Chapter 3

1476 Words
IT'S ALREADY midnight ng makauwi si Ice galing sa tambayan nila. Nagkainoman sila pero hindi ito sapat para malasing sya. She have high tolerance on alcohol, kaya hindi sya madaling malalasing. Sanay na syang makipag-inoman dahil 'yon ang gawain nilang magkakaibigan nong college pa sila. 'Yon lang ang pampatanggal ng stress nila. Nagulat sya ng makitang gising pa ang lima na nag-uusap sa sala pero hindi nya pinahalata. She's still wearing her blank face, sanay na syang hindi pinapakita ang emosyon nya. Kaya nga nasasabihan sya ng iba na bagay talaga sa kanya ang pangalan nyang Ice. Napatigil ang lima sa pag-uusap at pagtatawanan ng tuluyan na syang makapasok. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, maliban kay Cray na madilim ang mukha. Ano naman kaya ang problema ng lalaking 'to? Kung makatingin sa akin, akala mo may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya. As far as she know, ito ang may kasalanan sa kanya. Dahil sa pagnakaw nito sa first kiss nya. "Hi Ice." "Hi" Balik bati nya kay Asher. Yeah, kilala nya ang lima. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa Just For You? Sila lang naman ang limang kalalakihan na sikat at kinatitilian ng lahat ng babae. Pero kahit gaano pa kasikat ang lima at kagwapo ay hindi naman sya interesado dito. Alam nya lang ang mga pangalan nito dahil lagi nya itong nakikita sa mga magazine at telebisyon. "Bakit gising pa kayo?" "Hindi kami makatulog eh. Namamahay siguro kami." Napatango nalang sya sa sinagot ni Jace. "Eh ikaw? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Kunot-noo syang napabaling kay Cray na hanggang ngayon ay madilim parin ang mukha. Nagtataka sya kung bakit tinatanong nito kung bakit ngayon lang sya. Sa pagkakaalala nya ay kakakilala lang nila kanina ng dahil sa lolo nya. Magtatanong na sana sya ng biglang sikuhin ni Archer si Cray na magkatabi lang. Sa simpleng pagsiko ni Archer sa binata ay para itong nagising sa tanong nito kanina. Siguro dahil sa kahihiyan ay napayuko ito. "Sorry." Naghari ang katahimikan sa buong bahay. Walang naglakas loob na magsalita, kahit sya. Nagugulohan sya sa inakto ng binata, lalo na sa tanong nito. Napailing nalang sya at nagsimula ng maglakad paakyat ng hagdanan. Napahinto sya ng may tumawag sa pangalan nya. "Yes?" Lumapit sa kanya si Jace at may inabot itong isang pirasong papel. May pagtataka nya itong kinuha. Bago pa sya makapagtanong ay nagsalita ulit ang binata. "Pinabibigay ni CEO Finn sayo. Schedule namin 'yan habang nandito kami sa Pilipinas." "I see. Thank you." 'Yon lang sinabi nya at nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto nya. Nang makapasok sya ay nilagay nya ang papel na naglalaman ng schedule ng JFY band. Isa-isa na nyang hinubad ang lahat ng saplot nya at pumasok sa banyo. Nang matapos na syang maligo ay nagbihis sya ng isang short short saka maluwag na plain shirt at pabagsak na nahiga sa kama. NAGISING si Ice ng tumunog ang alarm clock nya. The heck! Paano nagkaroon ng alarm clock dito? Napairap nalang sya ng maalala ang lolo nya. Sigurado syang ito ang naglagay non at malakas ang kutob nya na may binabalak ito kaya pinatira nya ang boy band sa pamamahay nya. Kinuha nya sa bed-side table ang cellphone nya na nag-iingay. And oh! Speaking of her lolo. "Good morning Miho." Napa-poker face nalang sya sa itinawag ng lolo nya sa kanya. Natatawag lang naman sya nitong Miho kapag sila lang dalawa, pero kapag may ibang tao ay Ice ang tawag sa kanya. She don't hate her name, but every time she heard her name Miho, she always remember her parents. Ito lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Miho, lalo na kapag nilalambing sya. It pained her, kaya sa twing nagpapakilala sya ay tanging Ice Finn lang. "Good morning too Chief." Napatingin sya sa wall clock para malaman kung anong oras na. Napabuga sya ng marahas na hangin ng makita nyang ala-singko palang ng madaling araw. What her grandfather is thinking? Madaling araw na syang nakatulog at ngayon ay gigisingin sya ng ganito kaaga. Napasandal nalang sya sa dashboard. "Binigay na ba ni Jace sayo ang schedule nila?" "Yeah." Marahas nyang sinuklay ang buhok nya gamit ang sariling kamay. She's still sleepy and she still want to sleep for pity sake! "Good. Ngayon, basahin mo ang schedule nila para alam mo na kung anong oras ka gigising." "Seriously Chief?" Hindi makapaniwalang tanong sa lolo nya at napabuga ng