Kabanata 4

1607 Words
Kabanata 4: Bad or Good idea? Mula nang ibinigay sa amin ang DNA test para kaming na pipi na hindi makapagsalita. Mahirap lang paniwalaan. Parang hindi ma-adapt ng sistema namin. Parang hindi mag-sink-in sa utak namin ang kinalabasan ng resulta. "Parepareho ang kinalabasan ng resulta... Anong tingin ninyong sunod na mangyayari? Anong gagawin natin?" Saad ko. "Stay here. I need to talk someone." Sabi ni Jade. Tumango nalang kaming dalawa ni Jovie. Saka siya lumabas. Tumayo si Jovie mula sa kinauupuan niya. "Saan punta mo? Sabi ni Jade stay here daw!" Nakasimangot siyang tumabi sa akin. "Lanah!" Tawag ni Jovie sa akin na habagya pa niya akong kinalabit sa balikat. "Ano?" Iritado kong tanong. "Para naman iba ako?! Galit kana 'yan?" Nang makita niyang wala akong balak pansinin siya kinalabit niyang muli ako. "Huy! Are you still there?" Ikinaway niya ang kamay niya sa mukha ko. Umusog ako nang kaunti palayo sa kanya. "Moody ka?" Sabi niya. Umusog siya palapit sa akin. "Tao ako, at tsaka Lanah ang pangalan ko. Lumayo ka nga. Nagmumuni-muni ang tao e." She rested her chin on my shoulder. Hindi na ako umangal. Maya-maya pa ay pumasok na si Jade na sobrang seryoso. Naupo siya sa kabilang sofa. Panay din ang buntong-hininga niya. "From now on, you stay here... with me. Dito kayo uuwi. Sa madaling salita, dito na kayo titira." Nakatingin kami ni Jovie dahil sa biglaang desisyon ni Jade. "Hindi ba kami makakaabala? For sure na Oo ang sagot. Pero sobra na ang naitulong mo Jade--" "Sinong nagsabi na naaabala ako. Hindi niyo ako naabala. Hindi naman ako iba sa inyo." Putol ni Jade kay Jovie. Umayos ng upo si Jade saka kami tinignan ng seryoso ni Jovie. "I called one of..." Bitin niyang sabi. Kunot noong tinignan namin siya ni Jovie para hintayin ang sunod niyang sasabihin. "...Friend. Whatever." Bigla nalang siyang naging masungit. "Pinapaayos ko ang paglipat niyo ng school---" Sumingit kami agad ni Jovie. "What? Parang biglaan ang lahat?!" Napatayo na si Jovie. "Teka Jade. Huwag kang padalosdalos. Okay na kami na titira kami dito. Pero... yung plano mo na ilipat kami ng school, sobrang abala 'yun! Okay na kami sa mga school namin. Diba Jovie?" Tumango tango si Jovie bilang pagsang-ayon sa akin. "No. I'll already said na hindi niyo ako naabala. Hindi ako iba sa inyo. My decision is final." Pagkasabi niya 'yun ay bigla nalang siyang umalis at nagpunta sa kusina. Paniguradong magluluto na 'yun ng makakain. "Sa palagay mo. Bad or good idea?" Tanong ni Jovie. "Ewan ko." Hindi ko alam kung maganda ba ang idea na 'yun. Para sa akin kasi malaking bagay na naka-alis ako sa poder ni Ante. Dito na nga niya kami pinatira tapos plano niya pang ilipat kami ng school. "Para sa akin pabor sa'yo 'yun Jovie. At least maiiwasan mong malagay sa panganib, diba?" Bumuntong hininga siya saka tumango bilang pagsang-ayon. "Pero. Sa palagay mo... talagang maiiwasan kong malagay sa panganib?" Nagpakawala siya ng hininga. "Mismong panganib na ang lumalapit sa akin. Panganib na mismo ang gumagawa ng paraan para hanapin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam!" Maaari pang mapahamak ang ama niya na na-coma. Pati si Jade maaring malagay sa alanganin. Kahit na sabihin kong malakas at kayang lumaban ni Jade hindi namin alam kung sino ang mga tao'ng 'yun. Wala kaming idea sa nangyari at kung sino sila, kahit na si Jovie ay walang alam. "Wala ba kayo'ng balak kumain? Hindi niyo ba nagustuhan ang niluto ko?" Tanong ni Jade ng makita niyang hindi namin ginagalaw ang pagkain na nasa pinggan namin. "I'll lost my appetite." Sabi ni Jovie. "Pfft... " Napatingin sila sa akin na nagpipigil tawa. "What?" Umiling nalang ako kay Jovie. "Ano nga?" Inis n'yang tanong. "Wala." Sagot ko. "E kasi sabi mo 'I'll my lost appetite' Gusto mo hanapin ko ang panlasa mo? Meron bang ganu'n." Inis akong tinignan ni Jovie. "Ewan ko sa'yo." Saad niya. "Si Doc Genyo pupunta dito. Dala yung mga school supplies na kakailanganin natin." Uminom muna siya ng tubig saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I have a idea about our problem." Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos. Nakuha ni Jade ang buong atensyon namin dahil sa sinabi niya na may idea siya sa problema namin. "First. I enrolled you at the same section. Mas maganda kung isang school at section lang tayo. Second, kayong dalawa" Turo niya sa amin. "Your need to hide your identity. I mean, yung hindi kayo makikilala ng kahit na sino." Paglilinaw niya. Sabay kaming napatango ni Jovie saka sabay sabing 'okay. "You mean is... kahit ikaw dapat hindi mo kami ma-recognize?" Nagpahilot nalang si Jade sa sarili n'yang sintido. "Akala ko ba okay na?!" Napahilamos si Jade sa mukha niya. Bakit? Sabi niya kahit na sino. Edi dapat hindi niya din kami makilala. Binalingan ni Jade ng tingin si Jovie. "Hehehe. Why?" Pekeng ngumiti si Jovie. "You get it what i mean?" Tanong sa kanya ni Jade. "Hehehe. I guess... make it clear." Nasapo ni Jade ang noo niya. "Our you same of mind?" Pareho kaming umiling ni Jovie sa tanong ni Jade. "Pareho kasi kayo'ng mahirap kausap." Hinilot niyang muli ang sintido niya. "I make it to be clear. Magdi-disguise kayo, its simple." "Parang magbabalat kayo, ganu'n?" Tumango si Jade. "Anong disguise naman?" Tanong ko. "Basta yung hindi tayo mapagkakamalan na magkamukha." Napainom siya ng tubig dahil ata stress. "Like nerd. Nerd yung kulot na may laging hawak na libro?! May salamin at medyo... badoy kung manamit?" Napa-snap si Jade sa sinabi ni Jovie. "Yap. May mga gamit dun sa storage room. Nandu'n ang ibang gamit na maaaring magamit niyo." Sabi niya saka biglaag may ibinato siya sa akin. Nang tignan ko isang susi. "Baka hindi mo alam ang gamit n'yan?" Tanong niya sa akin. Sumimangot ako. Hindi ako slow huh?! Grabe siya. "Alam ko. Tss." Inirapan ko. "Sabi na nga ba. Pati 'yan. Hindi mo alam ang gamit n'yan. Oh-my be loving silbing!" Muli siyang nagpahilot sa sintido niya. "Jovie, gisingin mo nga si Papa. Pakisabing turuan niya itong anak niya." Turo niya sa akin. "Paano ko gigisingin si Daddy e ayaw pagising?!" Nakasimangot nasabi ni Jovie. "Sabi ko alam kong gamitin 'to. Hindi ko sinabi na hindi ko alam gamitin." Paglilinaw ko. "Malay ko ba." Nagkibit-balikat siya. "Magkwento ka nga tungkol kay Papa." Interesadong sabi ni Jade. Sumeryoso si Jovie. "For me, he's the best. Smart. Sa talino ni Daddy alam niya kung nagsisinungaling ako o nagsasabi ng totoo. Madali niyang mahulaan ang takbo ng utak ng kausap at kaharap niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadaling pumunta sa akin. Kung bakit kami hinahabol ng mga lalaking 'yun! Ang alam ko lang... kailangan naming makaligtas." Buhos ng luha sa mga mata niya. Nanunumbalik sa kanya ang lahat ng nangyari. Sino nga sila? Bakit sila hinabol? Sa anong kadahilanan? Dumating nga si Doc Genyo kasama ang isang lalaki na gwapo hehehe. "Rylle this is Jovie and Lanah. Hindi ka nanaginip." Bahagyang sinuntok ni Doc Genyo sa balikat si Rylle daw'. "Hi! Nice to meet you." Inilahad ni Rylle ang kamay niya kay Jovie. Tinanggap naman ni Jovie para makipag-shake hand. "Nice to meet you too." Sabi ni Jovie na may ngiti. Si Sis lumalandi. Hindi na nahiya. "Hi! My name is Rylle---" "Rinig ko. Doc Genyo he's already introduce you." Tinalikuran ko na sila. Pinuntahan ko si Jade na nasa kusina. "Jade. Nand'yan na si Doc. May kasama siya." Binuksan ko yung ref saka kinuha yung ice cream na nandu'n. "Who?" Tanong niya habang ang tingin ay nasa hinihiwa niya. "Rylle 'daw." Sagot ko. "Anong niluluto mo?" Tanong ko. "Sinigang." Simpleng sagot niya. "Jade. Musta?" Lumapit si Rylle kay Jade pero napaatras siya ng tinutukan siya ng kutsilyo. "Chill!" Napataas ang dalawang ni Rylle na parang sumusuko na. "Bakit mo 'to sinama?" Turo ni Jade kay Rylle gamit ang kutsilyo. Napakamot sa batok si Doc Genyo. "Hindi ko sinama 'yan. Nagtago sa back seat. Hindi ko alam. Naisahan ako." Paliwanag ni Doc. "I'm smart but handsome." Nag pogi sign siya. Napangiwi nalang ako. Mayabang. "Signal number one." Wala sa sariling sabi. "Huh? Anong sinasabi mo?" Tanong ni Jovie. "May bagyo sabi sa tv. Signal number one." Slight na pagsisinungaling ko. Totoo kasing may bagyo sabi sa tv. "Di bali signal number one palang. Hindi pa ganu'n nakakatakot." Tumango nalang ako sa sinabi ni Jovie. "Hindi nga ba?" Dinig ko mula kay Doc. "Anong sinabi mo Doc?" Tanong ni Jovie. Umiling si Doc. "Nothing." "Rylle, samahan mo akong kunin yung mga gamit." Pagkaalis nila ni Doc agad tumili si Jovie. "Na papano ka?" Puna ko dahil sa reaksyon niya. "Alam mo ba---" "Hindi pa." Putol sa sinabi niya. "Panira. Pakinig ka, 'yun---" "Tao." Putol ko ulit sa sinabi niya. "Panira. Patapusin mo nga ako. Yun, kilala 'yun. Siya yung gwapong basketball captain sa NU." Hindi magmaliw niyang sabi. "I'll lost my care, Jovie." Sabi ko. "Ay weh! May pa 'I'll lost my care ka pa' ayos ka ghurl." Nagthumbs up siya. I rolled my eyes to her. Dalawang box ang dala nila ni Doc. Inilapag nila sa sahig yung dalawang box. Nag strength stretch ng arm si Doc dahil sa bigat ng kahon. Napaiwas ako ng tingin. Uminit ata ang atmosphere?! Umubo ng peke si Doc. Nahuli ata niyang nakatingin ako sa kanya?! Huli pero hindi kulong. "Uhmmm. I check your Dad." Paalam ni Doc. Tumango nalang kaming tatlo. Si Doc Genyo ang doctor ni father. Siya din ang gumamot kina Jovie. Siya din ang may sabi na coma si father at hindi niya alam kung gigising pa si father or hindi na magigising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD