Xzyra's Point of View
Gaya ng sinabi ni Harvey, pumunta nga siya at nanuod. Ngayon katatapos lang naming mag-taping.
Nakangiti sa akin ngayon si Harvey. Nyare sa kanya?
"Tara lunch na tayo sa mall" Aniya.
"Ahh, hindi, uuwi pa kasi ako, ihahatid ko kasi si Chariz sa airport" ani ko.
"Ahh, yung P.A s***h bestfriend mo?! Saan siya pupunta?"
"Sa probinsya nila, sa Leyte. Mayroon siyang personal na dahilan" sabi ko.
"Pwedeng sumama sa paghatid?" Tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?"
"Wala lang! Gusto ko lang sumama!" Depensa niya.
"Pa'no yung kotse mo?" Tanong ko sa kanya.
"Dadaanin na lang natin yan pag-uwi. Makikisakay na muna ako para mas mabilis" Aniya. Tumango naman ako.
Sumakay na ako sa kotse ko siya naman ay sa front seat.
Pinaandar ko na ng mabilis ang kotse ko. Nagmamadali na kasi ako kasi 11:40 A.M na.
"May hinahabol ba tayo, Xzy! Daig pa natin nakikipagkarera, eh! Pakibagal naman, oh!" Aniya.
"Hindi tayo makakarating agad sa bahay kung babagal-bagal tayo! Ala-una ang flight ni Chariz alas onse kwarenta na!" Saad ko.
Hanggang sa makarating na kami sa bahay.
"Oh, buti naman nandito ka na, Xzy!"
"Ay wala pa ako, eh! Baka ako si Xzyrile?!" Pamimilosopo ko sa kanya.
"Hehehe, oh! May kasama ka pala!" Aniya ng mapansin si Harvey na nakasunod sa akin.
"Hello, Mr. Harrison!"
"Hello, Chariz. Just call me Harvey" sabi ni Harvey kay Chariz.
"Oh, sige haha!"
"Tara na! Baka mahuli pa tayo sa flight mo malayo pa naman dito ang NAIA. Kaya kailangan nating bilisan" saad ko.
"Eh, hindi pa kayo nakakakain diba? Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong niya.
"Hindi pa kami gutom! Mamaya na lang kami kakain pauwi" ani ko.
"Ahh, dito na lang kayo kumain, ah! May niluto akong tinola" tumango naman ako
"Oh, arat na!" Ako. Tumango naman sila. Sumakay na kami sa kotse ko. Si Chariz sa backseat at doon ulit sa front seat si Harvey.
Agad kong pinatakbo ng mabilis ang kotse ko.
"Bagalan mo naman, Xzy! Para tayong may hinahabol na kriminal, eh! Baka mamaya masita pa tayo!" Sigaw ni Chariz.
Tss, bakit ba ang rereklamador nila. Bagay sila ni Harvey kahit tao sila, parehas silang reklamador at mapang-asar.
"Male-late ka sa flight mo kung babagalan ko!" Ani ko. Sa inis ko sobrang binagalan ko ang takbo ng kotse yung tipong daig pa ang may traffic kahit wala naman, haha.
"Huy, wag namang ganyan kabagal! Hindi tayo makakarating niyan!" Saad ni Chariz.
"Ano ba talaga!? Malapit na malapit ko ng iuntog ang ulo mo Chariz! Ano babagalan o bibilisan?!" Inis na saad ko, hehe.
Bigla siyang nag-pout.
"High blood mo naman, Xzy! Pero, sige bilisan mo, hehe" saad niya. Kaya binilisan ko ulit hanggang sa mga ilang mga minuto pa ay nakarating na kami sa NAIA terminal 1.
Time Check: 12:29 P.M
"Oh ayan nahatid ka na namin aalis na kami" ani ko.
"Mami-miss kita, Xzy! Sana pagbalik ko dito buo ka pa, ah! Hindi kita mate-text at matatawagan dahil walang signal dun maliban na lang kung aakyat ako ng bundok, haha"
"Wag ka mag-alala hindi kita mami-miss kaya walang dahilan para tawagan kita!"
Pero ang totoo mami-miss ko talaga siya. Kasi ang tagal rin naming naging magkaibigan ni Chariz. At masasabi kong true and loyal friend talaga siya.
Bigla niya akong niyakap.
"Mami-miss talaga kita, Xzy!" Saad na naman niya.
Sana katulad mo rin ako, Chariz. Sana kaya ko rin ulit sabihin yan sa'yo. Sana kaya ko ring muling mag-express ng tunay na nararamdaman ko. Kasi hirap na hirap akong gawin yun, dahil matagal ko ng kinalimutan ang tunay na ako. Naikulong ko siya sa pinakailalim ng pagkatao ko at hindi siya makalabas. Parang ikinulong ko ang dating ako sa isang kulungan, pero nawala ko ang susi kaya hindi ko mabuksan.
"Ang drama mo, Chariz! Hindi bagay sa'yo. Bitaw nga!" Saad ko na lang.
Bumitaw naman siya.
"Oh, sige na! Pumasok ka na dun! Mahuli ka pa sa flight mo, kami pa sisihin mo"
"Sige na nga! Parang imbes na malungkot ka dahil aalis ako, parang natuwa ka pa, ah!"
"Talaga! Hindi ko na kasi maririnig yang bunganga mong madaldal!" Ani ko.
Kahit ang totoo ay nalungkot ako.
Nag-pout siya. Mami-miss ko yung mga pagpunta-punta niya sa bahay para dalhan ako ng ulam. Mami-miss ko yung pagsama-sama niya sa akin, mami-miss ko yung pout niya na yan!
"Oh sige na! Papasok na ako!Ba-bye Xzy, 'til we see each other again!"
"Shunga, feeling mo naman aalis ka ng Pilipinas, sa Leyte ka lang pupunta, uy! Pilipinas pa rin yun" Nginitian niya lang ako.
"Sige, ba-bye na rin, Harvey! Alagaan mo yang kaibigan ko habang wala ako! Pagsinaktan mo yan, hindi ako magdadalawang isip na umuwi dito sa Maynila at bigyan ka ng flying kick!" Pagbabanta ni Chariz. Tss.
"Magkaibigan mga kayo, parehas kayong amazona" saad ni Harvey.
Sinamaan ko siya ng tingin habang tumawa naman si Chariz atsaka kumindat.
"May kasabihan kasi tayong 'Birds with the same feather flock together'! Pero, hindi kami mga ibon, ang g**o talaga ng mga kasabihan nuh?!" Saad ni Chariz.
Tumawa naman si Harvey kahit ako ay medyo napatawa sa katangahan nitong kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko ba 'to naging kaibigan. Birds with the same feather flock together? Hindi, ah! Hindi naman ako singtanga at slow nitong isang 'to.
"Oh sige na! Sisibat na ako't baka mahuli na ako sa flight ko!" Aniya. Tumango lang kami.
Tumakbo siya paalis pero tumigil siya ng medyo nakalayo-layo na siya sa amin.
Humarap siya sa amin at kumaway-kaway. Kumaway na rin kami.
Nginitian niya kami bago tuluyang umalis.
I will miss you......
Chariz.
***
EDITED.