Chapter 18

906 Words
Xzyra's Point of View Hindi ko alam kung bakit kanina pa tahimik si Chariz ng magtapos ang usapan namin tungkol kay Xzyrile at dun sa walang kwenta niyang ex. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya. At hindi nga pala katulad ng ibang P.A ng mga artista, hindi ko pinagbibitbit si Chariz ng mga gamit na kayang-kaya ko namang bitbitin! Lumipas ang ilang oras na nag-taping kami para sa movie namin, hanggang sa mag-dismiss na si Direk na bukas na ulit kami magte-taping. Pero, hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Chariz. May hinala naman na ako kung bakit. "A-Ah, pwede ba tayong mag-usap, Xzy?" Tanong nito sa akin. "Hindi pa ba tayo nag-uusap sa lagay na 'to!" Pang-babara ko sa kanya. " I mean, yung tayong dalawa lang" siya. Tumango na lang ako dahil tinatamad na akong magsalita. Pumunta kami sa isang coffee shop. Dun sa Happy Gale Coffee Shop. Dun ako nag-coffee nung nakaraan. "1 espresso" I said. "1 coffee latté, please" "231 pesos po ma'am" sabi nung babaeng clerk, siya rin yung babae nung nakaraan. Inilabas ko ang wallet ko at binigay sa kanya ang tatlong kulay lila'ng pera. "I receive 300 pesos, you're change is 69 pesos" sabi nito at sinuklian ako. "Please wait a minute or two ma'am" dagdag pa nito. Hindi ko ito pinansin at dumeretso kami dun sa may pwesto sa dulo at dun naupo. "So?" Nagtataka kong tanong. "Ahmm, ano kasi, Xzy. A-Ano k-kasi, ano-" "Ano nga?! Kanina ka pa ano ng ano diyan. Aanuhin ko yang mukha mo, eh. Ano?!" Nawawalan ng pasensya saad ko sa kanya. "A-Ahh, ma'am. Ito na p-po ang order niyo" sabi ng waitress sa amin. Sinamaan ko ito ng tingin. Napatungo ito. Nilapag niya ang mga basong naglalaman ng kape, sa lamesa namin bago nagpaalam na aalis na. Tiningnan ko muli si Chariz. "Oh, ano na nga?" Mahinahong saad ko dito. "A-ah, kasi mag-maggre-resign na ako sa'yo" sabi niya. Hmm, hindi na ako nagulat. Mukhang yan naman talaga ang balak niya. Alam ko namang babalik siya dun sa probinsya nila sa Leyte para kausapin yung lalaking yun. Tsk, hindi na 'ko magugulat na pag-uwi niya dito mahal na niya ang taong yun. Wag niya lang talagang sasaktan 'to dahil talagang bibigyan ko siya ng uppercut at body blow sa katawan at mukha. "Hmm, I understand. Okay" saad ko sa kanya. Mukha naman siyang nagulat dahil nanlaki pa ang mga mata niya. "T-Talaga?! P-Pero, hindi mo man lang ba itatanong kung bakit?" Tanong nito na parang nagtataka. "Alam ko na kung bakit" Nginisihan ko siya bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Babalik ka sa probinsya niyo sa Leyte para kausapin at kaibiganin ang lalaking yun. Gusto mo malaman kung anong dahilan kung bakit niya ginawa yun, hindi ba? Pag ikaw na-fall dun, naku! Basta wag mo akong sisihin na parang hindi kita binalaan sa kanya, ah! At wag ko lang makikita yang mata mong lumuluha ng dahil sa kanya, maliwanag?!" Nagulat siya dahil sa sinabi ko. "Pano mo nalaman?" "Hula ko lang. Pero ano, maliwanag?! Na wag na wag kong makikita yang mata mong lumuluha dahil sa sakit na nararamdaman mo sa kanya, ah?! Kung hindi babangasan ko ang mga mukha niyo!" Ako. "Oo, m-maliwanag, hehe" ako. "Kailan ka aalis?" Tanong ko sa kanya. "Sa Sunday! Bibili pa kasi ako ng ticket" siya. Tumango-tango ako sa kanya. Sumimsim ako sa kape ko. "Wag kang mahuhulog agad dun sa lalaking yun, ah! Baka di ka saluhin, kawawa ka naman. Pagnangyari yun, tatawanan talaga kita!" Ani ko. "Ang sama mo!" Nakangusong saad nito. Tss, dapat sila magsama nun ni Harvey, eh. Parehas silang mahilig mag-pout. "Syempre dapat paibigin mo muna siya para pag na-fall ka sa kanya, sasaluhin ka talaga niya!" Ako. "Oo nga nuh! Sige gagawin ko yan!" Utu-uto. -_- "But, please, Chariz, As much as possible try not to fall to him" seryosong saad ko sa kanya. Tumango naman siya. Inubos na namin ang kape namin bago kami umuwi sa kapwa naming bahay. Naghalf-bath ako at nagpalit ng damit to pajama bago humiga at natulog. ZzzzzzZzzzzZzzzz.... *** Kinabukasan.... Gaya ng nakasanayan pumunta rito si Chariz dala ang niluto niyang ulam saka kami kakaing magkasama. Magkalapit lang kami ng bahay ni Chariz. My House| Others|Others|Chariz. Syempre P.A ko nga siya dati so dapat lang na magkalapit ang bahay namin para makapunta siya agad sa akin. Sweet and Sour Pork ang niluto niya, one of my favorite. Ini-spoil niya siguro ako dahil matagal siyang mawawala. Mami-miss ko rin 'tong bruhang 'to. Tahimik lang kaming kumakain. Ang maririnig mo lang ay ang pagkalansing ng kutsara at tinidor at ang tunog na ginagawa ng platong babasagin. "Ngayon nga pala ako magbo-book ng ticket para sa flight ko papuntang Leyte sa linggo" pagbasag niya sa katahimikan. "Hmm, so, pagkatapos nating kumain ngayon pupunta ka agad sa airport?" Tanong ko sa kanya. "Oo" sagot niya. Tumango-tango ako kaya muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Sana lang, ngayon kung magiging girlfriend niya nga tong si Chariz ay hindi niya lokohin pa. Sana nagbago na siya. Gaya ng pagbabago ng attitude niya. Sabi kasi ni Chariz cold daw ang mga mata nito pati na ang pagsasalita nito at walang mga emosyon ang mukha nito. Na...hindi naman ganun...dati. Dati kasi masaya ang mga mata, pati na rin ang mga boses niya. At siya kasi yung taong malinaw pa sa clear! Yung talaga pag masaya, malungkot, galit, takot, etc. ang nararamdaman niya mahahalata mo yun agad sa mukha niya. Syempre alam ko yan 1 1/2 years din sila ng kapatid ko, nuh. Nagtiwala na nga ako sa kanya at binalewala ang masamang pakiramdam ko sa kanya, eh. Kaso, nangyari yun. Kaya hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ang taong yun para sa bestfriend ko. *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD