Michelle Rodriquez "Mommy, may we go out?" tanong ni ZJ sa `kin kasama ang ibang kaklase niya. "May bibilhin lang po kami sandali sa canteen tapos magwiwiwi rin po kami." paalam nito. "Okay. Just be here before the bell rings, okay?" Tumango naman sila ng mga kasama niya at naglakad na palabas ng classroom. Recess ng mga bata ngayon. Ang ibang bata ay nasa canteen para bumili or doon nalang kumain, habang ang iba naman ay naiwan dito sa classroom. Katatapos lang rin namin kumain ni ZJ at abala naman ako ngayon sa pagpapaskil ng ilang visual aids na gagamitin ko sa pagtuturo ko mamaya. Matapos kong mapaskil ang iba, naupo na ulit ako sa desk ko at pinagmasdan nalang ang ilan sa mga estudyante kong abala habang hinihintay tumunog ang bell. Some of them are having conversations with th

