Chapter 4

2125 Words
PABAGSAK na umupo sina Cray sa upuan ng van. Pagod sila at gutom pa. Lagpas alas-nuwebe na sila natapos sa rehearsal nila. Napapikit si Cray sa sobrang pagod. Gusto na nyang mahiga sa kama at matulog ng mahimbing. "Nakakapagod!" Jace exclaimed. "Nakakagutom." Nakangusong saad si Asher. "I want to sleep." Saad naman ni Archer. Habang ang katabi naman nyang si Kaiden ay tahimik lang. Sa grupo nila, ito ang pinakatahimik. Napamulat sya ng bumukas at sumara ang pinto ng front seat. Nakita nya si Ice na nagtitipa ng cellphone nito. Napaisip naman sya. Sino naman kaya ang ka-text nito. Si Zaver kaya na kinatagpo nito noong nakaraang gabi. Gustong-gusto tuloy nyang makita ang lalaking 'yon. Gusto nyang malaman kung sino sa kanila ang mas gwapo. Pero syempre, para sa kanya ay mas gwapo sya. "Gutom na ba kayo?" Tanong ni Ice na nasa cellphone parin ang atensyon. Ni ayaw kaming lingunin. Ganon ba ka-importante ang ka-text nya para hindi kami lingunin. Nagdadabog na sabi nya sa isip. Ipinikit nalang nya ang mga mata para hindi mainis sa nakikita. "Super! I think I'm going to die on starving." Napairap sya sa isip dahil sa sinabi ni Asher. Sa kanilang lahat ay ito talaga ang pinakamatakaw. Narinig nyang natawa si Archer. "Breaking news of the day. Isang idol namatay dahil sa gutom. Pinapangalanang Asher Moore." "Yeah right. Funny Arc. Funny." "Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Saway ni Kaiden sa mga ito. Mahina ang mga boses na nagbangayan sina Asher at Archer. "Dadaan lang tayo sa The Palace para kumuha ng pagkain then uuwi na tayo." Narinig nyang sabi ni Ice. "Okay!" Sabay na sagot ng apat habang sya ay hindi sumagot. Wala sya sa mood para makisagot. Naramdaman nyang umandar ang sasakyan kaya mas isinandal pa nya ang sarili sa upuan. Pagod ang katawan nya at gusto na nyang magpahinga dahil bukas ay balik insayo na naman sila. Napadilat sya ng tumigil ang sasakyan saka bumukas ang pinto na nasa gilid nya. Bumungad sa kanya ang mga crew ng restaurant. Alam nya dahil sa suot nitong uniform. May dala itong limang paper bag na alam nyang pagkain. Si Asher agad ang kumuha nito at tinulongan ito ni Jace. "Foods." Masigla nitong sabi ng silipin ang loob ng paper bag. "Salamat." "Walang anoman sir. Enjoy your foods." Habang nilalagay ng lalaki ang ibang paper bag sa sasakyan ay napatingin sya sa harap nya. May lalaking nakadungaw doon. Hindi nya maitatanggi na may itsura ito pero alam nya sa sarili nya na mas gwapo sya. Syempre, sabi ng mommy nya. "You haven't eaten dinner yet?" Tanong nito kay Ice. "Nah. Katatapos lang ng rehearsal nila." Nanliit ang mga mata nyang maliit na dahil kinausap ito ni Ice habang wala sa ibang bagay ang atensyon. Samantalang kapag sila ang kinakausap ay hindi ito tumitingin sa kanila. Nagtatampo na sya dito. Sinamaan nya ng tingin ang binata na kausap ni Ice ng tumingin ito sa kanya pero nginitian lang sya nito ng nakakaloko. Aba'y loko 'to ah! Bago pa nya masuntok ang binata ay huminga sya ng malalim. Ayaw nyang mapasama sa paningin ng dalaga. Alam nyang kahibangan ang naiisip nya. Hindi sya tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman nya para sa dalaga. Nagtatampo sya o kaya naman ay naiinis kapag kinakausap sila nito ng wala naman sa kanila ang atensyon. Nagseselos sya kapag may kausap itong iba o kaya naman ay nakitang may kasama o katagpong ibang lalaki. Alam nya sa sarili nya na nagugustohan na nya ang dalaga. Alam nyang kabaliwan ang magkagusto sa isang babae na kakilala nya lang pero anong magagawa nya kung 'yon ang nararamdaman ng puso nya. Kung ang iba ay gusto na nila ang isang babae sa una palang nitong pagkikita pero iba ang sa kanya. Nagustohan na nya agad si Miho ng una palang lumapat ang labi nito sa labi nya. It may sound crazy but that what's he feel. "Anyway, kita nalang tayo next week." "Okay. Thank you sa treat." Tumawa ang lalaki. "Anytime Icy baby. Bye." Nakita nya sa salamin kung paano umikot ang mga mata ni Miho. Shh... Wag kayong maingay, tatawagin ko lang syang Miho sa isip ko. Napailing ito ngunit may konting ngiti sa labi. "Bye." Sinara na nito ang bintana ng sasakyan. Umusok