Kabanata 2

1589 Words
Kabanata 2: Aranya Pagkasakay ko sa kotse ni Jade agad niyang pinaharurot. Nagsisigaw ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. "Putik Jade! Kalma lang! Huy!!" Sigaw ko. Pero putik, wala atang naririnig ang black lady. Pagkarating namin sa bahay niyang mukhang hunted house bumaba ako agad dahil sa pag kainis. Sinong hindi maiinis kung may taong maglalagay sa akin sa kapahamakan. Pangisi-ngisi si Jade dahil sa hitsura ko. Pano paniguradong na mumutla ako dahil sa nangyari. Puro pag sigaw ang ginawa ko dahil sa nerbiyos. Akala ko kamatayan ko na e. "It's okay. Mahina lang ang sikmura mo." Na iiling niyang sabi saka siya naglakad paalis. "Tsk. Mukhang sumakit ang ulo ko!" Naglakad na ako dala ang mga gamit ko. Pagkapasok ko aso agad ni Jade ang bumungad sa akin. Hinarang ko ang bag ko para hindi ako malapitan ng aso. "Jade!! Jade!" Tawag ko kay Jade. "Etong chaka mong aso tinatangka niyang lapitan ako! Jade! Etong aso mo. Huhuhuhu!" Lumapit sa akin si Jovie. "Inky! Come here." Tinawag niya ang aso ni Jade kaya lumapit sa kanya ang aso. "Inky? Pangalan niya 'yun?" Tanong ko. "Ahm... Oo. Teka, kumain ka na ba? Ay! Oo nga pala." Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang ilang dala ko. "Welcome home and... welcome back!" Maligalig niyang sabi. Tumahol ng ilang beses si Inky. Napangiwi nalang ako. "Welcome home 'daw." Sabi ni Jovie na parang naintindihan niya ang aso. I give he's a fake smile. Ang creepy din nang isang 'to tulad ni Jade. Mga kakaibang tao. Hay naku! Sinamahan ako ni Jovie sa kwarto dala niya ang ibang gamit ko. "Thanks." Pagpapasalamat ko sa pagdadala niya ng gamit. "No problem." Ngiting sabi niya. "Sunod ka sa baba. Kakain na." Tumango nalang ako sa kanya. Hindi ko naman first time dito sa kwarto pero inilibot ko ang tingin sa kabuuan neto. Matapos kong mailagay sa closet ang mga gamit ko pumunta na ako sa kitchen. Nadatnan ko si Jade na naka talikod at may suot na apron. Habang si Jovie ay nag-aayos ng mga pinggan sa mesa. Umupo agad ako. Napalingon sa akin ang dalawa ng marinig nila ang tunog ng upuan. "Na pano ka?" Takang tanong sa akin ni Jovie. "Wala naman. Anyway, kamusta pala ang Daddy mo?" Tanong ko. Malungkot siyang ngumiti. "He's fine... I guess. Pero mapapanatag ako kong gigising na siya." May biglang binato sa akin si Jovie. "Bakit 'to?" Binato kasi niya sa akin ang panyong ibinigay ko sa kanya. "Ibinabalik ko na. Salamat---" Binato ko pa balik ang panyo. "Sa'yo na. Marami naman akong panyo. Saka magagamit mo 'yan kapag nagdrama ka... ulit." Nagsalin ako ng tubig sa baso saka uminom. "Huh?" Takang tanong niya. "Tss! Tss!" Napailing iling ako. "Naalala mo ba nung mga panahon na nasa kadramahan ka. At least na panyo, kamay mo ang ginamit mong panyo." Saad ko sa kanya. "Alam mo ba? Sa mga tv, movie, kapag walang panyo at umiiyak ka. May bigla nalang susulpot at magbibigay ng panyo. Yun ang purpose kaya umiiyak ako at ang mga kamay ko ang ginawa kong panyo." Nakasimangot niyang sabi. "Ang daming alam hah? Anyway hindi sa totoong buhay 'yun nangyayari. Sa tv lang." Padabog niyang inilapag ang kubyertos dahil sa sinabi ko. "Nangyayari din kaya sa totoong buhay yung mga napapanood. Diba nga bago magsimula ang palabas may disclamier. Sabi dun... names, characters, business, places, events and incidents are tictious. