Xzyra's Point of View
Matapos pumasok si Chariz sa loob ng airport agad kong inaya nang umalis si Harvey.
Sumunod naman siya. Hindi gaya kanina ay hindi ko na binilisan ang pagpapatakbo ko ng kotse ko. Yung sakto lang. At mukhang relief yun kay Harvey.
Dadaanan nga pala namin yung kotse niya.
After a few minutes...
Nakarating na kami sa Fiona's Gown Shop. Bumaba kami sa kotse ko.
Tumungo siya sa kinaroroonan ng kotse niya. Sumunod naman ako.
"Dederetso ka pa ba sa bahay o uuwi ka na sa inyo?" Tanong ko sa kanya.
Bigla siyang ngumisi. Dahilan para sa paglakas ng t***k ng puso ko. What the heck?! Kinakabahan ba ako?! O sadyang may sakit na ako sa puso!?
'Ano, umaatake lang ang sakit ko pagnandyan at ngumingiti si Harvey?!'
"Bakit...gusto mo akong makasama, nuh! Aminin mo na kasi!"
"Aba't ang kapal ng mukha nito! Asa ka! At anong aaminin ko sa'yo?! Na pang-"
"Na gusto mo ako" aniya. Dahilan para mas bumilis ang t***k ng puso ko. What happened to me? Bakit nararamdaman ko 'to?! May gusto na ba ako sa ulupong na'to?! Hindi pwede! Pano nangyari yun!? Isang linggo palang nang magkakilala at maging magkaibigan kami?! How's that even possible?! Baka naman wala talaga! Tama wala lang yun! Right!
Para hindi niya napansin na napaisip ako sa sinasabi niya ay sinamaan ko siya ng tingin. At itinaas ko ang kamao ko.
"Nakikita mo to?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang kamao ko.
Nagtataka niya akong tiningnan.
"Syempre naman may mata ako, eh! O ngayon?" Tanong niya. May pagkaslow din pala ang isang to ano?
"Tatama to sa mukha mo paghindi ka tumigil kakaasar sa akin!" pagbabanta ko sa kanya.
"So, ano nga! Dederetso ka pa ba sa bahay o hindi?!" Tanong ko ulit sa kanya.
"Tsk! Oo, dederetso na lang ako sa bahay mo dahil wala na rin namin akong gagawin. Kabisado ko na ang mga nasa script, at saka...nagugutom na rin kasi ako, makikikain na lang ako" tumango-tango ako.
"Okay, sumunod ka na lang sa kotse ko" sabi ko sa kanya.
"Oo, alam ko naman na ang bahay mo, kabisado ko na ang mga daan" aniya. Hindi ko na ito sinagot at tinalikuran siya.
"Teka, San ka pupunta?!" Saad niya. Nagtataka naman akong tiningnan siya.
"Huh?! Malamang sa kotse ko! Alangan namang iwan ko diba?!" Pagtataray ko sa kanya. Saka muling tinalikuran siya para tumungo sa kotse ko.
Pumasok ako sa driver's seat at in-start ang makina.
Nagsimula na akong mag-drive.
Nang medyo makalayo-layo ay tiningnan ko ang side mirror at nakita kong nakasunod naman si Harvey.
***
Tapos na kaming kumain at ngayon nakatunganga kami rito sa may sofa.
"Xzy! Nood na lang tayo ng CD!" Suggest ni Harvey.
Good Idea! Wala naman kasi kaming magawa.
"Sige" ako. Tumungo ako sa T.V sa sala. Nagsimula na rin siyang maghanap ng mapapanood.
Ikinonect ko ang wire ng DVD sa likod ng flatscreen T.V.
"May napili ka na?!" Tanong ko sa kanya.
"Kungfu Boys na lang!" Sabi niya. Tumango naman ako.
Kinuha ko sa kanya ang C.D at isinalpak ko ang C.D sa DVD player.
Nanood kami ng Kungfu Boys. Maganda naman siya. Magaling si Qiu'Nan sa kungfu na pati yung grupo ng mga batang lalaki at yung teacher niya sa kungfu natalo niya, hahaha!
Ang nakakatawa lang naman kasi yung tito niya walang alam sa kungfu, kaya imbes na ang tito niya ang magtanggol sa kanya. Siya ang nagtanggol sa Tito niya, tapos may gusto yung tito niya dun sa isa pa niyang teacher na babae.
Hanggang sa matapos namin ang movie.
Kaya pala kungfu boys. Dahil yung mga kaaway ni Qiu'Nan na mga batang lalaki dati naging kaibigan niya na.
Nanood pa ulit kami. Hanggang sa nagpaalam ng uuwi si Harvey.
Bakit ganun? Parang ayaw ko siyang pauwiin, parang gusto ko lang siyang mag-stay. Tsk! Kung meron na nga akong gusto sa kanya. It should be stop!
***
Xzyra's (Margaux) Point of View
Nagsisimula na ang pagsasalita ng padre. Ako ang pinakamasayang babae sa buong mundo ngayon, dahil ikinakasal na ako sa taong mahal ko.
Hanggang sa...
"Vince, will you have Margaux, to be your lawful wedded wife? To have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for reacher or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish. Till death do you apart?"
Tanong ng pari kay Vince.
"I will" nakangiting saad nito.
"Margaux, will you have Vince to be your wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for reacher or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish. Till death do you apart?"
"I do" nakangiting saad ko rin. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon.
"A ring symbolizes, blah, blah, blah" hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng pari hanggang sa magpalitan na ng singsing.
"I take you, Margaux Hutchinson, to be my wife, to have and to hold. From this day forward. For reacher, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish. 'Till death do us part, according to God's holy law; Take this ring as a sign of my love for you and this is my solemn vow" ani Vince at sinuot sa akin ang singsing. Ako naman ang nagsalita.
"I take you, Vince Bedingfield, to be my husband, to have and to hold. From this day forward. For reacher, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish. 'Till death do us part, according to God's holy law; take this ring as a sign of my love for you and this is my solemn vow" ako at isinuot ang singsing.
"And now for the most awaited part, I may now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride!"
"I love you, wife"
"I love you, husband"
And he kiss me!!! Napapikit ako.
Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.
Matapos yun ay nagpicture-taking na.
Hanggang sa matapos papunta na kami ngayon sa reception. Nasisiguro kong nandun na ang lahat. Ngayon magkasama kami sa iisang kotse ni Vince.
Hanggang sa makarating kami sa reception.
***
EDITED.