Xzyra's (Margaux) Point of View Nang makarating kami ni Vince sa reception. Sinalubong kami ni mom, dad, Liam, Grail, mom Zia and dad Drake(Vince parents) Sabi kasi nila mom and dad na rin ang itawag ko sa kanila. "Yun nandito na rin ang bagong kasal!" Ani Liam. Natawa naman kami. Umupo kami sa mahabang mesa. "Oh kahit na kasal na kayo bawal munang gumawa ng kababalaghan, ah! Mag-aral muna kayo dahil 3rd year college na kayo sa pasukan!" Ani dad. "Opo" sabi namin. "Ikaw talaga pare! Ang strikto mo talaga! Haha" ani dad Drake. Tinapik-tapik niya ang balikat nito. Nagtawanan ulit kami. "Pero, wag muna kayong mag-anak nito ni Margaux, anak, ah! Ayaw pa naming magmukhang matanda" sabi ni ni mom Zia. Tumawa muna si Vince bago sumagot. "Opo, mom! Haha" "Parang kahapon lang mga bata pa

