Lumipas ang mga araw at naipagdiwang ng pamilya nila Troy at Michelle ang kapaskuhan at Bagong Taon ng masaya sa kabila ng mga pinagdadaanan nila. Bukod sa buntis si Michelle at sa plano nilang pagpapakasal ni Troy, nabawasan ng kaunti ang problemang alalahanin ni Troy sa kumpanya nila. Nakahinga ng maluwag si Troy dahil doon pero hindi pa rin nito mababago ang katotohanang may mas malaki pa siyang problemang kailangang lutasin. Lumipas ang ilang araw na umaasa si Michelle na magagawa nang sabihin ni Troy sa kanya ang tungkol sa nawawalang kapatid ni Zach pero wala pa rin. Umasa siya na magiging dahilan ang mga magagandang nangyari sa kanila para buksan ni Troy ang usaping `yon sa kanya pero hindi pa rin. Dumating na siya sa puntong gusto na niyang sabihin ang mga nalalaman niya pero may

