Xzyra's Point of View
Nang makarating ako sa bahay ay nandun na si Chariz.
"Yun! Nakarating ka rin! Nagluto ako ng Pork Adobo na paborito mo rin!" Ani niya.
Iginiya niya ako sa hapagkainan atsaka siya naghain.
Oo paborito ko rin ang adobo!
Nang makahain na siya ay umupo ulit siya sa harapan ko.
"Nga pala, 1:00 p.m ang alis ko bukas" aniya. Sakto, ah! Tapos na kaming mag-taping ng ganung oras! Kaya mahahatid ko siya.
Hindi ko kanina alam kung anong oras ang alis niya bukas. Buti sakto lang.
"Hmm, ihahatid kita bukas" ani ko.
"Ha?!"
"Are you deaf? I said-" pinutol niya ang dapat na sasabihin ko.
"I mean, diba may taping kayo sa 'Love Between Chaos' movie niyo?!"
"Half day lang kami. Baka makauwi ako dito mga 11:00 A.M. Dapat bago mag-1:00 p.m nandun na tayo, wag ka mag-alala bibilisan ko ang pagpapatakbo para hindi ka ma-late" ani ko.
"Uyy, nag-aalala siya!" Nang-aasar na sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Binabawi ko na"
"U-Uyy! Hindi naman 'to mabiro! Binibiro ka lang, eh!"
"Tss"
Tahimik na kaming kumain.
Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta siyang maghugas ng pinggan.
Ako naman ay humiga sa sofa kinuha ang cellphone ko at nagbasa ng w*****d. Ang binabasa ko ngayon ay ang 'FATAL REVENGE' ni Vampress101. A vampire story. I like revenge stories. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil nagagandahan ako na ang dating inosente, mabait, etcetera ay maghihiganti sa mga taong nanakit sa kanya.
Ang story ng fatal revenge ay....
Basahin niyo na lang! Tinatamad akong i-kwento, eh! Read at your own risk!
Nasa Epilogue na ako. So, patapos na. Nasa part na ako kung saan nanganganak na si Zynette/Natasha. Haha, natatawa ako sa part na'to. Kasi habang nanganganak siya sinasabunutan niya yung buhok ng Tito ni Ivo, na si Ark Reagan, hahaha! Na sinamahan niya pa ng Holeh Fak, fak, fak! Haha, tangek! Holeh fak?! Hahahaha!
"Nagbabasa ka ng w*****d?" Tanong niya. Tapos na pala siya.
Obviously?! Nakakabobo talaga mga tanong ni Chariz, laging stating the obvious.
Nga pala, ang w*****d ang karamay ko nung bata pa ako na lagi akong sinasabihan ng masasakit na mga salita ng mga taong nakapaligid sa akin. Kasi pagnagbabasa ako ng w*****d nakakalimutan ko panandalian ang mga sinasabi ng mga tao sa akin. Kumbaga kung sa ibang tao ay alak ang sagot para panandaliang makalimutan ang problema nila, ako...wattpad. Hindi ko pa nasusubukang uminom ng alam dahil gusto kong makalimot. Nakakainom ako pag-trip ko lang. Hindi dahil nasasaktan ako.
"Yeah," saad ko na lang. Tinatamad ako magsalita, eh. Busy ako sa pagbabasa. Lagi akong nagbabasa tuwing break time namin.
"Anong title?" Tanong niya.
"Fatal Revenge" saad ko.
"Tapos ko na yan!" Pagmamayabang niya.
"So? Tinatanong?" Pamimilosopo ko.
"Hindi, hehehe"
"Tch!"
Maya-maya pa ay natapos ko na ang storya kaya iklinose ko na ang w*****d app.
"Sa guest room ka matutulog" ako.
"Pwedeng sa kwarto mo? Hehe"
"Bakit?! Edi sa guest room ako natulog!? Iih! Kwarto ko ikaw gagamit?! Ikaw sa guest room at ako sa kwarto ko!" Ani ko.
"Haist! Ang slow mo naman! Ang ibig kong sabihin ay tabi tayong matulog sa kwarto mo! Mami-miss din kasi kita, besfren ko!" Ani niya.
"Tss! Daming arte! Sige na nga! Wag kang malikot, ah! Kung hindi ihuhulog kita sa kama!" Sigaw ko.
Parang nagningning naman ang mata ni Chariz.
Psh!
"Thank you, besh!!" Sabi niya at umakyat sa second floor kung nasan ang kwarto KO at ang guest room. Sa first floor kasi ay sala at kusina, may isang kwarto sa first floor na ginawa kong basement.
Iiling-iling naman akong tumungo rin sa kwarto ko.
Tatlo ang kwarto dito sa bahay ko at tatlong banyo. Tig-isa sa kwarto ko at guest room at isa sa kusina. Malaki din naman kasi tong bahay ko. May second floor, at third floor para sa music room. Minsan na lang ako nakakatugtog sa music room dahil nga busy ako.
Nakaupo sa kama ko si Chariz.
"Magha-half bath muna ako, diyan ka muna" ani ko bago kinuha ang pajama kong pamalit, bago nagtungo sa c.r ko para maghalf-bath.
Binuksan ko ang gripo ng bathtub at nilagyan ito ng body soap para bumula.
Hinubad ko na ang mga damit ko at ini-hanger ito. Ipinapalaundry ko lang ang mga madudumi kong damit, dahil wala akong time para maglaba. Itinali ko papusod ang buhok ko.
Maya-maya pa ay napuno na ang tubig sa bathtub.
Saka naman ako nagbabad sa bathtub.
Ang sarap sa pakiramdam ang lamig ng tubig. Nakakawala ito ng pang-iinit at panlalagkit ng katawan ko dahil sa pawis.
Maya-maya ay umahon na ako sa bathtub at itinapon ang tubig nito sana nagbanlaw.
Nagpunas ako ng katawan at sinuot ang pajama ko. Tinanggal ko na rin ang pagkakapusod ng buhok ko at nagsuklay.
Saka lumabas ng banyo. Atsaka ko nakita si Chariz na may hawak, hawak na pamilyar na notebook. Teka, diary ko yun, ah!
Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang diary ko.
"Wag mo basahin 'to" ani ko.
"S-Sorry" siya at tumungo.
"Tch! Matulog na tayo, gabi na" ako at humiga sa kama. Ganun na rin siya.
Pagod na pagod na naman ako kaya agad akong nakatulog.
ZzzzzZzzzZzz.....
***
Chariz's Point of View
Hindi nasabi sa akin ni Xzy na may diary pala siya. Yeah, I know, hindi naman dapat lahat alam ko.
Kaya ko yun nakuha dahil may nakita akong isang maliit na parang drawer na nakapasok sa pader. Hindi ko yun napansin dati dahil hindi naman talaga kapansin-pansin dahil kakulay yun ng pader na kulay blue. Kung hindi ko lang nakitang parang may hawakan yun hindi ko yun mapapansin, eh.
Hinatak ko yun dahilan para mabuksan yun at dun ko nakitang mayroong notebook dito at napag-alaman kong diary niya pala yun.
Ang unang pahina lang ang nabasa ko dahil inagaw niya na sakin yun. About her lang naman yung umpisa. Yung parang autograph. Sa tingin ko, highs-school pa siya dun, eh. Kasi yung nakalagay sa school ay JCGHS, na school niya nung highschool pa siya.
Iwinaglit ko na lang ito sa akong isipan at saka pumikit at natulog.
ZzzzzzZzzzzZzz...
***
EDITED.