"Can we join?" His girlfriend asked. Nakasuot ito ng color red bodycon dress. She looks gorgeous with it. Labag sa loob akong pumayag. Kaagad na tumabi saakin si Kalisto.
Sa harap niya ay naupo si Sophia habang sa harap ko naman si Ran. Dala-dala nila ang dalawang large ice cream na tingin ko ay strawberry and chocolate ang flavor. May mga stick-o's din ito at sprinkles. Mukhang masarap. Pero wala paring makakatalo sa cookies and cream flavor!
Nang dumapo saakin ang mata ni Sophia ay mababakas dito ang pagkagulat.
"Ran's tutor?" She blurted out.
"Hi? hahahaha." Katulad ng una naming pagkikita, ganoon nanaman ang naging sagot ko! Gusto kong tampalin ang noo ko dahil halatang-halata na hindi ko alam ang sasabihin.
"OMG! Nice choice huh." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nice choice on what?
Pagkatapos non ay wala na ulit nagsalita. Naging tahimik ang paligid kaya kaagad kong linantakan ang aking pagkain.
Habang inuubos ko ito ay may isang kamay ang pumunas sa gilid ng aking mga labi.
"You have ice cream here." Kaagad na namula ang aking mukha kaya mabilis akong kumuha ng tissue at iniharang yon sa aking bigbig at mga pisngi. Nang mapunasan ko na ang paligid ng aking labi ay humarap ako kay Kalisto. Siya ang nag-alis ng ice cream sa aking mukha.
"Meron pa ba?" Nahihiya kong tanong. Umiling ito habang nakangiti. I swear, those dang braces look really good on him! Parang ginawa ang mga ito para lang sakanya.
"How sweet. Is there something between you guys." Nabaling ang aking atensiyon kay Sophia na ngayon ay may nang-aasar na ngiti.
Kaagad akong umiling para sabihing hindi. Nag-taas ito ng kilay na parang hindi naniniwala. "Really?" Tumango ako nang magtanong ulit ito.
Nagkibit balikat lang ito at tila hindi parin sang-ayon sa aking sagot. Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa maubos ito. Iniligpit namin ang pinagkainan para hindi na mahirapan ang mga naglilinis. In this simple way, nakakatulong kami sakanila.
Akala ko ay hindi na sila sasama pero nagulat ako nang sumabay sila saamin! Pagkalabas namin ng shop ay inaya nila kaming magmall. Dahil wala naman akong gagawin ay pumayag ako. Ganoon din si Kalisto.
Nakasunod lang kami dahil nasa harapan namin sila. Minsan ay humihinto kami sa mga boutique dahil kay Sophia. Ilang bags narin ang hawak ni Ran. Ngayon naman ay dumaan kami sa miniso. Ang daming mga cute na stuffed toys!
Habang busy sila sa pagpili ay naglibot muna ako. Hanggang sa makakita ako ng isang blue penguin stuffed toy! Parang si Kalisto dahil sa ngiti. Napaka cute! Kaagad akong kumuha ng dalawa. Ang isa ay para sakanya. Kumuha rin ako ng isang pink. Dahil madaming counter dito ay kaagad akong nagcheck out.
Pagkabalik ko sa entrance ay nakita kong nakapila na sina Ran. Ngayon din ay mayroon silang suot ni Sophia na parang cat ears headband. They both look cute! Napaisip tuloy ako kung kailan darating ang akin.
Pagkacheck-out nila ay umalis na kami. Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Ran.
"Hey, Kalisto. Do you like 'ate' Akira?" Nahinto kami sa paglalakad. What the hell?
Walang nagsalita saamin. Dahil sa hiya ay kaagad akong tumakbo palayo! Ayaw ko ring marinig ang sagot ni Kalisto. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin. Nang makalayo ako ay saka ko naalala na wala pala akong dalang kotse!
Wala akong nagawa kung hindi maghintay ng taxi. Pagkasakay ko ay kaagad kong isinandal ang aking sarili sa upuan. Gabi na pala. Habang nasa byahe ay napatingin ako sa cellphone ko, bigla itong nagring.
[Jana-na is calling...]
Sakto! Kaagad kong pinindot ang answer button.
"AKIRAAAAA! I MISSS YOUU SO MUCH!!! WHEN WILL YOU GO HERE!?" Nalayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa pagsigaw nito.
"Maybe school break? I can't now because school will start soon." Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay. Kaagad akong nagbayad at pumasok sa loob.
"Hello? Sorry I just got back home." Pagpapaumanhin ko sakanya.
"Visite here, please? Just for few days? Pretty please." Naiimagine ko ang mukha niya na nagpapabebe habang sinasabi yan. Natawa naman ako bigla.
"Hahahahaha I'll think about it." I answered. Kukulitin niya sana ako pero naputol ang kanyang sinasabi.
"Nooo! Just go he-"
"Jana, I think I like someone." Katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Ni-check ko pa ang aking cellphone kung nasa call paba siya. Ilang segundo pa ang lumipas, ang nakakabinging boses niya ang nagreyna.
"AAAAAAAAAAAA!!! OMG OMG! IS THIS FOR REAL?" Saad niya na hindi makapaniwala.
"Yes. But I'm not sure."
"Tell me. Anong nararamdaman mo kapag kasama mo siya?" Inisip ko ang dalawang araw na magkasama kami at kwinento ito sakanya. Ang pagbilis ng t***k ng puso ko, ang biglaan kong pagngiti, ang pamumula ko, at ang kakaiba kong nararamdaman ay sinabi ko lahat sakanya.
"OMG girl! I think na love at first sight ka sakanya. Kyahh!!! What's his personality?" Tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagkasabik.
"He's kind, tall, smart, and handsome. I like being around him. We have the same interests, just like reading books!" I described Kalisto.
"I see. He likes books! No wonder you like him." Alam din ni Jana ang gustong-gusto ko sa isang lalaki. Kaya alam niya na dahil sa mahilig sa libro si Kalisto kaya niya nakuha ang atensiyon ko. Plus points nalang ang pagiging mabait niya at ang itsura niya.
"How about you? Anong situation niyo ni Phillip?" I asked her. Naramdaman ko ang biglaan niyang paghinto.
"We broke up. I left him." Parang nagdiwang ang puso ko dahil sa narinig. Si Phillip ay ang nobyo niya. Palagi itong nagloloko kay Jana, pero etong isa naman ay palagi siyang pinapatawad. Kaya sobrang saya ko ngayon na hiwalay na sila.
"Hmmm. Don't be sad, Jana. There's plenty of fish in the sea. Makakahanap ka rin ng para sa iyo. Yung hindi ka lolokohin." After I said that, narinig ko ang munting hagulgol niya. Parang nabibiyak ang puso ko. Jana is like a sister to me. I don't want to see her hurting.
Dahil hindi ko maatim ang marinig siyang umiyak, pinatay ko ang tawag. I texted and told her that everything will be alright.
Papatayin ko na sana ang cellphone ko ngunit may biglang nagmessage.
[1 new message]
unknown: Hey, Akira. It's me
Kalisto. why did you
ran away? Please text
back I'm worried.