka, di ba? Tulad nang sabi ni Jessica, malaking potential daw ang meron ka kaya niya nagawang ilock ka sa loob.”
“Hindi ko alam, basta’t kailangan kong mag perform bago niyo pag desisyunan kung tatanggalin ba ako para hindi masayang ang punta ko,” sabi ko na para bang masama pa ang loob.
“Gusto mo ba talagang maging Idols?” He asked confusedly.
“Syempre! Pero kung hindi ako papalarin ngayong gabi ayos lang naman-”
Nanlaki agad ang aking mga mata nang bumulaga sa akin ang isang poster kung saan siya mag Mementor walang iba kundi sa Breaker’s Group, at hindi ko talaga mapigilan mapatili, sumigaw at nagtatalon sa tuwa. Tila niyaya niya ako sumali sa grupong ‘yon.
“Iniimbitahan mo ba akong sumali sa Breakers Group?”
“But you need to prove your talent to us,” he said seriously.
“Hays, mataas ang standard mo alam ko ‘yan, gagawin ko lang ang part ko then wala na akong aasahan pa,” sabi ko bago tumayo, nagtaka naman ako nang bigla siyang ngumisi.
“Miss, walang may gustong hindi sapat ang talent mo dito. Kaya ayusin mo kung gusto mong mapabahagi.”
I feel his presence, sa palagay ko wala akong pag asa at kung nagkataon wala na akong pangarap at hindi ko na makakasama lahat nang pamilya ko. Paalis na sana ko nang bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan. Napatingin ako nang diresto sa kanyang mga mata at hindi maikakaila na nakatingin din siya sa mga mata ko at hindi basta tingin dahil mariin na tingin ‘yon.
“Ma-may problema ba?” Pautal-utal akong mag responds.
“Please, join our group. We need your hard work and I think, may potential ka so more practice to make it perfect.”
Napalunok ako bago tumango bilang sagot, kinikilig ako sa mga galawan niya at sa simpleng gesture na paghawak sa kamay ko o braso ko kanina kinikilig na ako paano pa kaya pag kasama ko na siya every seconds, every hours and every day!
“Welcome to Breakers Group, magandang binibini,” napatingin ako bigla sa isang Mentor na kanina lang ay Mentor ko, walang iba kundi si Mentor Kevin Lee. Kung kanina bago ko siya mameet medyo mayabang ang dating niya pero ang totoo mabait din pala siya.
“Mentor Kevin, ikaw po pala!” Pagbati ko sa kanya.
Lumapit siya sa amin ng ilang hakbang, “How’s your feeling?” Concern siya kaya naman sumagot ako nang may ngiti. “I’m fine, Mento Kevin, thank you nga po pala sa fruits kanina saktong dumating noong matapos akong kumain,” I said.
“I’m happy to hear that from you, If you need something, nandito ako bilang ex- Mentor mo.”
“Pwede naman po na Mentor ko pa rin kayo,” pabiro kong saad sabay tawa nang medyo may tunog kaya bigla akong napatigil at nagkatinginan kami ni Joshua Smith, Awkward moment. Feeling close ako.
“Namumula ka?” Napansin ni Mentor Kevin ang namumula kong tenga. Sino ba kasing hind mahihiya sa tawa ko kanina? Nakaka turn off ‘yon.
“Ehem!” Sabay kaming napatingin kay Joshua Smith na mukhang kanina pa ata nakikinig sa amin, nakalimutan ko siya bigla.
“Oops, sorry Mentor Joshua. I have to go na.” Nag paalam na si Mentor Kevin at iniwan akong muli kasama si Joshua.
Pahakbang pa lang siya nang magsalita ako upang pigilan siya dahil gusto kong mas makumpirma ang pagsali ko sa group, ayokong isipin ng mga kasabayan ko hiningan ko nang pabor ang Entertainment bilang danyos.
“Sure po ba kayo na sumali ako agad? I mean, ayokong isipin ng mga batch mate ko dito binigyan niyo lang ako nang pabor upang hindi na lumabas sa public ang isyu at hindi na ako magsampa ng kaso.”
“Take it or-”
Walang imik kong kinuha ang poster sa kamay niya pati na ang files na sinasabi niyang kailangan kong basahin para sa contract or agreement. At nang tuluyan ko nang mahawakan dali-dali na akong tumakbo at pumasok sa kwarto ko. And I forgot nga pala, tinanggal na ang dextrose sa kamay ko kasi kumakain na daw ako at okay naman na ang condition nang katawan ko kaya nagawa ko na tumakbo o mag walk out sa harapan ni Joshua Smith na walang tulong niya.