Xzyra's Point of View
Maaga akong gumising para na rin makapagpraktis ng boxing.
Matapos kong kumain, agad akong dumeretso sa gym. Hindi naman ito nalalayo sa tinitirhan kong bahay. Oo, bahay lang. Para saan pa ang malaking mansion, kung ako lang naman ang nakatira? Hindi ako kumuha ng kasambahay kasi kaya ko namang linisan ang bahay ko. Hindi naman ito sobrang dumi dahil mas matagal ang itinatagal ko sa labas kaysa sa loob. You know kung walang project, buong araw ako sa gym.
Time check: 6:55 A.M
May mga tao na sa gym ng ganitong oras. Hindi rin ako magtatagal dahil may shooting nga kami ngayon at kailangang nasa set na ng 8:00 A.M.
Pumunta ako dito para makapagpapawis at makapagpraktis ng boxing with bonus exercise pa.
Agad akong nagsuot ng sports b*a at nagsit-ups, matapos ang 100 sit-ups ay sinuot ko ang boxing gloves at tumungo sa punching bag.
Sinuntok ko ng sinuntok ang punching hanggang sa magsawa ako. Agad akong nagshadow-boxing practice na rin ng mga pagsuntok.
Ang shadow boxing ay yung sumusuntok ka lang sa hangin. At iisipin mo lang na may kalaban ka.
Tiningnan ko ang wrist watch ko.
Time check: 07:24 A.M
Agad akong pumunta sa girl's shower room at naligo. Syempre hindi naman ako pwede pumunta ng pawisan dun and besides hindi ako naligo bago umalis. Para saan pa! Mapapawisan ka rin naman pagnag-gym ka!
Nang matapos akong maligo agad akong nagbihis ng black T-shirt na may tatak na #Walang Forever, at pantalon. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer, (syempre may dala ako) pagkatapos ay sinuklayan ko ang buhok ko at inilugay na lamang ito.
Pagkatapos ay umalis na ako sa gym at sumakay sa kotse ko at tumungo sa Dela Rama's Mansions. Bago naman ako matulog kagabi binasa ko ang script ko.
***
Xzyra's (Margaux) Point of View
Pagkatapos kong magbihis at magtali ng buhok pa-braid ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko.
From: +639071234569
{Magkita tayo sa parking lot, ah! Sabay tayong mag-breakfast ;)
-Vince}
Paano kaya niya nakuha ang number ko. Agad kong nilagyan ng pangalan niya ang numero niya sa contacts ko.
To: Vince Maprend
{Paano mo nalaman ang number ko?}
{I have my ways ;)}
{Parang BDO lang ganun?! We find ways? Pa'no nga?!}
{Haha. Sige na nga. Hiningi ko kay Dean. Si Dean ay kapatid ng kaibigan ko, si Jarvis. 24 years ang agwat nila, magkaiba kami ng pinasukang University ni Jarvis }
{Ah, ok. Sige ah. Kita kits na lang tayo sa parking lot.}
:)
Ngingiti-ngiti akong bumaba.
Na agad naman napansin nila mama.
"Oh, anak masaya ka ata!" Mom said.
"Oo, naman yes!" Ako.
"Kahapon pa nga yang si Ate, mama eh. Simula nung matapos ang klase, ayan na siya!" Sabi ng kapatid ko si Liam. Kahit kelan talaga!
"Anak, may.....boyfriend ka na ba?!" Tanong ni daddy.
Wtf?!
'How I wish na boyfriend ko nga siya!'
Maghunus-dili ka nga Margaux!
"Ano ka ba, dad?! Wala akong boyfriend, nuh! Di ba pwedeng masaya lang ako?!"
"Ang defensive mo naman, Ate" sabi ni Liam. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nakikisabat pa, eh!
Tumango-tango naman si dad.
"Just inform us kung may boyfriend ka na, ah. Wag kang mahiya" sabi ni dad sa akin. Gulat akong napatingin sa kanya. Maging sina mom and Liam.
Is that you, dad?!
Ang alam ko kasi kay dad, siya yung joker sa amin pero siya rin ang pinakastrikto kaya nagtataka kami.
"Hon, may lagnat ka ba? Sabihin mo lang" sabi ni mommy at inilagay pa ang kamay sa noo ni dad na animo'y tinitingnan kung may lagnat nga ito, haha. Dad make a face.
"Wala akong lagnat! Atsaka nasa tamang edad naman na si Margaux. Okay na sa aking mag-boyfriend na siya. Basta't wala munang mangyayaring kababalaghan" seryosong sabi ni dad.
Aww, na-touch ako.
"Syempre naman po, dad. Study first po ata, 'to!" Pagmamalaki ko.
"Good"
"Ah, nga pala, mom, dad. Di na muna ako dito magb-breakfast. Sabay po kasi kaming mag-breakfast ng kaibigan ko ngayon eh!" Ako.
"Oh, sige. Ang dad mo na lang ang maghahatid sa kapatid mo, sige na!" Sabi ni mom.
"Sige po!" Ako at hinalikan sila sa pisngi.
"Bye po!" Ako at lumabas na sa bahay upang tumungo sa parking lot para kuhain ang kotse ko at magdrive papuntang Diamond Skyle University.
Habang patungong Diamond Skyle University, napapaisip ako. Pa'no kung malaman ng mga magulang namin na magkaibigan kami. Ano kayang gagawin nila?
Siguradong magagalit sila, siguradong paglalayuin kami ni Vince at pagnangyari yun wala naman kaming magagawa pa.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at itinuon ang sarili sa pagmamaneho.
Inaamin kong excited akong pumunta sa University kasi sabay kaming kakain ni crush. Oo crush, kasi crush ko na siya. Hehe.
Ssshhh! Wag kayong maingay,ah.
***
EDITED.