Harvey's Point of View "AT NANIWALA KA NAMAN!?" Sigaw sa akin ni Hilarryie dahilan para mapatahimik ako. "Gusto mo bang malaman?! Sige, ik-kwento ko sa'yo LAHAT ng kwinento niya sa akin. Nang ma-guilty ka sa ginawa mo!" Pagtataray niya sa akin. Gaya ng sinabi niya, ikwinento niya nga sa'kin yun. Napatulala ako matapos niya ikwento lahat yun. Sinabi niya rin sa akin na muntik nang magpakamatay si Xzy kagabi. Bakit parang nasasaktan din ako? Bakit parang nakokonsensya ako? "Kita mo kung anong sinayang mo kuya!? Kung para sa'yo mabait na si Ate Angel, MAS mabait sa kanya si Ate Xzy! Dahil tingnan mo nga! Kung ibang kambal yun, hindi makikipagpalit ng test paper at quizzes gaya ng ginawa ni Ate Xzy! Isa siyang martyr kuya! Tiniis niya lahat ng ginawa sa kanya ng mga magulang nila! Ngayon

