Kabanata 1

1190 Words
Kabanata 1: Pag-alis Hindi pa 'man ako nakakarating ng tuluyan sa bahay ng marinig ko na ang sigaw ni ante Inday. Sabi nga nila, peace you're fear, kaya naman kahit na alam kong mapapagalitan na naman ako tumuloy parin ako. Bumuntong hininga ako para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Kumatok ako sa pinto, hindi kalaunan ay bumukas ito. Bumungad ang galit na mukha ni ante Inday. "Magaling! Umuwi ka pa. Alam mo ba kung anong oras na? Hah?!" Sigaw niya sa akin. "Sagot!" Dinuro niya ang noo ko. Ganito lagi ang eksena tuwing may mga bagay silang hindi na gustuhan. Sisigawan, babatuhin, hindi pakakainin, uutus-utusan. Maraming bagay ang hindi ko magawa. Para akong alila, alipin na hawak nila sa leeg. Walang kalayaan. "Saan ka galing? Saan? Sumagot ka!" Dahil sa hindi ko pagsagot bigla nalang niya akong sinampal. Hindi ko magawang sumagot dahil lala lang ang sitwasyon. Pero ang saktan at pagbuhatan ako ng kamay ay isang malaking bagay. "Paki sampal pa itong kabilang pisnge 'ko." Turo ko sa kabilang pisnge ko. Gulat siyang napatingin sa akin. Tumagos ang tingin ko sa mga anak niya na nakatingin at nakangiti dahil sa pagsampal sa akin ng ina nila. "A-anong sabi m-mo?" Parang na bingi ata si ante kaya gusto niyang ipa ulit ang sinabi ko. "Kung ang Ina ko kahit kaylan ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay. Tapos ako na hindi niyo anak ay sasaktan niyo lang ako! Bakit? Porket nakikitira ako sa inyo pwede yung gawin kahit ano. Nagtatrabaho ako kaya wala kayong karapat para saktan ako na parang ang laki ng utang na loob ko sa inyo!" Hindi ko na malayan na tumulo na pala ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Hindi ang sakit na pagsampal ang dahilan ng paghula ko. Ang dahilan ay ang wala silang karapatan na gawin sa akin 'to. Nang mga panahon na kasama ko ang Ina ko, ayaw niyang nasasaktan ako. Ayaw niyang nananakit sa akin. Para sa akin, siya lang sapat na. Kahit kami lang ayos na. Pero... Parang pinaglipatan ako ng tadhana. Kinuha siya... At hindi na ibinalik sa akin. "Sumasagot kana!" Akmang sasampalin niya ulit ako ng sinalo ko ang kamay gamit ang isang kamay ko. Inis niyang kinuha ang kamay niya. "Wala kang mudong bata! Wala kang utang na loob---" Pinutol ko ang sasabihin ni ante. "Meron akong utang na loob sa inyo pero, wala kayong karapatan na alilain, saktan at alipinin na parang wala akong kwenta!" Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng mga anak ni ante. Napatingin silang apat sa akin. "Anong na hithit mo Lanah, at iba ang awra mo?" Natatawang tanong sa akin ni Dianna. Siya ang ikatlo. Padabog kong inilapag sa mesa ang isang sobre. "Huy! Lanah. Ano 'yan?" Nginuso ni Dinna ang sobre. Siya ang ika-apat. "Anong silbi ng mga kamay, mata at ang buong katawan mo kung hindi mo gagamitin." Sabi ko. "Yan ang nangyayari sa mga taong laging mag-isa. Weirdo!" Hindi ko pinansin si Donna. Siya naman ang pangalawa. Siya din ang dumampot ng sobre. Lumapit silang lahat para tignan kung anong laman ng sobre. "Ano 'to?" Tanong ni ante habang ipinapakita niya sa akin ang laman ng sobre. "Papel. E kung gamitin ninyo ang mga mata niyo." Pilosopong sabi ko. Sinamaan nila ako ng tingin maliban kay Ate Danna. Siya ang panganay, bait siya. Siya din ang laging nag-aalaga sa akin. Kung ang ina at mga kapatid niya ay ayaw sa akin at laging sinusungitan, siya hindi... hindi siya ganu'n. Siya ang nagtatanggol sa akin mula sa kanyang ina at kapatid. "Aalis