Chapter 6

848 Words
Xzyra's (Margaux) Point of View Nang makarating ako sa University, agad kong pinark ang ang kotse ko sa parking lot. Nang mai-park ko na ito agad akong lumabas sa kotse ko at tinext ko si Vince. To: Vince Maprend {Uy, Vince! I'm here na. Where na you?} Maya-maya pa at nag text siya. From: Vince Maprend {Nandito na ko. Kita na nga kita eh. Nasa kaliwa mo ako.} Kaya napatingin nga ako sa kaliwa ko at nakita ko nga si Vince na kumakaway. Tumakbo ako sa kanya. "GOOOOOODDDDDDD MOOOOORNING!!!!!" Sigaw ko habang palapit sa kanya. Napangiwi siya. "Good morning din" sabi ni Vince habang may pilit na ngiti. "Oh, pa'no. Kain na tayo! I'm hungry na kasi, eh!" Ako. "Sige" siya habang nagkakamot pa ng batok. Nagsimula na kami maglakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Wala pa namang masyadong tao kaya walang pila. "Anong order mo? Libre ko na" siya. Parang nagningning ang mata ko. "Talaga?! Hahaha! Sige! Yung black forest cake na yun, gusto ko ng dalawa. Tapos yung Hawaiian Pizza! At ayun! Yung ube shake! At yung vanilla sundae!" Ako. "Ah, hehehe, sige" siya. *** Masyadong showy ang character ko. Masyado siyang masayahin. Well, parang ako lang yan dati. Kung hindi lang nangyari yun! Tsk! Tuwing naaalala ko yun naiinis ako! Nagagalit ako!! Sa kanila! "Lumipas ang mga araw at mga buwan. Palalim ng palalim ang nararamdaman ko kay Vince. Sana ay parehas lang kami ng nararamdaman. Ngunit hindi pa rin alam ng mga magulang namin na magkaibigan kaming dalawa. Na siyang napakalaking hadlang." Pagnanarrate ko sa character kong si Margaux. "And....cut!!" Director Ferdy said and look at his wristwatch. "Okay, it's already, 11: 47 A.M. Take a lunch first before we continue our taping! You should back before 1:00 P.M " "Okay po, Direk"sabi namin. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at uminom na ng tubig. " Hey!" Muntik na akong mabulunan dahil sa biglang pagtawag sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. And guess what?! The Harvey Kean "Mayabang" Harrison. "Woah, woah! Don't look at me like that!" Siya. Pero patuloy ko pa rin siyang tiningnan ng masama. "Gusto ko lang sabihin kung pwedeng sabay tayong maglunch" siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-iba ata ang ihip ng hangin?! "Ayoko." Ako. "Bilis na! Mukhang wala ka rin namang kasabay, eh" siya. Well, masakit mang aminin, pero, totoo ang sinabi niya. Maliban kasi sa P.A kong si Chariz ay wala na akong ibang kaibigan. At sa kasamaang palad wala siya dito ngayon. Pati rin kahapon nagpaalam kasi siya before mag-start ang shooting namin ng 'Love Between Chaos' na uuwi siya sa probinsya nila sa Leyte, dahil nagkasakit ang lola niya at walang mag-aalaga dito. Bukas pa daw makakarating yung Tita Fiona niya. Nakababatang kapatid iyon ng mama niya at isang oldmaid. Naglalagalag ito sa iba't-ibang bansa para makapaglibang. At oo, nasa probinsya siya nila nang tumawag siya sa akin kahapon, siguro umakyat pa siya sa bundok. Wala daw kasing signal dun sa probinsya, kailangan mo pang umakyat sa bundok para makakonek. "Uy, Xzy! Sabay na tayo! Ayaw mo nun? Isang Harvey Kean Harrison, na pogi na nga 'tong nag-aalok sa'yong sabay na tayong mag-lunch, eh. " siya. Napanganga ako sa kanya. "Ang lakas din talaga ng hangin mo sa katawan ano?! Wag na! Hindi na ako sasabay sayo! Hiyang-hiya din namang kasi ako! Ang gwapo-gwapo mo kasi, eh! Ang gwapo, gwapo!" *please note the sarcasm*. "Matagal ko ng alam yan, Xzy! Hindi mo na kailangang sabihin pa sa akin" "Tanga! Hindi ka ba nakakaintindi ng sarcasm?!" Ako. Bumuntong-hininga ako. Maaga akong tatanda sa kunsumisyon sa lalaking 'to! Haist! Sana lang hindi na kami ulit magkasama pa sa ibang mga movies at mga palabas. "Bilis na kasi! Wala rin akong kasabay, eh" siya at nag-pout. Tss. Akala mo naman gwapo siya. -_- "Stop that!" Ako. "Bakit?! Kasi nagwa-gwapuhan ka sa akin noh!" "Hinde! Mukha ka kasing pato! Sayang di ko napicturan. At ipo-post ko sana sa f*******: with matching #Patoking!" Ako. "Ayaw mo pa kasi amining gwapong-gwapo ka sa akin at may crush ka sa akin! Kaya ayaw mong makita ng iba na cute ako dahil baka ibulsa nila ako" "Tsah!! Pwe, pwe! Over my dead sexy body! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo! Wala akong pake kung makita ka ng mga so-called fan girls mo na naka-pout! At hindi ka nila mabubulsa, masyado kang malaki para ibulsa! Feeling mo naman kasing liit ka ng pera!" Pamimilosopo ko sa kanya. "Bilis na kasi, sabay na tayong kumain!" Siya at di pinansin ang sinabi ko. I look at him suspiciously. Bakit ba pilit to ng pilit?! May pinaplano to eh! Siguro balak niya akong lasunin. "Aba! Kung may binabalak ka, tumigil ka na! No thanks!" Ako. "Wala! Masama bang makipagkaibigan? " siya. Still, hindi pa rin ako kumbinsido. "Promise! Kakain lang talaga tayo. Cross my heart, padlock, tapon susi!" Siya at umarte pang nagtapon ng susi. Hindi ko na napigilang mapatawa! Haha. Ang e-epic niya, hahaha. "Hahahahaha, sige na nga! Hahaha" ako. Parang nabuhayan naman siya ng loob. (Yung mga greenminded diyan, naku!) Tumungo kami sa malapit na mall. *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD