Xzyra's Point of View
I get it! Yes!!!!
Nakuha ko na ngayon yung Rilakkuma teddy bear!!!
"Nakakuha na ako!" Halos sabay naming saad ni Harvey. Yung nakuha niya, si pororo, yung penguin.
"Sabay lang tayong nakakuha" siya.
"Bakit hindi tayo magpalitan ng nakuha?" Siya ulit.
"Iihh! Ako nakakuha nito, eh! Tsaka favorite ko si Rilakkuma noh! Ayoko, pororo!" Parang bata kong saad. Ganito naman talaga ako pagKAIBIGAN ko na ang isang tao, kung tao ba tong kasama ko o hayop, pero hindi naman ako masyadong showy. Medyo lumalabas lang ang pagkamasayahin side ko.
"Bilis na! Para memories natin sa isa't-isa!"
Sandali pa akong parang nag-isip.
"Sige na nga! Ingatan mo yan, pag yan nasira sasamain ka sa akin, maliwanag?!" Ako at binigay sa kanya.
"Oo" siya at kinuha yung akin at binigay naman niya sa akin ang kanya.
Waaah! Yung Rilakkuma ko! Hinayupak na nilupak kasi tong Gorilla'ng to eh! Inggit!
"Sadista." Bulong niya pero rinig ko pa rin.
"May sinasabi ka!?" Ako.
"Wala! Wala! Sabi ko dun naman tayo sa may basketball!" Siya.
"Sige!" Masayang saad ko.
Masaya pala dito sa Tom's World, hehe. Gaya nga kasi ng sinabi ko, ni minsan di pa ako nakakapasok dito.
Bakit? Secret!!! Makipagkaibigan muna kayo sa'kin, bleh!
Kung masaya dito, edi mas masaya sa Hongkong, Disneyland? Kasi sabi nila pinakamasayang lugar daw yun sa Earth!
Bago kami pumunta sa may basketball bumili muna kami ulit ng tokens.
Marunong rin ako nito. Natatalo ko pinsan kong lalaki dito, eh! Di lang naman boxing ang kaya ko noh! Kaya ko rin mag-basketball!
"Padamihan tayo ng points!" Taas noong panghahamon ko sa kanya.
"Sige!" Nakangisi niyang sabi. Naghulog na ulit kami ng token dun sa gilid. Kaya nagsimula na ang timer at nagsimula na rin kami sa pag-shoot ng mga bola.
Naglaro kami dun sa basketball ng mahigit 10 minuto marami na rin ngang nanonood sa amin.
Syempre kilala nila kami, dahil nga mga artista kami. Pero di sila makapagpa-picture dito sa isa kasi kasama ako.
Ang alam ko kasi takot sila sa akin. You know kasi madaming kumalaban sa akin na ibang artista na napapahiya lang, at kadalasan ay idol nila kaya marami rin akong bashers.
Pero, hindi rin naman sa wala akong fans gaya ng sinabi ko dati. Marami akong fans din naman. Pero, in-announce ko sa public na ayaw ko ng may gumagambala sa akin kapag nasa public, gaya ng autograph, papicture, etc. Kasi nga ayoko ng ganun!
In end nga pala ako ang nanalo. Mas marami akong points sa kanya.
Kung ilan? Hulaan niyo! Haha.
"Tsk, tsk, tsk! Kalalaking tao, talo ng babae sa basketball! Wala ka pala, eh!" pang-aasar ko sa kanya.
Nagtawanan ang mga nanonood.
Hanggang nood lang sila, haha! Sigurado pag wala ako dito, dudumugin tong kumag na to, haha.
Kita ko ang asar na reaksyon sa mukha niya.
Nga naman. Nakakatapak ng ego yung matalo ng babae sa basketball ang lalaki.
"Mahina ka pala sa basketball, eh!" Pang-aasar ko pa lalo sa kanya. Dahilan para mas lalo siyang maasar.
Gusto ko siyang naaasar lagi kasi ang cute niy-ko. Ang cute ko!
Naglaro pa kami ng ibang pwedeng laruin. Hanggang sa napagod kami.
"Tara na ipapalit na natin tong mga ticket!" ako at tinalikuran siya at pumunta dun sa nagpapapalit.
Umabot ng 16,000 ang ticket namin. Buong maghapon din naman kasi kaming naglaro diba.
Naghanap kami ng mga bagay na pwedeng ipalit. Nahagip ng mata ko ang isang Harry Potter book collection. 15,600 yung kailangan dun. Pasok naman, eh kaso nga. Hindi lang naman sa akin tong ticket. Kay Harvey din!
"Yung Harry Potter book collection na lang at yung necklace na hugis heart na yun" hindi ako yan, ah. Si Harvey yun!
Napatingin ako sa kanya.
400 na ticket yung kailangan para dun sa kwintas. So sakto na!
Binigay na nung babae na nagpapalit yung sinabi ni Harvey.
"Thank you for coming, sir, ma'am" siya.
Pero dahil isa akong dakilang masungit, inikutan ko lang naman ng mata yung babae.
At umalis na.
"Oh, sa'yo 'to!" Sabi ni Harvey at inabot sa akin yung kwintas at yung Harry Potter book collection.
Nagningning ang mata ko.
"Talaga?! Akin na 'to?!" Parang di makapaniwalang saad ko.
"Oo, pero may kondisyon" siya at ngumisi. Unti-unting nawala ang ngiti ko.
Nga naman. Parehas naming pinaghirapan ang mga ticket na yun tapos mapupunta lang sa akin lahat. Aba, sobrang bait na ng kumag na 'to kung wala yung kondisyon.
"Ano?" Nakataas kilay kong saad. Mataray mode naman tayo ngayon!
"Kumanta ka dun!" Siya at tinuro yung video oke. Walang kumakanta dun ngayon.
"Kala ko mahirap, pakakantahin mo lang pala ako!" Nakahinga ng maluwag kong saad.
Kaya lumapit na ako dun sa may video oke at nagsimula maghanap ng kakantahin dun sa may booklet.
At napili ko ang kantang 'Silent Scream' ni Anna Blue. Ito ang gusto kong sabihin sa kanila noon. Hanggang ngayon....
...
***
EDITED.