ang ilong nya sa tinawag ng binata dito. Icy baby my ass! *** AGAD NA pumunta ng kusina ang apat na binata ng makapasok sila sa bahay. Napailing sya. Mukhang gutom na gutom na talaga ang mga ito. Napatingin sya kay Cray ng papunta ito sa hagdan na patungong second floor. "Cray?" Huminto ito pero hindi sya nilingon. "Kakain na tayo." "Kayo nalang. Wala akong gana." Sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Napakunot-noo sya sa inasta nito. Sa maikling oras na nakilala nya ito ay isa itong masayahin na tao but now. What just happen to him? Napakibit balikat nalang sya saka sumunod sa apat sa kusina. Baka pagod lang ito kaya gusto ng magpahinga. Naiintindihan naman nya ito. Ganon din kasi sya kapag pagod sya galing opisina, minsan hindi na sya kumakain. Mas gusto pa nyang mahiga sa malambot na kama at matulog. "Where's Cray, Ice?" Bungad na tanong sa kanya ni Archer. Tinuro nya ang dinaanan ng binata kanina. "Wala daw syang gana eh." Napakunot-noo ulit sya ng magkatinginan ang apat. "Bakit?" Tanong nya saka umupo. "Ahm," palipat-lipat sya ng tingin sa apat. Napakamot sa batok si Asher. "Kasi, kapag walang ganang kumain si Cray ibig sabihin non masama ang pakiramdam nya o may dinaramdam sya." Bigla syang nag-alala sa binata. Kaya pala wala itong buhay kung magsalita kanina. Siguro nga ay masama ang pakiramdam nito. Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang pakiramdam kung sa loob ng apat na araw ay insayo lang ito ng insayo. Minsan lang kung magpahinga. "Dadalhan ko nalang sya ng pagkain mamaya." "No." Pigil nya kay Kaiden. "Ako na. Kumain nalang kayo saka magpahinga. Pagod kayong lahat." Wala ng umangal sa kanila sa sinabi nya. Sabay-sabay silang kumaing lima. Tahimik lang silang kumakain. Nang matapos silang kumain ay si Kaiden at Jace na ang naghugas ng pinggan. Sina Asher at Archer naman ay nauna na sa mga kwarto nito habang sya naman ay inihahanda ang pagkain na dadalhin nya sa kwarto ni Cray. "Una na kami Ice. Good night." Paalam sa kanya nina Kaiden at Jace na humihikab pa. "Good night." Hinatid nya ng tingin ang dalawa palabas sa kusina. Kumuha sya ng gamot sa isang drawer saka binitbit ang tray na may lamang pagkain at tubig kasama na ang gamot. "Cray." Kumatok sya ng nasa harap na sya ng pintuan ng kwarto ni Cray. "Cray, si Ice 'to." Hindi sumagot ang binata. Natutulog na kaya sya? Sinubukan nyang pihitin ang siradura, nagbabakasakaling hindi naka-lock at maswerte nga sya dahil hindi ito naka-lock. "Papasok ako." Tuloyan na nyang binuksan ang pinto. Lumibot sa buong silid ang tingin nya at huminto ito sa kama kung saan nakahiga ang binata. Hindi ito tulog, bagkos ay nakahiga ito habang tulala sa kisame. Para bang ang lalim ng iniisip nito. Lumapit sya dito. Inilapag ang tray sa bedside table nito saka sya umupo sa gilid ng kama. Mas lumalim ang gatla sa noo nya ng hindi man lang sya lingunin nito. "Hey!" Pinitik nya ang noo nito. "Ha?" Wala sa sariling sabi nito. Napahawak ito sa noo nito kung saan banda nya pinitik. Napakagat labi sya. Mukhang napalakas ata ang pagkakapitik nya dahil namula ito. "Masakit ba?" Hinaplos nya ang noo nito dahilan para mapatingin sa kanya ang binata. "Napalakas ata ang pitik ko. Sorry." Para itong natauhan na agad umupo mula sa pagkakahiga. "Hindi naman." Ngumiti ito ng bahagya. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Ni hindi ka man lang kumatok bago pumasok." Napataas-kilay sya sa sinabi nito saka napairap. "Kanina pa ako kumakatok pero sadyang bingi ka o masyado ka lang busy sa kada-daydream dyan kaya hindi mo narinig." Hindi nya maiwasang maging masungit dito. Ito pa ang may ganang magsabi na hindi man lang daw sya kumatok bago pumasok. Like duh! Baka nakakalimotan ng lalaking 'to na sa kanya ang bahay na 'to at nakikitira lang ito. "Sorry, hindi ko napansin." Napairap sya. "Bakit ka pala pumasok dito sa kwarto ko." "Dinalhan kita ng pagkain." Tinuro nya ang tray na may pagkain. "At gamot." Ito naman ang napakunot ng noo. "Gamot? Para sa akin?" "Oo. Alangan naman para sa aso." Umirap ulit sya. "Bakit mo naman ako dinalhan ng gamot?" Napabuntong-hininga sya. She need to calm herself. "Ang sabi kasi nila Asher, kapag wala ka daw ganang kumain either may sakit ka daw o may dinaramdam. Kaya dinalhan na kita ng gamot in case na may sakit ka nga." "May masakit nga akong dinaramdam." Napakunot-noo sya sa huli nitong sinabi. "Itong puso ko." "Anong sabi mo?" Hindi nya kasi narinig ang huli nitong sinabi. "Wala." Umupo ito ng maayos. "Salamat dito." Tumango lang sya saka umusog para makakain ng maayos ang binata. Napatingin sya sa paligid. Malinis ang buong kwarto maliban sa study table nito na puno ng papel. Siguro ay gumagawa ito ng kanta. Tumayo sya saka lumapit dito. Hindi nya hinawakan ang mga papel, tiningnan nya lang ito. Madaming mga papel na nakalukot sa ibabaw ng mesa. "Miho." She freeze for a seconds before turning her gaze on Cray who was looking at her with a shock face. Mukhang nagulat din ito sa tinawag sa kanya. "Sorry." Tumikhim ito at napakamot sa batok. "Well, pwede ba kitang tawaging Miho? Kung okay lang naman sayo. Pero kung hindi, okay lang din." Napayuko ito na animo'y nahihiya. Napakurap-kurap sya. Ito ang unang beses na may nagtanong sa kanya kung pwede ba syang tawagin sa ikalawa nyang pangalan. Nasanay sya na Ice ang tinatawag sa kanya. Lihim syang napahawak sa dibdib nya. Everytime she hear her second name, it pained her because it remind her of her parents. Ito lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Miho. Pero ng mawala na ang mga ito ay ang chief nalang nya ang tumatawag sa kanya non at minsan lang. Pero ng tawagin sya ni Cray ng Miho ay wala syang naramdaman na sakit sa puso nya bagkus ay parang nakaramdam sya ng saya. Napabuntong-hininga sya at napakibit-balikat. Ano ba 'tong mga nararamdaman nya? Hindi nya maintindihan. Pero siguro wala lang 'yon. Wala naman sigurong mawawala sa kanya kung hahayaan nya itong tawagin sya sa ikalawa nyang pangalan. Lumapit sya dito saka umupo sa pang-isahang upuan na malapit lang sa kama. "Well," napatingin ito sa kanya na para bang kinakabahan. Bahagya syang napatawa. Nakakatakot ba sya para kabahan ito. "Okay lang." Tila nakahinga ito ng maluwag. "Akala ko magagalit ka." "Bakit naman ako magagalit?" "Naririnig ko kasi na Ice palagi ang tinatawag sayo, at saka walang tumatawag sayo ng Miho. So, baka magalit ka." Napaiwas ito ng tingin sa kanya. "May pagkamasungit ka pa naman." Natawa sya sa huling sinabi nito dahilan para mapatingin sa kanya si Cray na may gulat. "Hindi naman ako masungit ah." Napalabi sya ng napakamot ito sa kilay. His cute when he did that. Gusto nyang matawa sa itsura nito ngayon dahil para itong isang estudyante na pinatawag sa principal office dahil may ginawang kasalanan. "Well." "Relax Cray." Natatawa nyang sabi. "I'm not gonna eat you." Huminga ito ng malalim saka ngumiti sa kanya. Napaiwas sya ng tingin ng maramdaman nyang namula ang magkabila nyang pisngi. Okay. What just happen to my face? Why did it heat in a cue? "Okay." Huminga sya ng malalim bago bumaling ulit sa binata. "Sorry kung tinawag kitang masungit." Sumandal sya sa sofa. "It's okay. I'm used to it. Anyway, bakit pala ako masungit para sayo?" "Well, hindi mo kasi kami pinapansin. Kinakausap mo naman kami, pero wala sa amin ang atensyon mo. Then few words ka lang and your fiercer look. Especially your blue eyes." "Ow!" Napa-o shape ang labi nya saka ngumiti. "My fiercer face." Napatango-tango sya. "Yon talaga ang napapansin ng ibang tao kapag una akong nakita. And about talking with you habang wala sa inyo ang atensyon ko, I'm working." "Working?" "Yeah. Checking every e-mail my secretary send to me. Dahil sa pansamantala nyo akong manager ay hindi muna ako pumapasok sa opisina ko." "Are we bothering you?" Nag-dadalawang isip na tanong nito. She smiled. "Nah. It's okay with me, so don't worry." Kinuha nya ang tray saka binuksan ang pinto. Pero bago tuloyang isara ang pinto ay nilingon muna nya ang binata. "Hindi kayo kailan man magiging abala sa akin. Magpahinga ka na. Goodnight." Hindi na nya hinintay pa ang sagot nito. Sinara na nya ang pinto saka bumaba. Ngumiti sya. She's starting to like those guys. Dahil sa mga ito ay hindi na tahimik ang bahay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD