Troy Mercado Anim na taon ang nakalipas. "Manang, aalis na po ako. Punta na po akong school." paalam ko kay Manang habang naglalakad patungo sa pintuan ng aming bahay "Sige, hijo. Ingat sa pagmamaneho. " pagpa-paalala niya "Opo Manang." Matapos kong magpaalam kay Manang, agad akong nagtungo sa garahe at kinuha `yong kotse. I'll be going to school to fetch my son. Along Chino Roces Ave., biglang napatawag ang pinsan kong si Charles. Kilala siyang vocalist ng isang banda rito sa Metro Manila. What does he need at this time? I answered the incoming call and switch the loudspeaker on. "Oh, Charles? Napatawag ka?" I asked inquisitively “Punta ka mamaya, huh. Sweldo ngayon. Maraming tatao sa bar ngayon.” sabi niya na mukhang nasasabik. "Alam mo namang hindi ako puwede, Charles. Isa

