Kasalukuyang nasa isang branch ng Starbucks sa Cubao sila Troy at Drew dahil sa biglaang pagpapatawag sa kanila ni Rachelle, kapatid ni Michelle, sa hindi malamang kadahilanan. Wala silang ideya kung bakit sila pinapapunta sa nasabing lugar pero isa lang ang dahilan na sinabi ni Rachelle sa kanila, may importante silang dapat pag-usapan. Dahil sa importanteng pag-uusap na ito, napilitang ipa-kansela nila Troy at Drew ang kani-kanilang mga lakad. Habang hinihintay ang pagdating ni Rachelle, um-order na muna sila ng kanilang makakain. Kilala na nila Troy at Drew ang isa’t isa dahil parehas silang konektado kay Michelle. Si Troy, bilang ang lalaking pinakamamahal at ama ng anak nila ni Michelle at si Drew bilang matalik na kaibigan ni Michelle. Pero sa kabila ng pagkaka-kilanlan nila sa isa’

