Kabanata 3: DNA test
Paano kaya nila nakakayang makita at makasama yung gagamba? o kaya yung mga weird na hayop? Curious lang ako. Simula nung hinabol ako ng aso ng kapitbahay namin mainit na ang mata ko sa kanila. Bibili lang sana ako 'nun, iwan ko din ba kung anong trip ng mga aso na 'yun!? Habulin ba naman ako.
"Hello! Naririnig mo pa ba ako?" Napabalik ako sa reyalidad ng nag snap ng finger si Jovie.
"Why? Bakit? Aken?" Tanong ko.
"Akin?" Takang tanong niya sa huling salita na sinabi ko.
"Why in english, sa tagalog bakit, sa pangasinan aken? Ganu'n." Pagpapaliwanag ko.
"Ahh! Akin is bakit in tagalog?" Tanong niya.
"Hindi akin na parang inaangkin." Iling kong sabi. "Hindi letter I 'yun! Its letter E as in e-ewan ko!" Pagtatama ko.
"Akin---ay mali! Aken... right?" Tumango nalang ako sa kanya.
Isinubsob ko ang ulo ko sa mesa. Bagot na bagot na ako. Gusto kong magliwaliw kaso hindi ko pwedeng iwan si Jovie mas lalo ngayon na na-coma ang ama niya.
"Anong pwedeng gawin? Nakakaboring. Walang magawa." Dinig ko mula kay Jovie.
Mukhang pareho kaming boring sa buhay. Iwan ba naman kami ni Jade dito.
Inangat ko ang mukha ko saka tinanong si Jovie. "Ikaw Jovie. Kinakabahan kaba sa result?"
Bumuntong hininga siya. "Ofcourse yes. I admid that i feeling mutual. Syempre, sino ba naman ang kakabahan." Tumango ako.
"Sana dumating na yung result." Saad ko.
Para kasing may kung anong nakabara sa dibdib ko. Hindi naman ako natatakot pero kinakabahan. Yun lang. Kaba lang naman ang nararamdaman ko.
"Teka, kaylan ba ang dating ni Doc Genyo?" Tanong ko sa kanya.
"Siguro sa madaling panahon dapat may result na. Kaya paniguradong papadaliin nila ang proseso. Kundi, naku! Magagalit si Jade sa kanya. Baka nga tuluyan niya nang bawiin ng buhay 'yun eh! Kita mo naman siguro kagabi kung paanong muntik ng maligo sa sariling dugo si Doc. So, sa ayaw at gusto niya. Bukas ay nandito na siya dala ang result." Pinaglalaruan niya ang isang necklace sa mesa.
Yan ata yung sinasabi niyang bigay ng Daddy niya.
"Ikaw? Natatakot kaba kay Jade?" Tanong ko sa kanya seryoso lang siyang nakikinig. "Mukha kasi siyang unsocial na tao---ay hindi mukha! sadya talagang unsocial siyang tao. Masyadong seryoso. Hindi mabiro at higit sa lahat misteryoso."
"Sshhh!" Sinenyasan niya akong tumahimik.
"Bakit?"
"Si inky." Turo niya kay inky na nakaupo. "Baka isumbong ka kay Jade. Bahala ka."
"Akala ko kung ano na." Saad ko.
Tumayo ako saka sinenyasan si Jovie na tumayo. Kahit na nagtataka siya sumunod parin siya.
Lumapit ako sa kinauupuan niya. Sinipat ko ang inupuan niyang upuan.
"Akala ko madumi. Hehehe." Saka ako tumakbo palabas.
"Huy Lanah! Badtrip ka! Nakakainis ka!" Sigaw niya habang hinahabol ako.
"Uto-uto! Bleh! Uto-uto si Jovie. Jovie the uto-uto!" Sigaw ko habang patuloy na tumatakbo para hindi niya ako mahabol.
Pero ganu'n nalang ang pagtataka ko ng hindi ko marinig ang yapag ng pagtakbo niya.
"Huy! Nasan ka? Huy!" Bumalik ako sa dinaanan ko.
Nagkasalubong ang kilay ko ng makita ko siyang nakasalampak sa lupa.
"Ang sakit! aray!" Daing niya.
"Ano bang ginawa mo d'yan? Ano may nahuli kang palaka? ilan?" Pang-aasar ko.
Tumayo siya saka niya pinagpagan ang damit at padyama niya.
"Nasaktan na nga ang tao tapos nang-aasar kapa! Wow! Iba ka din." Ngitian ko lang siya dahil halatang pikon.
"Huy! Diba boring?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa punong kalbo na.
"Wow! Ikaw ba yung kausap ko kanina or hindi? Parang hindi mo naring na sinabi kong boring!" Medyo pasigaw niyang sabi sa mismong tainga ko.
"Dalen ka! Ano ba! Plano mo bang bingihin ako? huh? Pektusan kita d'yan e!" Inis kong sabi.
"Da-lin?" Takang tanong niya.
"Dalen. Gayahin mo ang sasabihin ko huh?" Tumango siya. "Da... As in Da-daddy. Da..." Para akong ina na tinuturuan ang anak na magsalita ng maayos.
"Da..."
"Len... Lens as in lente, ganun. But remove letter S. Len lang dapat. Len..." Pagpapaliwanag ko. Tumango siya bilang sabi na gets niya.
"Len... okay. Gets na! Da-len. Da-len." Sabi niya saka siya nag thumb up.
"Anong ibig sabihin nun?" Tanong niya.
Dumako ang tingin ko sa puno. "Kita mo yung puno?" Turo dun sa puno.
Tumango siya. "Yap." Saad niya.
"Alam mo ba kung saan ang kinatitirikan nang punong 'yun?" Tanong kong muli.
Kunot noong tumango siya. "Land. Ground. Soil." Sagot niya.
"In tagalog?" Tanong ko.
"Lupa." Sagot niya.
"Good." Sabay thumbs up ko sa kanya. "Dalen means lupa. Yun ang ibig sabihin nang dalen. Lupa." Saad ko.
Napa-woahhhh siya.
"Anong salita 'yun?" Curious niyang tanong.
"Pangasinense language 'yun. Yung namang Ka, ibig sabihin ikaw." Saad ko.
Napatango tango nalang siya.
Nabalot kaming dalawa ng katahimikan. Dahil sa may idea ako, ako na din ang bumasag ng katahimikan.
"Etong bahay ni Jade, pang hunted house." Saad ko.
"Tama ka. Kahit nung gabing napunta ako dito lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan." Natawa siya ng mahina.
Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. "Sadyang wala akong choice. Ang nasa-isip ko lang nun ay makahingi ng tulong kahit na hindi ko alam kong sinong nilalang ang narito." Natawa siya.
"Etong bahay niya. Walang kabuhay buhay. Halata na ang may-ari ng bahay na'to ay lonely. Ayaw ng kasama at ang gusto ay mapag-isa." Saad ko.
"Anong pangalan ng school mo?" Tanong ni Jovie.
"Public. Sa Venom Highschool." Sagot ko. "Ikaw? Anong name ng school mo?" I asked to her.
"Hallux University." Sagot niya.
Hindi ako magugulat na dun siya nag-aaral sa HU. Kilala at sikat yun, tulad ng NeftXen. Pero ang pinakakilala ay ang EU o Efraim University. Pili lang ang maaring makapunta dun. Sabi nga nila ang EU ang higit at gusto ng lahat. Ikaw na ang pinakaswerte pag nakatungtong ka universidad na 'yun.
"Si Jade sa NU siya." Sabi ni Jovie.
"Sa NeftXen University?" Tanong ko.
Tumango siya.
Grabe! mayaman talaga ang babaeng 'yun. Mapapa-sana-all nalang ako sa kanila.
Kung sila ay mayaman ako naman ang kabaliktaran nilang dalawa.
Mula pagkabata ko nagbabalat na ako ng buto. Kahit buhay pa si Mama nun tinuturuan na niya akong tumayo sa sarili kong mga paa... para pagdating ng araw hindi ako mahirapan dahil sa kaya ko nang mag-isa.
"Huy! Tara na. Huy!" Tinusok-tusok ni Jovie ang pisnge ko dahilan para tampalin ko ang kamay niya.
"Aray naman! Mapanakit. Tulala ka eh! Tara. Pupuntahan ko si Daddy." Na una siyang naglakad dahil sa wala naman akong balak na mag-stay dito sumunod na ako.
"Psst! Lanah! Puntahan ko lang si Daddy." Pagpapaalam niya na pupunta siya sa Daddy niya.
Tumango ako. "Hmmm."
Humilig ako sa sofa pero wala pang ilang sigundo bigla nalang tumunog yung selpon ko na nasa mesa.
Inis kong dinampot ang selpon saka sinagot ang tawag.
"~~Oh! ano? Saan... Sino kang putik na nilalang?~~" Pakanta kong sinagot ang tawag.
"Damn you Lanah!" Napatayo ako sa kinauupuan ko.
Putik na. Si Jade pala.
I clear my throat. "Ikaw pala Jade! Hehehe. Kamusta--ay na patawag ka pala---ay ang putikkk!" Gulat ako nang may bumusina mula sa gate.
"Wait lang Jade. May tao." Pinatay ko agad ang tawag saka lumabas.
Binuksan ko agad ang gate. Nilapitan ko yung sasakyan.
"Anong kailangan?" Tanong ko.
Napaatras ako ng si Jade pala ang driver.
"Ikaw Jade nang gugulat ka!" Pabiro kong ihahampas sana ang kamay ko sa kotse niya ng samaan niya ako ng tingin. "Bakit hindi ka nag pasabi?" Tanong ko.
"I already call you but you ended the call." Saad niya.
Napakamot ako sa ulo ko. Malay ko ba.
"Sige, tuloy ka." Idederetso niya ang sasakyan niya hanggang dun sa pinag-pa-parkingan niya ng sasakyan.
Pagkasara ko ng gate pumasok na ako ng bahay.
"Ngayon darating ang result." Sabi ni Jade na siyang ikinagulat namin ni Jovie.
"A-as in now?" Paninigurado ni Jovie.
Tumango si Jade. "Yap."
"Akala ko ba bukas!?" Nakabusangot na sabi ni Jovie.
"Tommorow is the first day of school." Saad ni Jade.
"Oo nga pala. Pasukan na pala, hindi ko lang napansin. Putik! Putik! Putik. Putik talaga!" Nasampal ko nalang ang noo ko.
"Huy! Napapano ka? Ang laki ata ng problema mo?!" Tanong sa akin ni Jovie.
"Diba nga first day of school tommorow?! E nakalimutan kong bumili ng gamit." Sabi ko.
Mula sa kinauupuan niya ay patayo siya na wala sa oras.
Taka ko siyang tinignan. "Oh ano 'yan?" Turo ko sa mukha niya na hindi maipinta.
"Eh... kainis! Paano ako bibili kong hindi ako pwedeng makita. Saka bawal kong gamitin yung mga ATM card. Baka mapahamak pa tayo. Baka nga pinaghahap na ako." Problemadong sabi niya habang palakad lakad at hindi makapakali.
"Paniguradong inaabangan na nila sa bahay niyo, sa school. Sa lahat na alam nila na maaaring puntahan at pagtaguan niyo." Saad ko.
"Isa pa 'yan! Yan!" Turo niya sa akin.
"Huh? Anong 'yan?" Kunot noong tanong ko.
"Yung sinabi mo. Paano ako makakapag aral ng walang mangyayaring masama sa akin?! Nang walang aalalahin? Paano?" Gulong gulong tanong niya.
"Huwag niyo mo nang alalahin 'yan mga 'yan. Paparating na si Genyo." Biglang sabi ni Jade na prenteng naka-upo sa sofa.
Maya-maya pa ay dumating na si Doc na may dalang itim na suit case.
"Goodafternoon to all of you girl's." Bati ni Doc Genyo.
"Goodafternoon din po Doc!" Ngiting bati ko.
"Goodafternoon, Doc." Ngiting bati din ni Jovie bago sumeryoso ang mukha.
"Ang resulta?" Seryosong tanong ni Jade.
Ngumiti si Doc. "Where my goodafternoon too?" Mapang-asar niyang sabi.
"Tss. I'm serious. Give me the DNA test." Inihad ni Jade ang kamay niya.
Kinuha ni Doc sa suit case niya ang DNA test. Ibinigay niya ang isa kay Jade.
Inis na hinablot ni Jade yung envelope mula kay Doc.
Ibinigay sa akin ang isa at ang isa ay kay Jovie.
Pikit mata kong kinuha mula sa envelope yung resulta.
Huminga muna ako ng malalim saka ko iminulat ang mga mata ko saka tinignan ang papel.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking kinauupuan.
Totoo ba'to? Seryoso?!