ka?" Sabay nilang tanong. "Lilipad ako patungong state." Biro ko na siyang ikinalungkot ni ate Danna. "Ikaw? Paano ka pupunta dun e 18 ka palang at hindi ka pa tapos sa pag-aaral." Kunot noong tanong sa akin ni Dianna. "Bakit yung mga hindi nakapag-aral at hindi nakatapos sa pag-aaral ay nasa ibang bansa? ako pa kaya?! Nakakapagtrabaho nga din kaya ako dito. Sa ibang bansa pa kaya." Kita ko ang pag irita sa kanila. Akala nila siguro maiisahan nila ako! Ay aba! Sawa na akong minamaliit na parang wala akong laban sa kanila. "Edi lumayas ka. Tutal wala ka namang ginawa kundi mag-reklamo at pagiging sakit sa ulo." Sigaw sa akin ni Donna. "Sorry! Pero talagang aalis na ako. Hindi mo na kailangan sabihin 'yan. Huli kana." Iniwan ko sila dun at nagpunta sa kwarto para mag-impake. "Napasobra ata ako?! Teka? Anong oras kaya ako susunduin ni Jade?" Napagpasyahan kong tawagan si Jade. Naka-ilang ring bago sagutin ni Jade ang tawag. "What?" Bungad niya. Ang ganda ng bungad walang hello, what agad e. Mapagtanong ang taong 'to. "Wala lang. Bakit?" Sabi ko dahilan para binabaan niya ako. Tumawag ulit ako para sabihin na ang pakay. "Damn. What?" Inis niyang sabi. "Anong oras mo pala ako susunduin?" Tanong ko sa kanya. "I'm on my way now." Sagot niya. Magtatanong pa sana ako pero binabaan niya ulit ako. Mabilis akong natapos sa pag-i-impake. Halos yung mga importanteng gamit lang ang kinuha ko. Palabas na sana ako ng dumako ang tingin ko sa ibabaw ng side table. "Anak ng sobre! Muntik na!" Agad kong kinuha yung picture namin ni Nanay. "Anak talaga ng sobre! Kainis, muntik na talaga!" Para akong nabulunan ng tinik sa lalamunan. This frame picture is very important to me. More than of expensive brilliant stone o sa kahit anong bagay sa mundong 'to. Eto na lamang ang natitirang aalala nang Ina ko. Ang tangi kong pakakaingat ingatan. Pagkalabas ko nang kwarto mukha ni ate Danna ang bumungad sa akin. "Bakit po ate?" Kita kong paiyak na siya. Pero ganu'n lamang ang gulat ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Naiinis ako sa'yo!" Umiiyak na sabi niya habang nakayakap parin sa akin. "Eh bakit ka nakayakap sa akin?" Kunyaring walang pake kong sabi. "Paalis ka na nga tapos hindi ka manlang magpapaalam sa akin ng maayos. Tapos ang layo pa nang pupuntahan mo. Nakakainis ka! Naiinis ako sa'yo! Sobra..." Madramang sabi ni ate. Niyakap ko pabalik si ate. "Ate, listen to me. Aalis 'man ako pero hindi ibig sabihin na kakalimutan kita. Huwag mong kakalimutan 'yun hah? Pag may pagkakataon ako... Pupuntahan kita dito ate." Hindi ko na napigilan na umiyak dahil sa iiwan ko ang ka isa-isang taong nagmamahal sa akin. Sabay kaming bumaba ni ate. Pumunta ako sa harapan ni ante Inday. Umangat ang tingin niya sa akin. "Aalis na po ako. Pagpasensyahan niyo po ako sa pagiging sakit ko sa ulo niyo. Pasensya na din po sa mga nabitawan kong salita." Nakayukong sabi ko. Wala akong narinig na salita mula sa kay ante. Mukhang wala siyang balak na kausapin ako. "Sige po. Aalis na po ako." Sabi ko bago umalis sa harapan ni ante Inday. Pilit na ibinibigay ni ate Danna sa akin ang pera niya dahil sa sinabi ko na maglalakad ako hanggang makapunta sa sakayan. "Hindi na ate. Ano kaba. I can take care my self. Kaya ate... huwag ka nang mag-alala. I'm really fine. Una na ako. Bye bye!" Kumaway ko para magpaalam. Ngayon na naka-alis ako maaari ko ng gawin lahat ng gusto ko. Sa wakas malaya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD