"Troy, sure ka na rito? Handa ka na bang harapin sila?" ani Drew. Nakaparada na ang sasakyan ni Troy sa tapat ng bahay ng pakay nila. Bumuntong hininga si Troy at saka muling binuksan ang sobre na naglalaman ng DNA result na pinagawa niya. "Desidido na ko, Drew. All this time, nakakasama na pala namin siya. After seeing this result, malinaw na malinaw na hindi si Jayden ang nawawala kong anak." Napatango na lamang si Drew. Lumabas na sila ng sasakyan at nagtungo kaagad sa gate. Ito na araw na pinakahihintay niya. Lumipas na ang maraming araw na hindi nila nakakasama ang nawawalang kakambal ni Zach, ngayon, gusto na niyang tuldukan ang lahat at makapagsimula na muli sila ng kanyang pamilya. Ilang minuto pagkatapos pindutin ang doorbell, lumabas ang isang matandang lalaki. "May maitutu