hangin. "Tinawagan mo lang ako ng ganito kaaga para lang ipabasa sa akin ang schedule nila?" "Yes. Napag-usapan na natin 'to kagabi diba? You already agree." Biglang nanlambot ang mukha nya ng marinig ang paglalambing nito. Napabuntong-hininga nalang sya. Alam ng lolo nya na hindi nya ito matitiis. Ito nalang ang natitirang pamilya nya and she can say no to him. "Okay." "Really?" Bakas sa boses nito ang saya. "Yeah." Nag-usap pa sila ng tungkol sa mga gagawin nya bilang pansamantalang manager nila bago natapos ang pag-uusap nila. Huminga muna sya ng malalim at marahas itong pinakawalan bago tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Habang pababa sya ng hagdan ay binabasa nya ang schedule na binigay ni Jace. All there schedule starts at seven in the morning and its end at eight in the evening. May mga schedule din sa fan meeting. They have a rest day once a week. Kailan pa sya naging babysitter? Napailing nalang sya at nagpatuloy sa paglalakad patungong kusina. Nang madaanan nya ang sala ay wala pang tao don, ibig-sabihin tulog pa ang mga bisita nya. Dumiretso sya sa kusina at nagluto na ng agahan nila. Wala syang katulong sa bahay nya dahil ayaw nyang kumuha, may pumupunta namang taga-linis sa bahay nya twice a month. Nang natapos syang magluto ay nagsalin na sya ng kape sa tasa nya galing sa coffee maker. Umupo sya sa hapag kainan saka binuksan ang laptop nya at nagsimula ng basahin ang mga email nya na pinadala sa kanya ng secretary nya. Kalahating oras din syang nakaharap sa laptop nya bago nagsidatingan ang mga bisita nya na nakabihis na. "Good morning Ice." Tumango naman sya at binati sila pabalik habang nasa laptop parin ang atensyon. "Morning." "Pasensya na Ice kung nahuli kaming nagising." "It's okay. Handa ng agahan nyo. Eat and we will leave after." Aniya ng nasa harap parin ng laptop ang atensyon. Naramdaman nyang nagsikilosan na ito at umupo sa kanya-kanyang upuan. Minuto ang lumipas ay wala parin syang naririnig na ingay ng mga pinggan kaya napaangat sya ng tingin sa mga ito. Napataas kilay sya ng nakatingin ito sa kanya na parang hinintay sya. "Yes?" Tumikhim muna si Cray bago nagsalita. "Ahm, hindi ka ba kakain?" Umiling sya at ibinalik sa laptop ang atensyon. "Nope. I don't eat breakfast." Itinaas nya ang tasa nya na may lamang kape na kalahati nalang. "Coffee is enough for me. Eat and don't mind me. Help yourselves." Hindi na sya nakarinig ng komento kaya nagpatuloy nalang sya sa pagbabasa ng emails, 'di naglaon ay nag-umpisa na ding kumain ang mga bisita nya. *** NAKARATING sila sa Thompson Colosseum na pag-aari ng kaibigan nyang si Aiden. Malaki ang Colosseum at maganda. May high-tech na mga gamit at kasya ang sampong-libong katao sa loob kaya palaging fully book ang Colosseum ng kaibigan. "Miss Ice." Gulat na tawag sa kanya ni Freed, ang pinagkakatiwalaan ni Aiden na namamahala sa Colosseum. Kilala sya nito dahil sumasama sila minsan kay Aiden kapag binibisita ang Colosseum. "Freed." Tawag nya sa pangalan nito. Kahit nakangiti sa kanya ang binata ay hindi nya magawang ngumiti. Hindi sya sanay ngumiti, 'yon ang totoo. Marami ang nagsasabi na nakuha nya ang ugali nya sa namayapa nyang ama. "What are doing here? Kasama mo ba si Aiden?" Tanong nito ng tuluyan ng makalapit sa kanya ang binata. "Nope." Lumapit sya sa mga kasama nya. "I'm here because of them. I'm their manager for the meantime." Bakas sa mukha ng binata ang gulat. "I see. Dito tayo JFY band." Nauna na itong maglakad at sumunod naman ang lima. Sya naman ay umupo sa isa mga upuan na nasa harap lang stage. Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagsimula ng mag-insayo ang lima. NAPAPUNAS ng pawis si Cray sa noo at leeg nya gamit ang face towel ng matapos silang mag-insayo. Nakakapagod. Hindi lang kasi pagkanta ang ginagawa nila, kundi ang magsayaw din. Nakakapagod pero para sa mga taga-hanga nila ay kakayanin nila. Napaangat sya ng tingin ng makitang may mineral water na nakalahad sa kanya. Napatayo sya mula sa pagkakaupo sa sahig at tinanggap ang tubig. "Salamat." Nakangiti nyang pasasalamat kay Ice. Tanging tango lang ang tinugon ng dalaga at umalis na ito. Napailing nalang sya sa inasta nito. Ininom ang tubig na bigay ng dalaga na may ngiti sa labi. Kahit malamig itong makitungo sa kanila ay nagagampanan naman nito ang pagiging pansamantalang manager nila. Inaalagaan at inaasikaso sila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD