Chapter 19

885 Words
Chariz's Point of View Napapangiti ako habang nagd-drive papunta sa airport. Naalala ko yung mga sinabi ni Xzy. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nag-aalala siya sa akin. Ganun kasi si Xzy hindi niya kayang ipakita na concern talaga siya. Dinadaan niya yun sa mga pasigaw-sigaw at asar-asar niya sa akin kahapon. Hindi kasi siya sanay magpakita ng pag-aalala o concern. I know her childhood, and that was....bad. Buong buhay niya pinapakita niya talagang matatag siya, kaya hindi niya alam kung pa'no ipapakita na nag-aalala o concern siya, kasi para sa mga katulad niyang hindi na nasanay sa ganun, nahihiya na sila. Oo nahihiya na silang ipakita yun, yung concern, pag-aalala, etc. Kasi nga hindi na sila sanay. Gets niyo na? Kung hindi, aba eh mag-isip kayo! Nang makarating ako sa airport, agad akong nagpa-book ng ticket para sa linggo papuntang Leyte. 1:00 ang time ng flight ko sa linggo papunta dun. Mami-miss ko si Xzy, mami-miss ko ang pagpunta-punta ko sa bahay niya tuwing umaga para dalhan siya ng mga niluluto kong ulam at saka kami sabay na kakain. Pero, ganito talaga ugali ng curious. Curiosity kills the cat ika nga. Pero, diba dapat curiosity kills the person? Kasi tao naman ang curious hindi pusa diba? Pero maliban kasi sa curious ako, type ko yung lalaking yun. Hindi naman porket nabroken-hearted ako, bitter na ako, nuh! Subok lang ng subok hanggang mahanap si 'the one'. Pero kung hindi man si Ken yun, okay lang, marami pa namang lalaki sa mundo, nuh! Hoy, hoy, alam ko ang iniisip niyo! Na malandi ako? No, nagkakamali kayo! Let's say na isa ako sa mga babaeng hinahanap ang para sa kanila. Ganun! At hindi rin porket maraming ex ang isang babae ay malandi na rin, ah! Kayo talaga ang ja-judge mental niyo! Hindi ba pwedeng hinahanap lang rin nila ang para sa kanila. Unfortunately, yung mga ex nila hindi para sa kanila at kasalanan ba nilang magmahal?! Tsk, tsk! Ang hirap sa mga tao ang gagaling nila mag-judge agad ng tao tapos pag sila jinudge magagalit. Tsk! It gigils me! Ayoko sa mga ganung mga tao! I hate them!!!! *** Xzyra's Point of View Gabi na ngayon pero nagte-taping pa rin kami. Kailangan, eh Malapit na nga palang matapos itong movie namin. Less takes, kaya mabilis lang kami makakatapos. Siguro by, monday morning tapos na kami. Ang alam ko sasayaw at kakanta  kaming lahat ng babaeng stars sa katapusan ng movie, yun kasi ang closing ng movie. Ang alam ko malapit na kami sa parte na magkakabati ang dalawang pamilya dahil magtatanan sila ng character kong si Margaux at ang character naman ni Harvey na si Vince. At dahil sa nagtanan sila labis na nag-alala ang dalawang pamilya. Sinisisi ng nga Hutchinson ang mga Bedingfield sa pagkawala ni Margaux at sinisisi naman ng pamilya Bedingfield ang mga Hutchinson. Pero, dahil sa dalawang babae, ang asawa ni Mr. Bedingfield at Mr. Hutchinson, na magbestfriend pala, ay naisipan ng dalawang pamilya na mag-truce para na rin sa mga anak nila. And that's what they find Vince and Margaux sa isang maliit na bahay. Pinauwi na nila ang mga ito at sinabing payag na sa relasyon nilang dalawa. At syempre ikakasal sila, at dun sa reception sa stage, sasayaw at kakanta kaming mga babae. At syempre bilang Margaux na bida nakawedding-gown pa ako dun. Pero ang pinaka-ayoko dun ay ang... KISSING SCENE! Awkward naman kasi! Magbestfriend na kami ni Harvey tapos may kiss sa lips!? Pag naiisip ko yun kinikilabutan ako, eh! Mas naging close pa kami ni Harvey, hindi naman mawawala ang asaran, dahil yun ata ang talento niya, at ang talento ko ay ang mambara, haha! Atleast pag wala na si Chariz sa tabi ko. May iba pa akong kaibigang mapupuntahan diba? Siguro yung dalawang beses na kissing scene namin dun ay titiisin ko na lang. Una yung nag-confess na si Vince kay Margaux na mahal niya ito. At ang pangalawa at yung sa wedding nila. Yung nauna?....tapos na yun! Oo naging awkward kami nun pero hindi rin nagtagal dahil  madali para kay Harvey na tanggalin ang awkward atmosphere. Naalala ko pa yung nangyari yun, ah! That was Wednesday ata? Pagkatapos nun, hindi sa nahihiya ako sa nangyari nun. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan ang conversation nun. Pero nagawa niya. FLASHBACK |WEDNESDAY| Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan sa aming dalawa ng kaibigan ko. Matapos kasi ang kissing scene na yun, eh. Nakaramdam ako ng awkwardness. Habang si Direk Ferdy ay tuwang-tuwa, dahil ang ganda daw ng scene. Tss. "Ano, masarap ba?" Ani Harvey habang umiinom ng tubig. "Huh? Anong masarap?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Yung labi ko...masarap ba kako" siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang awkwardness na nararamdaman ko kanina ay nawala. "Hindi, eh! Wala kong nalasahan, ang tabang ng labi mo nuh, pwe! Kung hindi lang part ng movie at kung hindi lang madi-disappoint si Direk pag sinabi kong dapat wala nun, eh, hindi kita hahalikan nuh!" Nagtawanan kaming dalawa sa sinabi ko. END OF FLASHBACK Kung ganyang kabilis lang niya natatanggal ang awkward atmosphere eh magiging komportable ka talagang kasama siya. Isa sa mga nalaman ko sa kanya. Akala ko kasi maliban sa napakayabang niya, napakahangin, ay wala na siyang ibang kayang gawin. Well, sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala. Pero, parang masyado namang oa ang gumawa ng kasabihang yun hindi naman ako namatay eh. Di bale na nga. Tss -_- *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD