Chariz's Point of View Nang makapasok na ako sa hospital, nakita ko sila ni Angel kasama ang mga mommy and daddy nila. Umiiyak si Angel at ang mommy nila habang ang daddy naman nila ay walang imik. Lumapit ako sa kanila. Nang makita ako ni Angel bigla niya akong niyakap. Yinakap ko siya pabalik at hinaplos-haplos ang likod niya. Parehas kaming humahagulgol. "K-Kasalanan ko to, Cha-Chariz, kung sana hindi ako p-pumayag sa gusto ni D-Dem, h-hindi s-sana mangyayari 'to, huhuhu" saad niya. Umiling ako. "W-Wala kang k-kasalanan, A-Angel. K-Kasalanan ko 'to dahil hindi ko i-ipinaglaban na mag-stay l-lang tayo sa bahay ni X-Xzy, huhuhu" Parehas kaming humagulgol. Maya-maya pa ay dumating na si Bane. "Ano nasan na si Xzy?!" Tanong ni Bane. Itinuro ni Angel ang ER. Biglang napasandal si

