Isang gabi, nagising nalang si Michelle dahil nakaramdam ito bigla ng pagka-uhaw. Bumangon ito sa kama nito at sinuot ang tsinelas sa ilalim ng kama nila. Pagkatayo niya, doon niyang napansin na wala pala sa tabi niya si Troy. At no'ng hinanap niya ito, natanaw niya ito na nakatulog sa mesa nito at mukhang nakatulugan ang mga ginagawa dahil sa naiwang nakabukas ang laptop nito. Nilapitan naman ito ni Michelle at tinapik para magising. "Troy. Troy, lumipat ka na sa kama. " Bumangon naman si Troy mula sa pagkakatulog nito at nagsimulang kusutin ang mata. Tinangka naman nitong kunin ang ilang papel sa harapan nito para ituloy ang ginagawa niya pero pinigilan ito ni Michelle. "Matulog ka na muna, Troy. Ilang araw ka na ring puyat. " "Pero kailangan ko `tong tapusin ngayon." pagpupumilit ni

