Xzyra's Point of View
Nang magising ako'y wala na sa tabi ko si Chariz, siguro naghahanda na yun ng almusal namin, kaya ginawa ko na naman ang daily routines ko. Naligo at nagtooth-brush saka nagsuot ng sports b*a at leggings. Hoy, yung mga iniisip niyo, ah! Marami akong sports b*a hindi lang isa, nuh! Linggo-linggo rin ako nagpapa-laundry.
Hindi muna ako magpupunta ng gym ngayon. Kasi Ip-practice ko yung 'Pag-ibig Fortune Cookie', kung bakit yun ang pinapakanta at pinapasayaw sa amin? Aba'y ewan ko! Tanong niyo kay Direk Ferdy.
Nagp-practice muna kaming mga babae bago mag-taping kaya kabisado na namin yung kanta at sayaw. Pero, gusto ko paring i-practice.
Ngayon kasi hindi muna pupunta yung ibang artista dahil wala naman silang part sa script ngayon.
Ewan ko lang ang gorilla kong kaibigan kung dadating yun.
Umakyat na muna ako sa music room na sound proof. Malawak yun. Nasa gilid ang mga instruments, kaya malawak ang sa gitna, pwede kang magsasayaw dun, pwede ka nga ring tumambling dun, eh. Pero hindi pwedeng 5+ ang taong sasayaw dun, magsisiksikan lang. Hanggang 4 lang.
Ikinonect ko ang cellphone ko sa Bluetooth speaker kong malaki, kahit mag-ingay ako dito wala silang maririnig dahil nga sound proof 'to. Pinasadya ko na.
Ipinatugtog ko na ang Pag-ibig Fortune cookie ng MNL48. Paborito nga pala 'to ni Xzyrile, hindi ko alam kung bakit, gustong-gusto niya ang kantang 'to.
Nagsimula na akong sumayaw, hindi pa sila kumakanta dahil instrumental pa lang naman.
Maya-maya pa ay nagsimula na silang kumanta kaya sinabayan ko ito.
"Kahit na alam kong ikaw ang gusto ko
Bakit 'di pansin ang mga kilos ko
Na handa lagi magdurugo lang ang puso ko
Yeah, yeah, yeah" ito yung part ni Avery/Grail. Pero dahil wala naman sila dito kinakanta ko muna ang mga parte nila.
"Sa paligid madami ang makikita mo
Kawaii-ing babae mukha pang modelo
Pano makikita ang simpleng tulad ko
Yeah, yeah, yeah" part naman ni Chaine/Pat.
Ako na ang part na'to.
"Sa canteen ay tumutugtog ang music
Kahit mahina ay pansin ang himig
Napapaindak pati paa'y pumapadyak
Di mapigil puso ang nakakarinig
Di na mapigilan ag nararamdaman
Come on, come on, come on, come on baby
Pakita'ng swerte ko"
Sabay-sabay na kami sa part na'to.
Hanggang sa natapos ang kanta. Hindi naman ako napagod dahil hindi naman kasi mahirap ang mga steps.
Bumaba na ako dala ang cellphone ko at nakita ko si Chariz na papunta na sa kwarto ko.
Nagulat siya ng makita ako.
"Oh, gising ka na pala, hehe"
"Baka kaluluwa ko tong nakikita mo at nakahiga pa yung katawan ko dun sa kama!" Sarkastiko kong saad sa kanya. Tsk!
"Hehehe, sorry na" siya. Tinalikuran ko na lang siya at bumaba na't tumungo sa hapag-kainan.
Ininit niya lang pala ang konting natirang adobo kagabi at nagluto na lang siya ng dalawang itlog.
Umupo na ako sa upuan alangan namang dumapa?!
Umupo na rin siya sa harapan kong upuan, tsaka kami nagsimulang kumain ng....
Tahimik.
*TING*
Ang pagtunog ng cellphone ko ang sumira sa katahimikan. Tiningnan ko ito. Isa itong unknown number.
From: +6390562479714
[Hi, Xzy!]
To: +6390562479714
[Who's this!? Paano mo nakuha ang number ko?!]
Sent!
Maya-maya pa ay nag-text uli ito.
From: +6390562479714
[Chill! Si Harvey 'to! Sasabihin ko lang na pupunta ako sa set niyo para manuod sa taping niyo. Alam ko namang gusto mo akong makita, eh]
Tsk, tsk! Napailing-iling ako.
Kahit kailan talaga! Pero hindi ko maitatanggi na parang natuwa ako nang malaman kong siya ang nag-text at mas lalo akong natuwa nung sabihin niyang pupunta siya sa set namin. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Sinasapian na ba ako?
Nilagay ko ang number niya sa contacts ko at nilagyan ko ng pangalang 'Kaibigan kong Gorilla' hahaha.
To: Kaibigan kong Gorilla
[Kapal mo! Asa ka namang gusto kong makita yang mukha mo! Parang sinabi mo na ring gusto ko laging nakakakita ng gorilla. Libre mangarap, dre!]
Sent!
Text ko sa kanya.
"Hoy, sino yan! May ka-text mate ka na pala ngayon, ah! Bago yan! Yiiiee!!! Magkaka-boyfriend na ang kaibigan kong NBSB!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Shunga! Si Harvey 'to! Pupunta daw siya sa set para manuod ng taping namin! Wala kasi silang role, eh! Kami lang, dahil magsusukat ng gown ang character ko!"
Tiningnan niya lang ako ng nakakaloko.
I glared at her. Pero, mukhang hindi siya natinag.
"Hindi kaya may gusto siya sa'yo?! Kasi hindi ka papanoorin nun kung wala! Kahit na kaibigan ka niya, hindi niya aaksayangin ang oras niya para magpahinga, para lang panuorin ang taping niyo" aniya. Parang natuwa na naman ako sa sinabi niya.
Pero hindi ko yun ipinahalata kay Chariz dahil aasarin ako niyan at nahihiya din ako.
Inismidan ko na lang siya.
"Tss, hindi yan! Magkaibigan lang talaga kami, nuh! Atsaka nung monday lang kami nagkakilala nuh at Tuesday naging magkaibigan,imposible yan!" Ani ko kahit parang medyo may kumurot sa puso ko ng sinabi kong magkaibigan lang kami. Tsk! Kailangan ko na bang magpacheck-up?!
"Ako ka ba naman, Xzy! Hindi mo ba alam yung tinatawag na love at first sight?! Naku naman malay mo bang na-inlove na yun sa'yo pagkakita pa lang niya sa'yo!" Aniya.
Nagkibit-balikat na lang ako.
*TING*
Muling tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ulit ito.
From: Kaibigan kong Gorilla
[Grabe ka naman sa'kin sa gwapo kong 'to sasabihin mong gorilla ako!? Wag mo naman ako icompare sa gorilla]
To: Kaibigan kong Gorilla
[Sige, sa chimpanzee na lang]
Sent!
From: Kaibigan kong gorilla
[Aish, tsk! Sige na nga! Pupunta ako sa set niyo, ah]
Tinext ko siya ng 'ikaw bahala' atsaka nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Chariz na aalis na at babalik ng pasado alas-onse
Siguro mag-iimpake na rin yun. Mukha kasing hindi pa siya nag-iimpake,eh.
Time Check: 7:45 A.M
Nag-drive na ko papunta sa Fiona's Gown Shop.
Malapit lang naman kasi dito yun!
***
EDITED.