Halos isang buwan na pero hindi pa rin nagpaparamdam si Michelle sa kanya. Lalo siyang nag-aalala ngayon dahil napabalita sa telebisyon ang pagkabisto sa illegal na negosyo na pinamumunuan ng ama ni Michelle. Sinubukan niyang puntahan ito sa bahay ng mga Rodriquez pero hindi ito nagpatuloy dahil bantay sarado ang bahay nila ng mga pulis at may ilang media ang nandoon. Hindi na nito magawang macontact ang numero ng dalaga, maging ang Yahoo Messenger account nito ay hindi na niya napapansing bumubukas. Labis na siyang nag-aalala para kay Michelle. Gusto niya itong damayan sa problemang kinahaharap nila ngayon pero hindi niya alam kung paano.
Nasa kanyang silid si Troy, nag-aaral para sa darating na finals ng may kumatok sa kanyang kuwarto. Kaagad niya itong pinagbuksan at laking gulat niya kung sino ang nakita niya. "Ano'ng kailangan mo, Drew? Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?"
"May gustong ipasabi sa `yo si Michelle."
Parang nasabik si Troy ng marinig ang pangalan ni Michelle. Pinatuloy niya sa kanyang kuwarto si Drew at naupo sa bakanteng silya sa harapan nito. "Kumusta si Michelle ngayon? Bakit hindi niya ako tinetext o chinachat? Hindi ko na rin siya makausap." ani Troy.
Kinuha ni Drew ang isang papel sa bulsa ng uniporme niya at inabot ito kay Troy. "Basahin mo `yan pag-alis ko. Okay lang si Michelle pero mas naghigpit ang Papa niya lalo na sa tuwing magkikita kayo kaya ipinagbawal niya ang kahit anong koneksyon sa `yo. Cellphone, computer, lahat."
"Bakit? Ano'ng kinalaman ko rito? Wala naman akong matandaan na ginawa ko para ikasama ng loob nila." batid sa tono ng pananalita ni Troy ang pagtataka.
"Maging kami, wala ring ideya kung bakit. Have you heard the news about his father? Kaya mas lalo silang naghigpit para sa safety ng pamilya nila. Maraming nabangga ang Papa nils na malalaking sindikatong sangkot sa illegal na negosyo niya at lahat ng `yon, galit sa Papa niya dahil nahuli sila habang si Sir Albert ay malaya pa rin at ginagawa na ang lahat para malinis ang pangalan niya. Papa ko ang acting mayor ngayon habang hindi pa natatapos ni Sir Albert ang mga plano niya."
"Wala bang ibang paraan para makita o makausap ko si Michelle?"
"Pasensya na, Troy, wala akong maitutulong sa `yo diyan. Pinakiusapan lang ako ni Michelle na sabihim sa `yo na okay lang siya at sorry kung hindi ka niya makausap," tumayo na mula sa pagkakaupo niya si Drew at inayos na ang kanyang uniporme. "Hindi na ako magtatagal pa, Troy. May klase pa ko ngayon. Pinakiusapan lang din niya ako na iabot sa `yo `yong sulat niya. Importante raw na mabasa mo kaagad `yon."
"Maraming salamat, Drew. Malaking bagay na sa `kin `to."
Hinatid ni Troy palabas ng kanilang bahay si Drew at nagpaalam na. Sunod siyang nagtungo sa duyan na nasa kanilang hardin at naupo roon. Binuklat niya ang liham na ipinadala ni Michelle sa kanya.
Troy,
Pasensya ka na kung ilang araw o linggo akong hindi nakapagparamdam sa `yo. Bigla kasing nagbago ang lahat dito sa bahay. Lahat kami walang ideya kung ano na ang nangyayari. Until one day, hindi na ko pinapayagan ni Papa makipagkita sa `yo. Kinumpiska niya ang cellphone at laptop ko. Araw-araw, sa bahay at school nalang ako. Wala rin akong ideya kung bakit pero isa lang ang sigurado ako; hindi ko kaya ang hindi ka makita. Please, save me. Magkita tayo mamayang 11:00PM sa likod ng bahay namin. Hihintayin kita, Troy.
Matapos mabasa ang liham mula kay Michelle, hindi na nagdalawang isip si Troy. Ano man ang mangyari, pupuntahan niya si Michelle.
Mag-aalas onse na nang gabi ng makarating sila Troy at Charles sa likod ng bahay nila Michelle kagaya ng bilin nito sa liham. No'ng una, wala siyang planong isama si Charles dito pero napagtanto niya na kakailanganin niya ang lahat ng tulong na mabibigay nito kahit pa labag sa kalooban niya ang pagsama rito.
"Ano na ngayon, Brad? Paano natin malalaman kung nasa likod ng mataas na pader na `yan ang jowa mo? Hindi ka puwedeng sumigaw diyan at tawagin siya, baka marinig tayo ng mga bodyguard na nandiyan." ani Charles.
Bumusina ng malakas si Troy. Lumabas ito ng sasakyan sa pagbabaka sakaling makakita ng senyales na naroon na si Michelle sa likuran ng pader. Sinenyasan ni Troy si Charles na pindutin muli ang busina. Sa pagkakataong ito, positibo na nandoon sa likod ng pader na `yon si Michelle. Pansin nito na kasabay ng pagtunog ng busina ng kanilang sasakyan, may mga bato na bumabagsak harapan niya na nanggaling sa kabilang parte ng pader.
"Charles, pahiram ako ng cellphone mo." ani Troy.
"Bakit? Ano'ng gagawin mo?"
"Basta pahiram na ko."
Nag-aalangang inabot ni Charles ang telepono niya kay Troy. Kumuha si Troy ng isang tshirt sa compartment ng kanilang sasakyan at binalot doon ang telepono. Naglakad ito patungo sa pader at hinagis sa kabilang parte ang telepono ng kanyang pinsan. Nanlaki ang mga mata ni Charles sa ginawa niya kaya napalabas ito ng kotse at pinuntahan ito.
"Nasisiraan ka na ba? Bakit mo binato do'n cellphone ko?" bulalas ni Charles.
Hindi pinansin ni Troy ang paghuhurementado ng kanyang pinsan. Kinuha nito ang kanyang telepono at sinubukang tawagan ang telepono ni Charles na nasa kabilang parte ng pader. Nagbabaka sakali siyang si Michelle nga ang nasa likod ng pader at makuha nito ang telepono.
Matapos ang ilang ring, sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag ni Troy. "Troy?"
Nakahinga ng maluwag si Troy ng marinig ang boses ni Michelle sa kabilang linya. "Ako nga `to. Paano ka namin mailalabas d'yan?"
"Abangan mo lang ako diyan sa kabila."
Ibinaba na ni Michelle ang tawag. Isinuot na nito ang bag na hinanda niya at nagtungo sa hagdanan na palihim na kinuha nilang dalawa ni Drew. Hindi ganoon kahalata ang hagdanan dahil natatakpan ito ng puno. Huminga ng malalim si Michelle at nagdalawang isip kung kakayanin niya bang akyatin ang mataas na pader na `yon. Tinignan niya muna mula sa ibaba kung gaano kataas ang susubukan niyang akyatin at doon pa lang, nalulula na siya. Pero tinanggal na niya ang mga agam-agam niya. Pinaghandaan na niya ito kaya wala ng atrasan pa.
Sinimulan na niyang akyatin ang hagdanan. Dahan-dahan dahil hindi niya rin sigurado kung maayos ba ang pagkakatayo nila ni Drew dito. Nasa kalagitnaan na siya ng pader ng makarinig siya ng pagsigaw mula sa isang lalaki. Nilingon niya kung saan nanggaling `yon at napagtanto niyang galing `yon sa isang bantay nila. Pinatunog nito ang fire alarm ng kanilang bahay na siyang ikinabahala ni Michelle kaya binilisan na niya ang pag-akyat sa pader. Maging sila Troy at Charles, natataranta na dahil sa ingay na narinig nila.
Narating na ni Michelle ang tuktok ng pader. Nakita kaagad `yon ni Troy at dali-daling nagtungo sa ibabang parte upang abangan si Michelle. Mas lalong nalula si Michelle sa nakikita niya. Nakaramdam siya ng kaba sa pagtalon.
"Michelle! Tumalon ka na!" sigaw ni Troy mula sa ibaba.
Nilingon niya sa baba si Troy, nakahanda na itong saluin siya. Dumarami na rin ang mga tauhan ng kanyang ama na papunta sa kinaroroonan niya. Huminga ito ng malalim at sinipa ang hagdanan para matumba ito sa kinalalagyan niya. Sinulyapan nito si Troy at ganoon pa rin ang posisyon niya, handa siyang saluin. Sa bilang niyang tatlo, tumalon na ito at nasalo naman siya si Troy. Niyakap niya ng mahigpit si Troy at hindi nito napigilang maluha.
"You're safe now." bigkas ni Troy.
Ibinaba na niya mula sa pagkakakarga niya si Michelle at dali-daling nagtungo sa sasakyan. Mabilis na minaneho ni Charles ang sasakyan upang makalayo kaagad sa bahay nila Michelle.
"Saan mo na balak pumunta ngayon, miss? Ayokong madawit dito, huh?" ani Charles.
Nagkatinginan naman sila Michelle at Troy. "Hindi ko pa alam kung saan."
"Hindi mo pa alam o wala ka talagang mapupuntahan?" prangkang sagot ni Charles. "Pasensya na, gusto ko lang malaman. Tutal naman nandito na ako at dinamay na ko ni Troy, sagarin na natin. Now, tell me."
"Wala akong alam na puwedeng puntahan." ani Michelle.
"Ganyan dapat ang sagot. Diretso at totoo, para hindi na tayo mahirapan pa. Ako na bahala sa lugar."
Mag-aala una na nang madaling araw ng makarating sa Cainta sila Troy, Michelle at Charles. Habang hinihintay `yong susundo sa kanila, napagdesisyunan ng tatlo na kumain muna sa isang fast food restaurant.
"Paano ba nagsimuls `yon, Michelle? Ano bang nagawa ko sa Papa mo at ayaw niya tayong magkita?" panimula ni Troy.
"Hindi ko alam, Troy. Basta isang araw umuwi nalang siya at kinuha `yong mga gamit ko. Kahit sila Mama, wala ring alam sa dahilan. Bigla nalang niya akong pinaghigpitan at pinagbawalang makalapit sa `yo." ani Michelle.
"Pati ba `yong issue sa kanya na human trafficing at drugs, wala kayong alam? Laman ng balita ngayon `yon, ah." sabat naman ni Charles.
Tinignan lang siya ng masama ni Troy dahil sa pagiging insensitive sa usapan at nagkibit balikat nalang si Charles. "Huwag mo nalang siyang pansinin. Bakit mo namang naisipang umalis sa inyo? Panigurado, galit na galit na ang Papa mo. Baka mas lalong magalit pa `yon kapag nalaman niyang ako ang kasama mo."
"Hindi ko na naisip `yon, Troy. Ang gusto nalang is makaalis sa bahay na `yon, makalaya at makasama ka."
Biglang pinalo ni Charles ng malakas ang mesa dahilan para mapukaw niya ang atensyon ng iba pang kumakain. Hindi naman maipinta ang mga ngiti sa labi ni Troy ng marinig niya `yon pero sinubukan niyang pigilan upang hindi mahalata.
Ilang saglit lang ay dumating na ang kanina pa nilang hinihintay. Mukha itong bagong gising at naistorbo sa mahimbing na pagkakatulog. Naupo ito sa tabi ni Charles at kumuha ng french fries na mesa nito.
"Si Sylvia `yan, girlfriend ni Charles." pagpapakilala naman ni Troy kay Sylvia. Tumango nalang si Michelle at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ano bang mayroon, Charles, at ganitong oras bigla mong naisipang puntahan ako? Alam mo naman na may pasok pa ako bukas!" sermon ni Sylvia kay Charles.
"Pasensya ka na, mahal. Wala na kasi kaming ibang maisip na puwedeng puntahan. Ito kasi jowa ni Troy," nahinto si Charles sa pagsasalita ng biglang umarte na parang may ubo si Troy. "Okay, itong kaibigan ni Troy, wala kasing matutuluyan. Kung p'wede sana, sa `yo muna."
"Pasensya na sa abala, Sylvia. Willing naman akong makihati ng expenses mo sa bahay. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan ngayon. Please." pagmamakaawa ni Michelle.
Tinignan ni Sylvia si Michelle at pinagmasdan. Nagpatango-tango naman ito. "Maganda ang taste mo, Troy, huh."
"Sylvia!" bulalas ni Troy.
"Okay, okay! Huwag mo kong sigawan," umayos ng pagkakaupo si Sylvia at hinawi ang buhok. "Fine, I'll help. Basta kaibigan nila Charles at Troy, kaibigan ko na rin."
Sobrang tuwa ang nararamdaman ni Michelle dahil nabawasan kahit papaano ang problema niya. Wala na siyang problema sa tutuluyan niya.
Matapos nilang kumain, naglakad na sila patungo sa tinitirahan ni Sylvia. Iniwan na lamang nila ang kotse ni Charles dahil wala naman daw itong pagpaparking-an. Masayang nagkukwentuhan ang magkasintahan habang sila Troy at Michelle sa likuran ay nanatiling tahimik lang.
Buwan na ng Nobyembre, malamig na ang simoy ng hangin at may ilang kabahayan silang nadaanan na may mga palamuti na. May mga nakasabit na ring mga maliliwanag na parol sa bawat poste ng ilaw. Napapaisip na si Troy. Ang bilis ng panahon. Ilang araw nalang, magpa-Pasko na. Sabik siya sa pagdating ng araw `yon dahil alam niyang naging masagana ang taon ng buong pamilya nila. Nagkaroon sila ng bagong miyembro sa pamilya at nakilala niya si Michelle. Sinulyapan niya ito at hindi niya maiwasang mapangiti.
Nakarating na sila sa bahay ni Sylvia. Hindi ganoon kalaki ang bahay ni Sylvia pero sakto lang para sa isang taong naninirahan. May espasyo para sa sala, may sariling kusina at palikuran at may isang kuwarto. Idagdag pa ang balkonahe sa kuwarto nito. Inilapag ni Michelle ang bag nito at nilibot ang buong bahay.
"Pasensya ka na, Michelle. Hindi ito kasing laki ng bahay niyo. Share lang din muna tayo sa kama since wala naman akong extra higaan at biglaan ang pagpunta mo rito." ani Sylvia.
"Walang kaso sa `kin `yon, Sylvia. Hindi naman ako maarte at sanay naman ako dahil minsan na rin naman kaming tumira sa ganito. Mas maliit pa nga." aniya. Lumapit si Michelle kay Sylvia at bigla itong niyakap na siyang kinagulat naman nito. "Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero maraming salamat at binuksan mo ang pintuan mo para sa`kin. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob."
Napangiti nalang si Sylvia at tinugon ang yakap nito. "Masaya ako at nakatulong ako kahit papaano." kumalas na sa pagkakayakap niya si Sylvia at hinarap si Michelle. "Gusto mo na ba matulog? O mag-uusap pa kayo ni Troy?"
Tinignan ni Michelle si Troy na kasalukuyang nasa balkonahe ng kuwarto nila. "Mag-uusap muna siguro kami."
"Okay. Ipagtitimpla ko muna kayong lahat ng kape."
Nagtungo na kaagad si Michelle sa kuwarto kung nasaan si Troy. Naabutan niya itong nakatingin sa kalangitan. Napagpasyahan niyang tabihan ito.
"Maraming salamat talaga, Troy. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na kahit papaano, nakalaya ako." ani Michelle.
Nakangiting hinarap naman ni Troy si Michelle. "Basta masaya ka, masaya na rin ako para sa `yo," hinawakan ni Troy ang dalawang kamay ni Michelle. "Paano ka rito? Paano ka makakapasok sa school? Kakayanin mo ba?"
"Napag-isipan ko na rin `yan, Troy. Titigil muna ako sa pag-aaral this school year. Seryoso ako sa gusto ko munang makawala sa pamilya ko, kay Papa. Hindi ko talaga siya maintundihan at kung ano ang pinanggagalingan niya. Sobrang stress sa bahay ngayon. Nawithdraw ko na rin lahat ng savings ko dahil alam ko kapag nangyari na `to, ififreeze ni Papa ang lahat ng accounts ko. Alam kong mag-aalala sila sa `kin pero kaunting sakripisyo muna."
"Alam mo, pinag-isipan ko na rin `to kanina habang nasa biyahe tayo papunta rito," hinigpitan ni Troy ang pagkakahawak sa kamay ni Michelle at hinila ito palapit sa kanya. "Michelle, I do like you. The first time I saw you, I already fell in love with you. In denial pa ko no'ng una dahil kakakilala lang natin pero ganoon na kaagad ang nararamdaman ko. Pero nakumpirma ko sa sarili ko na tama ako, na gusto talaga kita. Gusto kitang protektahan. Gusto kita palaging kasama. Gusto kitang nakikitang masaya. Hindi buo ang araw ko kapag hindi tayo nagkakausap o nagkakavideo call sa YM. Hindi ko na maitanggi sa sarili ko na gusto talaga kita. No'ng mga panahon na hindi tayo nagkakausap, wala akong ibang naisip kung hindi, kumusta ka o kung ano na ang lagay mo, kung nagawa ba akong mali para `di mo ko kausapin. Nawiwindang na ko. Kaya no'ng nagkaroon ng pagkakataon na magkita tauo ngayon, hindi na ako nagdalawang isip. Gusto rin kitang makasama. Gusto kitang makasama ngayong kailangan mo ako. I don't care if you don't feel the same. Masaya na ko sa ganoon lang."
Hinila pa ni Troy palapit sa kanya si Michelle at sa isang iglap lang ay inangkin nito ang mga labi ng dalaga. Hinawakan nito ang baywang ng dalaga at kumalas sa pagkakahalik nito. Humalik ito sa noo niya at tinitigan ito sa mga mata niya. "Mahal kita at gusto kong makasama ka pa ng mas matagal. Sasamahan kita sa laban na `to. Hindi kita iiwan. "
"Mahal din kita, Troy."
Yumakap si Michelle sa leeg ni Troy at siniil ito ng halik na siyang tinugon naman ng binata.
Saksi ang buwan at ang mga bituin sa umusbong na pagmamahalan nila Troy at Michelle. Alam na nila kung ano ang kahaharapin nilang mga pagsubok pero alam din nila sa mga sarili nila na handa silang dalawa. Nagsimula ang pagmamahalan nilang dalawa na sinusubok kaagad sila ng pagkakataon kaya tiwala sila na mga darating na panahon na susubukin pa sila, handa sila, mas malakas at haharapin ng magkasama.