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. So, maaaring mangyari o nangyari siya sa totoong buhay." Napatango tango nalang ako. May point naman siya. "Di bali, may point ka naman." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Naglakad ako patungo kay Jade. "What?" Tanong niya na siyang ikinabigla ko. "Ilang mata meron ka?" Biro ko. Hinarap niya ako. "Are you blind?" Tanong niya. "Tunggak ka! Syempre hindi. Kita ko nga kung paano ka kapangit kasama eh!" Sinamaan niya ako ng tingin. Totoo naman. Bakit ang mga tao hindi matanggap ang sinabi sa kanila. May kasabihan nga na, Honesty is the best policy. Hindi nila alam ata 'yun. "I'm not silly. Not like you." Ibinalik niya ang tingin niya sa niluluto. Kinalabit ko siya. "Anong not like me? Huy! Hindi ako sili ay mean. Hindi ako silly. Hindi ako stupid." Sabi ko. "Nah... you're the one who said that. I didn't say anything." Giit niya. "Nah. Nah. Ewan ko sayo." Bumalik nalang ako kinauupuan ko kanina. "Hindi kaba kinakabahan?" Biglang tanong sa akin ni Jovie na naka-upo sa tapat ko. "Kinakabahan? saan naman? At bakit?" Tanong ko. "Dun sa resulta." Sagot niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Kita ko ang pagkalito niya dahil sa naging reaksyon ko. "Bakit?" Naguguluhan niyang tanong. Inubos ko muna ang tawa ko bago sumagot. "E kasi---Bwahahaha. Pfft... Bwahahaha! Pfft. Bwahahaha." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa pinapangunahan ako ng tawa. Putik lang kasi! Nakakatawa lang kasi ang sinabi, pati ang reaksyon niya. Masyado siyang nako-confused siya sa akin. "Bakit? Huy, Lanah. Bakit nga?" This time tumigil na ako sa pagtawa. "Grabe. Grabe ang i'yong ka tanungan. Mahirap sagutin. Masyadong mahirap pero, i'm really appreciate you're question. That's why i laugh... a lot." Kita ko kung paanong lumukot ang mukha niya. "Seryoso kasi." Inis niyang kinuha ang tinidor at itinutok sa akin. Buti nalang at hindi abot sa akin yung tinidor kundi baka saksakin niya ako ng tuluyan. "Bakit naman ako matatakot?! Alam mo ba. Walang bagay akong kinatatakutan. Yan pa kayang resulta." Mayabang kong sabi. "Talaga lang huh?!" Biglang nag bago ang reaksyon niya. Mula sa nakabusangot na mukha turn into creepy face. Eh! "Talaga!" Kumpyansang sagot ko sabay tango. Ngumiti siya ng pag kalaki laki. "Jade! Na saan si Anya?" Sigaw niya. "Tulog." Simpleng sagot ni Jade na may dalang ulam na nakalagay sa mangkok. "Someone want her to see." Ngising sabi ni Jovie na hindi mawala wala ang ngiti. "Who?" Tanong ni Jade. Nginuso ako ni Jovie. "Siya." Sabi niya. "Tsk. Bad idea. I don't wanna die her so early." Napailing si Jade. And now, i'm the one who confused. Sino ba kasi si Anya? "Hehe. Who's Anya? " Curious kong tanong sa kanila. "Aranya." Sabay na sagot nila. "Huh?" Naguguluhan kong sabi. "Dalhin mo dito si Anya para makilala ni Lanah. Tagalog na nga hindi pa alam." Sabay tingin sa akin. Umalis nga si Jade para dalhin si Anya daw dito. "Anya. Aranya. Sa kanya. Pfft... pangit ang pangalan." Puna ko sa pangalan nung aranya na si Anya. "Baka nga mapatili at nagtatakbo ka na parang nakakita ka ng gwapong artista." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wow! May dating ba siya?"Exited kong tanong. "Sobrang... sobra! Baka nga kung sabihin ko nga ang pagkakakilanlan niya maihi kana d'yan sa kinatatayuan mo. Anyway, totoo talagang may dating siya." Ngiting ngiti na sabi niya. "Grabe. Gusto ko na tuloy makilala siya. Makakasama ba natin siya dito ng matagal?" Tanong kong muli. Tumango tango siya. "Ofcourse, Yes. Dito din siya titira." Tumago nalang ako. Maya-maya pa ay dumating na si Jade at may dala hindi ko lang kung ano. Tumingin ako sa likuran ni Jade pero walang nakasunod sa kanya. "Na saan siya?" Tanong ko. "Nandito." Sagot ni Jade habang nakaturo dun sa dala niyang natatakpan ng itim na tela. Tinanggal niya ang itim na tela. "Akala ko naman kung sino na." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Akala ko gwapings eh! Ang ganda kasi ng pagkaka-describe ni Jovie. Sa sobrang ganda ng pagkakasabi niya ay napaniwala niya ako. "Aquarium?" Lumapit ako para makita kong anong nandu'n. "Ang cute ng house." Puna ko sa bahay na nasa aquarium. Ganu'n nalang ang pag kagulat at malakas na pagtili ko. Napa upo ako sa sahig dahil sa nakita. Dinig ko ang malakas natawa ni Jovie. Hindi ko alam ang dahilan ng pagtawa niya. Tumawa ba siya dahil sa reaksyon ko o dahil sa naisahan niya ako. "J-Jade. I-i-ilay-yo m-mo y-yan..." Tukoy ko dun sa gagamba na nasa aquarium. Putik! Aranya ay ang ibang salita ng gagamba sa tagalog. Kaya pala sound familiar eh! "Sinong matapang? Akala ko ba wala kang kinatatakutan? Nasaan na ang tapang mo, Lanah?" Pang-aasar sa akin ni Jovie. "Mamaya ka!" Agad akong tumayo at tumakbo palayo kay Jade na may gumagapang sa kanyang gagamba. "Asa! bleh!" Binilatan niya ako ng mata. "Peste kaaa!!" Nag papadyak ako dahil sa inis. Inilagay ni Jade sa mesa yung gagamba dahilan para lumayo ako sa mesa. "Lanah, meet Anya. Anya, meet Lanah." Nakangising sabi ni Jade. "Jade!! Pag 'yan nakalapit sa akin! Hahampasin ko yan ng tsinelas!" Pagbabanta ko. Agad kong hinubad ang dalawang pares ng tsinelas ko saka hinawakan. "Ang sama mo! Akala ko ba gusto mo siyang makilala. Tapos sasabihin mo hahampasin mo siya. Bad---aray!" Ibinato ang isang tsinelas sa mukha ni Jovie. "AKALA ko kasi tao. Yun pala pisteng gagamba!" Pinagdiinan ko ang salitang akala. "Marami ang napapahamak sa maling AKALA." Pinagdiinan niya din ang salitang akala. I don't have a fear to death. I can face to face all of trial even the death. One of my motto in my life is, face you're fear. But, one of my fear is a damn spider! And, can't face it! Funny but that's a true. Nakakatawa lang talaga na ang tulad kung kilala ng karamihan na matapang, walang inuurungan at kinatatakutan ay takot sa hayop. Wala eh! Feeling ko talaga wala akong laban sa kanila kaya tumatakbo nalang ako. Tsaka ang wierd ng mga hitsura nila. Tulad netong alaga ni Jade na aranya o gagamba. Creepy like her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD