Xzyra's Point of View
Okay naman kami habang kumakain ngayon sa Jollibee. Gusto ko sa mga ganto lang kumain. Ayaw ko sa mga high-class restaurants. Hindi naman sa wala akong pera. Ayoko lang talaga dun. Ang mamahal ng mga pagkain.
"So...bakit?" Ako. Nakakapagtaka naman kasi na gusto niyang maging magkaibigan kami. Eh, diba nga, nag-aaway pa kami kahapon.
"Anong bakit?" Siya habang may nagtatakang tingin.
"Bakit mo gustong makipagkaibigan sa akin? Anong pakay mo?"
"May pakay agad? Di pwedeng nakikipagkaibigan lang?"
"As much as I know, magkaaway tayo kahapon, so, bakit bigla mo akong gustong maging kaibigan?"
"Wala namang dahilan! Gusto ko lang talaga makipag-kaibigan sa'yo" siya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sorry, I'm not into friends. Hindi ko kailangan nun. Kaya kong mabuhay mag-isa ng wala nun."
"Alam ko naman yun! Kilala ka bilang independent person. Pero, gusto lang kitang maging kaibigan! Kahit hindi mo ako ituring bestfriend, okay lang"
Hmm, hindi naman masama eh. Nakikipagkaibigan lang naman siya! Aba wag niya lang ako pa-plastikin kung ayaw niyang humarap sa media na may pasa sa katawan.
At mukha namang sincere siya sa sinasabi niya. Tss!
"Tsk! Oo na! Wag mo lang subukang i-backstab ako, malilintikan ka sa akin!"
"Hehehehe , oo naman, yes! Salamat at nakipagkaibigan ka sa akin!" Siya na parang manliligaw na sinagot ko na, dahil sa sobrang tuwa.
Tsk, tsk!
Syempre hindi ko na rin lalagyan ng mga rules ang friendship namin. Wag lang siyang plastik, ok na yun!
Baka kasi pag nilagyan ko yun ng rules, eh ako din lumabag. Gaya ng bawal ma-fall sa isa't-isa! Ano w*****d lang ang peg?! Pero, ayoko pa din, ayokong magsalita ng tapos nuh! Baka magaya ako sa mga babaeng na-fall dun sa lalaki. Ayoko nun!
Nagpatuloy na ulit kaming kumain hanggang sa matapos kami.
Nang biglang magvibrate ang cellphone ko, ganun na rin sa kanya.
Tiningnan ko ito. Isa pala tong group message.
From: Direk Ferdy
Bukas na lang ulit tayo magtaping may emergency kasi ngayon! Urgent yun kailangan kong pumunta agad dun. Thanks! : )
Okay gaya ng sabi ni Direk bukas na nga lang daw kami ulit magte-taping. Hindi na ako babalik dun sa shooting area, since dala ko na rin naman ang mga gamit ko, mukhang ganun naman rin to si gorilla-este Harvey pala, haha.
"Oh, since, wala na tayong taping, bat hindi muna tayo mamasyal?" Siya.
Kumunot ang noo ko.
"Kakapamili ko lang kahapon ng mga groceries" ako.
"Pamimili lang ba ang ginagawa sa mall?" Siya.
"Oo?"
"Hmmm, since nasa mall na tayo ngayon, dadalhin kita sa favorite place ko nung bata ako, Tara!" Siya at kinaladkad ako.
Aba nagiging hobby na niyang kaladkadin ako ah. Pero nagpakaladkad na lang ako-.
Parang ang pangit pakinggan ah. Nagpahila na lang ako.
Hanggang sa kusa na siyang tumigil.
Naghahabol ako ng hininga at napahawak pa sa tuhod ko. Nang medyo nabawi ko na ang paghinga ko ay tiningnan ko siya ng masama.
"Aba! Hindi naman porket magkaibigan na tayo ay pwede mo na akong kaladkadin"
"Sorry, hehe" siya. Tumingin ako sa harap.
Wtf?
"Hoy! Anong tingin mo sa akin...bata?!" Ako. Dinala niya kasi ako dito sa ano nga to? Tom's War ba yun o Tom's Work.
Ah, yun Tom's World! Sorry naman, hindi pa ako nakakapasok dito, eh!
"Bakit mga bata lang ba ang naglalaro dito?"
"Hmm, oo?!" Ako.
"Hindi, ah! Tara!" Siya at hinila ulit ako. Aba't-
Huminga ako ng malalim. Hahayaan kita ngayong gorilla ka.
Bumili kami ng tokens.
Tumigil kami sa isang ano nga tawag dun?! Yung mayroong parang kamay na kokontrolin mo para makuha yung stuff toy na nakakalat. Ah oo, vending machine!
"Ano, paunahan tayong makakuha ng stuff toy sa loob!" Panghahamon niya sa akin habang nakangisi.
Syempre, wala ata akong inuurungang hamon.
"Sige ba!" Taas noong sabi ko sa kanya. Eh, kaso-
"Pero, pano ba?" Ako. Kumunot naman ang noo niya.
"Seriously?! Di ka marunong maglaro niyan?!" Tila namamanghang wika niya.
"Magtatanong ba ako kung marunong ako?!" Pamimilosopo ko sa kanya. Mga tao talaga ngayon walang mga common sense.
Napakamot siya sa batok.
"Panoorin mo siya" turo niya dun sa batang naglalaro nun sa gilid namin.
Pinasok niya dun sa may butas yung token, tapos nagsimula na siyang pagalawin yung parang kamay, tapos tinapat niya sa isang bunny stuff toy tapos pinindot niya yung red button. Kaya bumaba yung kamay at dinakot-kinuha yung bunny stuff toy at hinulog yun sa may malaking butas sa gilid.
Tuwang-tuwa ang bata ng makuha niya yung stuff toy na bunny.
"Okay na?" Tanong niya sa akin tumango ako.
"Game on!" Ako at tumapat dun sa harap kong machine siya naman dun sa nilaruan ng bata kanina.
"3...2....1...go!" Siya. Kaya hinulog na namin yung token dun sa maliit na butas kaya nagsimula na kami.
Nakailang laro na kami pero hindi pa rin kami nakakakuha. Duga kasi ng pesteng kamay, eh! Laging hinuhulog yung stuff toy.
Huling token ko na ito, pag hindi pa 'to makukuha. Idedemanda ko talaga gumawa ng machine na to.
Tinapat ko yung parang kamay sa Rilakkuma na stuff toy at pinindot ko yung red button. Dinakot naman ito ng kamay.
Kagat labi kong tiningnan yung kamay na dinadala yung stuff toy sa gilid na may malaking butas.
Wag ka mahulog...wag ka mahulog..wag ka mahulog....
Nanlaki ang mata ko nang...
***
EDITED.