Xzyra's Point of View
Well back tayo sa pag-alis ni Chariz para umuwi muli sa probinsya nila. Magtagumpay kaya siyang malaman ang pakay niya? Kung talagang nagbago na nga si Ken, mahihirapan si Chariz.
Well, good luck for her.
Matapos naming mag-taping kumain muna ako sa jollibee bago ako umuwi at gaya ng lagi kong ginagawa naghalf-bath muna ako at nagtooth-brush bago ako nagsuot ng pajama.
Nagtimpla na rin muna ako ng gatas para madali akong makatulog.
Umupo ako sa sofa ko, nakita ko sa ilalim ng glass table ko ang isang pamilyar na notebook.
Kinuha ko ito.
Teka....autograph ko 'to nung high-school ako, ah. 12 years old, to be exact. Nung nag-13 ako nagbago na ako, eh, dahil na rin siguro sa mga taong nakapaligid sa akin.
Nung 12 years old ako yung mga panahong masayahin, masyadong expressive, maawain—yung tipong isang please lang ng isang tao, pumapayag na ako, at iba pa.
Ang ugali kong ayaw ko ng ipakita ulit.
Binuklat ko ang notebook.
Una kong nabasa dito ang information ko sa sarili ko.
...ICE COLD FACTS 'BOUT U!
Name: Xzyra Demonique Lopez
Nickname: Xzy, Dem, Nick
Address: Lopez's Mansion
Cellphone no.: 09876542314
Birthday: July 22, 19**
School: Jakaña Commemorative Girls High-School(JCGHS)
Ambition: to be a business woman
FAVORITES.......
Hobbies: Reading, acting and studying
Music: Silent Scream, Am I supposed to apologized, Already Mine, My Happy Ending
Singers: Avril Lavigne, Maria Mena, Anna Blue,
Book: pocket books, educational books
Author: dunno.
Sports: boxing, track in field, basketball
Bestfriends: Vialyn, Gina, and Deity.
Etc, etc. Tsk, bestfriends forever daw kami nasan sila ngayon?! Diba wala? Nakalimutan na ako ng mga yun!
Ang pinaka-ayoko talaga ay yung mga nangangako silang hindi nila ako iiwan o walang iwanan tapos hindi rin naman tutuparin!
Sunod ko namang binasa ang sunod na pahina.
Sumimsim ako sa gatas ko. Si Xzyrile pala 'to
...ICE COLD FACTS 'BOUT U!
Name: Xzyrile Angelique Lopez
Nickname: Ril, Xzy, Angge, Angel
Address: Lopez's Mansion
Cellphone no.: 09563428765
Birthday: July 22, 19**
School: JCGHS
Ambition: to be a lawyer
FAVORITES....
Hobbies: Reading, singing, and make-overs
Music: Pretty's on the inside, Perfect Two, Pag-ibig Fortune Cookie
Singers: Alan Walker, MNL48
Books: Chasing Hell, Hell University, You're forever a part of me
Author: Knightinblack, warfreak_black, etc.
Sports: None.
Bestfriends: Hamie, Myca, Trina, Rain
Told ya. Angel is so feminine. Ayaw niya sa sports dahil ayaw niyang mapawisan. At mahilig siya sa mga make-ups, kaya nung highschool palang kami ay nagmemake-up na siya. Pero, hindi naman makapal noh. Yung make-up na sa sobrang light hindi mo mahahalatang nakamake-up. Hindi siya gumagamit nung lapis na pinangkakapal sa kilay, kasi sakto lang naman ang kapal ng kilay niya. Akalain mo yun! Maliban pala sa panulat yun ginagamit din sa kilay!?
Binuklat ko naman ulit. Autograph to ng mga plastik na peke pang kaibigan ko.
Sinara ko na ang autograph notebook ko. Nawalan na ako ng ganang basahin pa yung sa kanila.
Naubos ko na pala ang gatas ko kakabasa.
Hinugasan ko ang baso at kutsarang ginamit ko para magtimpla.
Matapos ko itong hugasan pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga.
Time Check: 9:08 P.M
Kanina pasado alas-otso pa lang, ngayon pasado alas-nuebe.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog.
ZzzzzzZzzzzZzzz....
***
Chariz's Point of View
Kinabukasan....
Matapos kong magluto ng ulam, ay agad akong umalis sa bahay at nagtungo sa bahay ni Xzy.
Bulalo na lang ulit ang niluto ko. Ilang oras ko rin itong niluto, ah! Last day ko na kasi dito sa Maynila, bukas na ang alis ko. Kaya niluto ko ang paborito ni Xzy.
Ang balak ko nga ay magsleep-over kila Xzy tutal malapit lang din naman ang bahay ko sa bahay niya.
Nang makarating ako sa bahay niya ay agad kong ipinasok ang spare key ko sa key hole.
Bilang kanyang P.A 'kuno' at kaibigan niya, pinagkakatiwalaan ako ni Xzy na ipahawak ang spare key ng bahay niya. Pati na rin ng kwarto niya, pero hindi naman ako basta-basta pumapasok dun ng walang paalam niya.
Kasi invading privacy yun!
Agad akong naghanda ng makakain namin.
Saka ko pumunta sa kwarto niya para katukin siya.
Nasa tapat na ako ng pintuan niyo at handa na sanang kumatok nang bigla itong bumukas dahilan para mabitin sa ere ang kamay ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"'Nung ginagawa mu?" Tanong niya.
"Ah, hehehe" binaba ko ang kamay ko na nabitin sa ere.
"Kakatukin ko na kasi dapat yung pinto nang biglang binuksan mo ito kaya nabitin yung kamay ko sa ere" ani ko. Tumango na lang siya at bumaba.
Pumunta siya sa hapag-kainan at umupo sa lagi niyang inuupuan tuwing kumakain kami.
"Hmm, aalis ka na lang, i-spoilin mo pa ako. Bulalo, ah?" Ani niya.
Umupo ako sa kaharap niyang upuan at nginitian ko siya.
"Syempre naman bukas na ako aalis, eh!"
Tumango-tango naman siya at nagsimulang kumain.
"Ah, dito nga pala ako magtutulog ngayong gabi! Pwede ba? Para naman makasama ko ang bestfriend ko bago ako umalis." Tanong ko sa kanya.
"Sige lang. Pero, alam mo naman kung anong oras na rin ako nakakauwi diba" siya. Tumango naman ako.
"Wag ka ng kumain sa mga resto ngayong gabi, ah! Lulutuan na lang kita" ani ko.
Tumango-tango siya.
"Okay" siya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na siyang aalis para mag-gym, siguro magp-praktis na naman siyang mag-boxing.
Pagkatapos niya ring mag-gym ay dumideretso na siya sa taping site nila.
Umalis muna ako at pumunta sa malapit na mall para mamasyal. Sinusulit ko na ang araw na ito, dahil mami-miss ko ang Maynila.
Sana lang habang wala ako dito, walang mangyaring masama kay Xzy. May tiwala din naman ako kay Mr. Harrison, na isa na sa kaibigan ni Xzy. Nakita ko kung paano niya napapatawa si Xzy. Sana lang hindi niya saktan si Xzy.
Mukhang matatagalan din kasi ako sa Leyte. Mukha kasing mahirap paamuhin ang taong yun, eh!
Pero, sana as soon as possible malaman ko ang dahilan kung bakit siya ganun. Yun ay kung may dahilan nga.
***
EDITED.