"Stop!" I whispered. Parang nawalan ako ng boses dahil sa kilig! Nag-iwas ako ng tingin sakanya para itago ang namumula kong pisngi.
"You're so cute, Akira! hahahahaha. Anyway, I have a serious question." Umupo siya nang deretso at humarap saakin. Napa-ayos din ako ng upo at biglang kinabahan.
"I was wondering..." Huminto ito saglit at tumingin nang deretso sa aking mata. Napakaganda ng mata nito. Ngayon ko lang napansin na kulay brown ang mga ito.
"Naniwala kaba sa sinabi ni Ran?" Dagdag niya. Nagulat ako sakanyang sinabi. Yung tungkol ba sa type niya?
"To be honest, no." Nakita ko ang saya sa mukha niya nang banggitin ko ang salitang 'no'.
"Really? Thank you! I was kinda nervous cause I really thought that you're gonna believe him." Relief was evident in his voice.
"Hahahahaha of course not. Unless ikaw mismo ang magsasabi saakin no." Nanlaki ang mata nito at mabilis na umiling.
"No! Believe me." Natawa ako at pinisil ang pisngi niya. Nagulat naman ito sa aking ginawa at biglang namula.
Nahihiya ba siya? hahahaha. Ang cute!
"Maniniwala lang ako sayo kapag binasa mo na saakin ang libro na 'to." Itinaas ko ang 'Noli Me Tangere' at iwinagayway ito sa harap niya. Mabilis pa sa alas-kwatro niyang kinuha ang libro at sinimulan itong basahin.
Ilang oras niya ring binabasa saakin ang libro. Hindi ko rin maiwasan ang maluha sa storya nina Basilio at kaniyang pamilya. Tinanong ko pa siya kung masakit na ang kaniyang lalamunan. Umiling ito at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nang matapos kami ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang sigurado lang ay galit ako kay Father Damaso.
"That was great." Wala sa sarili kong saad.
"Yeah. I love this book so much. And now it's time for part two." Bago niya kuhanin ang isa pang libro ay tinignan muna niya ang kanyang relo. A Rolex! Wow!
"Wait, it's already 5pm? I didn't notice the time! I guess you will read this before me." Inaabot niya ito saakin pero hindi ko ito tinanggap.
"No! We'll read it together during our next meeting." Ani ko. Wala itong nagawa kundi ang pumayag.
"Uhm Akira, may I get your number?" Tanong niya. Kaagad naman akong tumango at kinuha ang kanyang telepono. I quickly typed my number on his contacts. Pagkatapos ay isinauli ko na ito sakanya. Nakangiti niya itong tinanggap at linagay sa bulsa niya.
"Your braces suit you really well!" I complimented him.
"Really? I'm glad." Tumango ako sakanya bilang pagsang-ayon. Dahil anong oras na ay nagugutom na ako.
"Are you going home now?" Tanong niya. Umiling ako sakanya at sumagot. "No. I don't want to go home muna. I'll eat muna I think."
"Can I join you?" Him.
"Yes!"
"Great! I will take you somewhere! Do you like ice cream?" Tumayo na ito kaya ganon din ang aking ginawa.
"Hell yeah! Who wouldn't like ice cream?" I answered. Natawa naman ito dahil hindi raw siya sanay na marinig akong magmura. I told him na masanay na siya.
Sasakay na sana ako sa aking kotse pero pinigilan niya ako. Pinilit niya ako na sakanyang sasakyan nalang ang aming gamitin. Siya na raw ang bahalang mag-uwi ng aking kotse. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pumayag.
Napakalinis at napakabango sa loob ng sasakyan niya! Para itong brand new.
"New car?" I curiously asked. Umiling ito saakin. "Oh I see! Siguro ay wala kang pinapasakay dine no? Takot madumihan yan?" Biro ko. Pero nagulat ako sa sagot niya!
"You're right. You're the first one hahaha." Natatawa niyang ani.
"Wait! What the heck? For real?" Bakas sa boses ko ang pagdududa.
"Yes! I'm not kidding. You can ask Ran and tita Rose." Napatanga ako at napatulala.
So I'm the first one? Hindi ko namalayan na napangiti ako sa aking iniisip. Kaagad akong tumingin sa bintana para hindi niya makita. Today is the best day! Crush naba itong nararamdaman ko? Ewan!
Habang nasa byahe ay nagkwentuhan lang kami. Hanggang sa makarating kami sa isang ice cream shop. Sa itsura palang ng tindahan ay mapapansin mo na hindi ito pangkaraniwan. The exterior looks fancy! Pagkababa namin ng sasakyan ay tinabihan kaagad ako ni Kalisto.
"Hey! Parang ang mahal naman ng mga ice cream dito. Daig pa ata ang magnum." Saad ko habang inililibot ang aking tingin sa paligid. The interior of the place looks fancy as well!
"Hahahaha no worries. Sulit naman dahil sobrang sarap. Trust me." Para akong nalula noong makita ko ang prices! Ang pinakamura ay 200 pesos! Napansin ata ni Kalisto ang pagkagulat ko kaya agad siyang nagsalita.
"My treat." Kumindat pa siya saakin at pumila sa counter. Sinenyasan niya ako na maupo sa isang lamesa. Kaagad naman akong sumunod at pumwesto sa pinakagilid. Sa hindi pansinin ng mga tao. Kinuha ko ang aking cellphone at nagbasa ng ebook habang hinihintay si Kalisto. Nahinto lang ako dahil sa ingay ng isang kakapasok lang na babae.
"Babe, please! Let's eat here. Try it. I promise you it's so delicious!" Tinignan ko kung sino ang mga ito. Ran and Sophie? Kaagad akong sumiksik sa gilid para hindi nila mapansin. Hinarang ko rin ang cellphone saakin mukha.
"Hey look! Is that Kalisto with 2 large ice cream? What's he doin' here?" Rinig kong saad ni Sophie. Patay! Hinihiling ko na hindi pumayag si Ran sa gusto ng girlfriend. Ngunit laking dismaya ko nang pumayag ito. Inilibot din niya ang kanyang paningin hanggang sa magtama ang aming mga mata. Kaagad siyang umiwas ng tingin. Nakita ko rin kung paano dumilim ang kanyang aura at umigting ang panga.
Sumunod siya sa kanyang nobya at pumila sa counter. Sakto rin na pabalik na si Kalisto dala-dala ang kaniyang inorder. Nang makita niya sila Ran ay binati niya kaagad ang mga ito. Nag-usap sila ngunit hindi ko na maintindihan dahil medyo malayo na sila sa pwesto ko.
Halos dalawang minuto silang nag-usap bago tumingin saakin si Kalisto at tinuro ako. Nagpaalam siya sa dalawa at lumapit na sa akin.
"Here! Cookies and Cream flavor!" Saglit na nawala sa isip ko si Ran dahil sa ice cream na nasa harap ko.
"Wow! This is my favorite flavor!" Kaagad kong kinuha ang isang serving at tinikman ito. Heaven! The best ice cream I've ever tasted.
"Thank you so much, Kal. This is so delicious." I said. He answered and said, "No problem! The best ice cream for the best girl."
"Tsk." Katulad kahapon, nabalin ang atensiyon namin kay Ran na ngayon ay masama nanamang nakatingin saamin.
Ano nanaman ang problema nito!?